CHAPTER 60

1 0 0
                                    


Third Person's pov

April 7th

Abala ang lahat sa paghahanda dahil sa prom na naghihintay sa mga estudyanteng nag-aaral sa Sylvery Academy.

"Anak, maligo ka na anong oras na oh"...inis na sabi ng nanay ni Zack sa kanya. Kasama din sila sa a-attend since sila ang may-ari/ slash one of the school's board members ng Sylvery Academy.

Halos taon-taon lagi silang present sa event na yun. At syempre hindi naman nila papalipasin ang taong ito ng hindi uma-attend sa ganitong event ng school.

"Tapos ka na ba?"...muling tanong ni Emily, sa kanyang anak. "Yes mom, oh the flower"...tukoy nya sa bulaklak na ikinakabit sa kaliwang bahagi ng suot nyang tuxedo.

"Okay, done, let's go"...yaya ng mommy nya at lumabas na sila.

Pagkalabas nila ay agad silang sumakay sa kotse at agad na pinatakbo papuntang school.

Sa kabilang banda naman ay abala rin ang pamilya ni Elle lalo pa't kaarawan nya rin ngayon.

"Mom, tapos na ba?"...sigaw ni Kiel, panganay na kapatid ni Elle. "Saglit lang, ang atat mo"...maktol ng nanay nila at wala ng nagawa si Kiel kundi ang mag-intay pang muli para sa bunso nyang kapatid.

Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas ang pinto sa itaas. At unti-unti nitong iniluwa ang naka-kulay, kremang gown na tamang tama lang sa katawan nya.

Tinernohan din ito ng isang mataas na takong na siguro ay nasa mga 3 inch ang taas.

Napakaganda rin ng ayos ng kanyang buhok at kolprete sa mukha na akalain mo'y isang anghel na habang pababa ng hagdan.

"Ang ganda ah, kaya pala ang tagal"...puri ni Kiel at nginisihan lang ito ni Elle. "Happy birthday bunso"...bati ni Kiel at nagpasalamat naman si Elle sa kuya nya bago ito yumakap sa kanya. "Salamat kuya,"...pagpapasalamat ni Elle at kumalas na sa yakap nilang dalawa.

"Oh, tama na yan, baka masira ang make-up ng ating prinsesa"...sita ng mommy nila. "Dalaga na ang anak natin"...sabat naman ng daddy nila, habang pinagmamasdan ang histura ng mala-anghel na si Elle.

"Oo nga, ang bilis ng panahon, may manliligaw na nga rin eh"...nakangiting sabi ni Massie sa tabi ng asawa. "Hayy....oo nga"....sabi naman nito at lumapit sa kanilang anak.

"Anak, halika nga rito"

Pumunta naman ito sa kanyang ama at nakangiting yumakap dito at dinamdam ang pagmamahal ng kanyang ama para sa kanya.

"Happy birthday sa prinsesa namin, dalaga ka na nga sabi ng mommy mo, at nagpapasalamat din ako para sa mga sakripisyo mo sa gang"...saad ng daddy nya at niyakap ito. "It's my duty dad so I must fullfill it"...saad nya pabalik.

"Oh sya, baka malate ka pa, naghihintay na siguro ang prom date mo"...sita ng mommy nila ngunit halatang nang-aasar pa ito.

Palabas na sana sila ng muling tumingin si Elle sa mga magulang nya. Iniisip ang maaaring mangyari mamayang hating-gabi.

Malungkot man isipin pero kahit anong ipilit nyang wag silang idamay ay damay na ang mga ito kaya ang hinihiling lang nya sa panginoon ay maging ligtas ang pamilya nya.

Bago pa man nya pihitin ang door-knob ay kumaway muna sya sa mga magulang nila bago tuluyang buksan ng maluwag ang pinto at lumabas na.

Ito na ang araw, kung saan mangyayari ang nakatakdang mangyari.

Na pwedeng may mangyaring hindi mo inaasahan.

Dahil ngayon it's just the saying.........




 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon