CHAPTER 52

1 0 0
                                    


ZACK'S POV

Pagkagising ko ay agad akong naligo. Pupunta nga pala ako sa hospital ngayon.

Habang naliligo ako ay di ko mapigilang mapangiti. Manliligaw na nga pala nya ako.

Pagkatapos ay tsaka ako nagbihis. Halos ipaligo ko na rin yung pabango ko sa kabang baka hindi pa ako mabango masyado.

Pababa na sana ako pero narinig kong nag-ring ang cellphone ko. May tumatawag yata kaya agad ko itong tininngnan.

Tsk! Group chat lang pala. Wala na akong nagawa kundi sagutin na lang ito.

"Hello"

"Oh pare, sa wakas nagparamdam ka rin"-Travis

"Natakot kami dahil sa kwento ni Bryce"-Mark

"Nga pala papunta kami sa inyo ngayon. Balak din naming bumisita kay Elle"-Blake

"Salamat sa pag-aalala bud, sige hihintayin ko na lang kayo dito"

"Sige sige malapit naman na eh"-Blake

"Hindi ka na namin tatanongin kong okay ka dahil alam naming hindi. Alam naming nasaktan ka"-Travis

"Okay naman na ako. Yun nga lang sa sobrang pag-aalala kasi.....nabaril sya..pakiramdam ko tuloy parang kasalanan ko"

"Wag mong sisihin sarili mo. Hindi mo kasalanan tsaka diba gusto nyang iligtas ang kuya nya"-Mark

"Sige na, andito na kami sa tapat nyo"

"Agad?"

"Oo tumawag ka kasi ay papasok na kami dito sa subdivision"

"Sige saglit lang"

Toot.toot.toot

Sa pagkakataong yun dali dali kong inasikaso ang mga dadalhin ko sa hospital.

Flowers✔

Chocolates✔

Fruits✔

Siguro yung coffee bibili na lang ako mamaya.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko silang naghihintay doon.

"Bud"...tawag nila. Pero nabaling din agad ang paningin nila sa dala ko.

"Ano yan?"....tanong ni Travis.

"Malamang flowers, chocolates tsaka isang basket ng prutas"....sabi ko.

"Pwede namang basket ng prutas lang ah"...dagdag ulit ni Travis.

Hina mo pre. Hindi mo man lang mahulaan ginagawa ko.

"Ano ba kayo? Di pa ba nyo gets di naman kasi dalaw lang ang punta nyan don eh"...narinig ko namang sabat ni Bryce at tinawanan pa ako ng loko

"Eh ano?"-Mark

"Edi manliligaw"....sabi ni Bryce at nagulat naman yung tatlo--ay di pala dalaw lang. Kalamado lang si Blake eh nakangiti pa nga.

"Manliligaw?"...Oa, sabay pa talaga.

"Oo bakit?"...sabat ko at pinatabi na sila sa daan at isinakay na lahat ng dala ko.

Maski sila ay nagsakayan na rin.

"Sana ol manliligaw, moved on ka na talag pre"...sabi ni Mark with tapik tapik pa sa likod ko. Palagi na lang pagka-moved on ko binabanggit ng mga neto.

 A Stranger's Heart[Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz