CHAPTER 23

0 0 0
                                    


ZACK'S POV

Lunes na ngayon at kailangan ko ng pumasok dahil kailangan kong bawiin ang mga absence ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si mommy na masayang naghahanda ng umagahan sa baba kasama ang mga katulong namin.

Hindi muna ako bumaba dahil sa kabila ng lahat ng nangyayari sa amin ay nalalampasan pa rin namin ito kahit papaano.

"Zack"....tawag naman ni mommy at ngumiti ako sa kanya.

"Hey mom"...masayang bati ko.

"Mukhang masarap yata ang tulog mo at ang lawak ng mga ngiti mo ahh"...pang-aasar naman ni mommy sa akin pero hindi ko na pinansin yun.

Pagkatpos kong kumain ay nagpaalam na ako kina mommy at daddy.

"Alis na po ako mom, dad"...sabi ko pa at tinanguan naman nila ako at nagpatuloy na sila sa kanilang umagahan.

Pagkalabas ko ay tiningnan ko naman ang kapitbahay namin at may tao na nga doon, dati kasi ay wala pang nakatira dyan pero ngayon meron na at tsaka yung bintana ng kwarto ko ay kaharap din lang ang bintana ng kwarto ng kanilang bahay.

Malapit lang naman sa school tong village namin kaso nga lang tinatamad akong maglakad kaya ginagamit ko pa rin ang kotse ko kasi hindi naman sobrang lapit parang mga ilang kilometro din ang layo kaya kung masipag kang maglakad, lakarin mo na lang.

Pagkarating ko sa school ay ipinarad ko na muna ang kotse ko sa Parking lot ng school.

Mag-isa lang akong papasok ngayon dahil medyo maaga ako kaya di ko kasabay yung apat.

Pagpasok ko sa gate ay nakarinig na agad ako ng malakas na mga tilian. Nagshades ako kasi trip ko lang, kaya naman todo tili ang mga babae habang padaan ako.

Omg He's back!!!!

Why so gwapo Zack!!!

Waaahhhhhhhhh!!!!

Zack akin ka na lang please!!!!

Yieeeee nagbalik na ang pinakagwapo sa lima!!!!!!

"MAG-SITAHIMIK NGA KAYO!!!".....natigil naman sa pagtili ang mga babae dahil may sumigaw bigla, maski ako ay natigil sa paglalakad.

Marami naman agad ang nagbulungan sa gilid habang humu-hawan ang daanan sa gitna, hanggang makita ko na kung sino yun.

SI SYDNEY!!!!!!???

What the hell is she doing??

"Oh my god who is she?"...girl1

"Mukhang transferee"...girl2

"At bakit naman kaya sumigaw pa sya"...girl3

"Anu ba yan, isang attentionseeker na naman"..girl4

"Yan si Sydney"....girl5

"Sya ba yung usap-usapang ex ni Zack"...girl3

"Ang kapal naman nyang gumawa ng eksena"...girl1

"Sinabi mo pa, balita ko yan nga daw ang nagloko ehh"..girl4

"And ang latest na balita ngayon, mukhang naghahabol daw yang si Sydney kay Zack"..girl5

"Oh my god, ang kapal nya talaga!"...girl1

"Can you please shut up"....madiing sita ni Sydney sa mga nagbubulungan habang sya ay papalapit sa akin.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now