CHAPTER 33

0 0 0
                                    


ELLE'S POV

Pag-kalabas ko sa elevator ay dali-dali akong nag-lakad papunta sa kwarto ni kuya.

Pagkarating ko ay hindi na ako nag-sayang pa ng oras at pumasok na agad.

"Kuya.." ang tanging nasabi ko ng makita ko si kuya.

Agad akong lumapit sa kanya at yumakap.

"Bunso"...sabi nya at niyakap na rin ako pabalik.

"Bakit di ka lumaban?"...sabi ko habang nag-pupunas ng luha ko.

"Naunahan ako eh"...pagbibiro nya pa at sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Mabuti naman at ayos ka na anak, sobra kaming nag-alala ng mommy mo"....sabi ni dad ngunit ngumiti lang si kuya.

"Halos hindi na ako makatulog sa pag-aalala sayo kuya ehh"....sabi ko pa.

"Sino ba may sabing 'wag kang matulog?"....at inasar pa talaga ako.

"Tama na nga yan, kagigising lang ng kuya Kiel mo, tapos nag-aawayan na kayo"...suway ni mommy at napatigil naman kaming dalawa.

**********

"Ma ano pong sabi ng doctor?"...tanong ko kay mommy.

"Nagbigay lang sya ng listahan ng gamot na bibilhin natin para sa kuya mo"...sabi ni mommy at tumango naman ako sa kanya.

Papasok na sana ako sa loob ng muli akong tawagin ni mommy.

"Anak"....tawag nya sa akin at hinarap ko naman si mommy.

"Ano po yun Ma?"....tanong ko at ibinigay naman nya sa akin ang papel kung saan nakasulat ang reseta ni kuya.

"Pwedeng ikaw na muna ang bumaba at bumili neto?"...pakiusap ni mommy at tumango naman ako.

"Sige po ma"....sabi ko at muli kong sinuri ang kalagayan ni mommy, saka ko lang napansin na namumutla na sya. "Ma okay ka lang po ba?"...tanong ko at tumango naman sya hanggang sa dahan-dahan syang humawak sa kanyang ulo.

"Ma!"...sigaw ko ng bigla na lang syang matumba, buti na lang may mga nurses na nag-daraanan kaya madaling nila kaming napansin at tinulungan.

*****

Habang chine-check nila si mommy ay agad ko namang tinawagan si daddy.

                             Daddy
                        Ringing......📞

"Hello anak"

"Dad si mommy..."

"Anong nangyari sa mommy mo?"

"Nahimatay si mommy at inaasikaso na sya ng mga nurses ngayon"

"Okay sige, pupunta na ako dyan, puntahan mo na muna ang kuya mo"

"Hihintayin na lang kita dad"

"Sige"

In-end call ko na at maya-maya lang ang ay dimating na rin naman si daddy at pinapunta nya na ako kay kuya pero saglit ko pang naalala ang mga gamot na kailangang bilhin kay kuya kaya bumalik ako at bumaba na muna para bilhin ang mga ito.

Pagkarating ko doon ay inabot ko sa isang nurse ang papel na hawak ko at kiuha nya naman nya ang mga gamot at ibinalot ito.

Pagkakuha ko ay agad ko rin itong binayaran at nagtungo na sa kwarto ni kuya.

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon