CHAPTER 20

0 1 0
                                    


ELLE'S POV

Umaga na ng nagising ako, napagod kasi ako ng sobra kahapon kaya di na ako nakakain pa kagabi.

Agad naman akong bumangon para mag-hilamos sa Cr tsaka bumaba na rin ako.

"Hay salamat gising na ang reyna"...alam ko kung sino yun pero di ko na sya nilingon at nagtuloy na lamang sa hapagkainan.

"Kumusta naman kahapon?"..tanong pa nya pero di ko na muna sya sinagot at nagsalin ako ng tubig sa baso tsaka uminom.

"Nothing much"...tipid kong sagot tsaka naglagay ng kanin sa plato ko.

"Nothing much pala hah, ano yung sa park hah?"...natigil tuloy ako sa pag-subo at nilingon ko sya.

"Paano mo nalaman?"...takang tanong ko naman sa kanya.

"Secret!! kumain ka nalang jan, anong oras na oh, ngayon ang libing ng lola ni Zack oh"...sabi nya pa sa akin kaya nagmadali na akong kumain.

Pagkatapos ko ay nag-deretso agad ako sa banyo para maligo.

"Huy Elle, bilisan mo na dyan anong oras na oh!!"..dinig na dinig ko yung malakas na sigaw ni Thalia sa labas ng banyo pero di na ako sumagot at nag-madali na lang akong maligo.

Pagkalabas ko ay nag-bihis agad ako tsaka kinuha ko yung cellphone ko para tingnan kung may nagtext doon.

Dahil wala namang text ay pinatay ko na muna ang cellphone ko at nagpatuyo na muna ng buhok ko.

Pagkatapos ko ay lumabas na din ako ng kwarto ko.

"Tara"...yaya ko kay Thalia at nagtaka naman ako kung bakit sobrang lawak ng ngiti nya sa akin kaya naman nagtaka rin ako.

Lumabas ako ng bahay at may nakita akong kotse na kulay Black, tsaka ko nakita si Mr. S na nakatayo sa gilid nito.

"Good morning"...sabi nya, halatang ang tamlay ng mukha nya pero pinipilit nya pa ring maging masaya sa harap ng ibang tao.

"Good morning"...bati ko rin pabalik.

"Tara na"..yaya naman nya sa akin kaya tumango na lang ako.

Pag-bubuksan pa sana ako ni Mr. S ng pinto pero inunahan ko na sya.

"Ako na"...pormal kong sabi kaya hinayaan na nya ako at pumasok na sya sa driver's seat.

"Paano mo pala nalaman na dito ako nakatira?"...pormal pa ring tanong ko.

"Binigay sa akin nung kaibigan mong si Thalia, hindi ko nga alam kung paano nya nalaman yung number ko"...sabi nya habang inii-start yung kotse nya.

"Bakit mo naman naisipan na sunduin ako?"...tanong ko naman sa kanya.

"Well wala lang gusto ko lang magpasalamat tungkol sa kahapon tsaka bin-lackmail ako ni Thalia ehh kaya sumunod na lang ako hehe"...sabi nya pa habang tutok pa rin sa pagmamaneho.

"Loko talaga yung si Thalia, yaan mo na lang yun"...natatawang sabi ko pa.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami.

"Ahm una na muna ako sayo, hinahanap na kasi ako ni lolo"...sabi ko pa at tumango na lang sya.

"Sige lang, kita na lang tayo mamaya sasamahan mo pa ako ehh"..alam kong pilit lang ang mga ngiting nakikita ko sa mga labi nya pero hindi ko na muna yun pinansin at hinanap ko na si lolo.

Habang naghahanap ako ay may nakabanggaan ako kaya napaupo ako sa sahig.

"I'm sorry, are you okay?"..tanong nya sa akin, agad ko namang napansin yung mukha nya, hindi ko pa sya nakikita parang baguhan lang ito, hindi kasi sya pamilyar sa akin.

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon