CHAPTER 24

0 2 0
                                    


ZACK'S POV

Pagkatapos ng tawag na iyon kahapon ay napuno ang aking pag-iisip ng pag-aalala. Andami kong gustong itanong tulad ng..

Anong nangyari sa kanya?

Bakit andon sya sa hospital?

Kumusta na kaya sya?

Habang nasa loob ako ng kwarto ko ay hindi tuloy ako mapakali, lakad dito, lakad doon, hanggang sa mag-vibrate ang cellphone kong nakapatong sa kama, kaya nagmadali akong kuhain at buksan ito.

Thalia Calling......

"Hello"

"Hey"

"How is she?"

"She's okay now"

"Good to hear, Did her family know about this"

"About that..hindi ko alam pero nandito kani-kanina lang ang lolo nya"

"Mmm"

"I will tell you when she wakes up okay"

"Okay thank u"

"Bye"

Toot...toot..

Nakahinga naman ako ng maluwag sa mga sinabi nya. Pinatay ko na ang cellphone ko at naupo ako sa kama ko.

Sobrang nag-alala talaga ako sa kanya, buti na lang at ok na sya.

Maya-maya pa ay nanatiling nasa ganon ang pag-iisip ko hanggang sa may nagtawag sa akin sa labas ng kwarto ko.

"Zack, anak!!"...sabay katok nito sa pintuan dahil hindi agad ako nakasagot

TOK.TOK.TOK

Binuksan ko naman ito at bumungad sa akin si mommy sa labas ng pintuan.

"Yes mom"..sabi ko naman.

"Kakain na, kaya bumaba kana, kanina ka pa dyan sa kwarto mo"...sabi ni mommy at tumango naman ako sa kanya at nauna na syang bumaba sa hagdan at naiwan naman ako sa taas.

Pagkababa ko ay nakita ko ng naglalagay ng mga pagkain sina yaya sa lamesa kaya naman nagpunta ako at naupo.

"Andami naman neto mom"...sabi ko pa, at ngumiti lang sya sa akin.

"Wala lang, feel ko lang magluto tsaka hindi lang naman tayo ang kakain ahh pati na rin sila Yaya kaya nagluto na ako ng marami-rami"..sabi ni mommy at tumango naman ako, saktong dating ni daddy.

"Hey dad"..bati ko

"Hey son"...sabi naman ni daddy sabay halik sa pisngi ni mommy.

"Parang ang dami mo namang niluto?"...pagtukoy nya sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Hindi lang naman tayo ang tao dito ahh"..paliwanag naman ni mommy at sa tingin ko ay nakiha naman ni daddy ang point nya.

"Palit lang ako sa taas"..paalam ni daddy at tinanguan naman sya ni mommy kaya naiwan kami sa baba.

Habang hinhintay namin si daddy sa baba ay nag-vibrate naman bigla ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa.

One new message..
From: Thalia
She's awake now...
7:02pm✔

Compose Message..
To: Thalia
Good to hear..
7:03 pm✔

Nang hindi na sya nagreply ay pinatay ko na ang cellphone ko at sakto namang bumaba na si daddy kaya nagsimula na kaming kumain.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now