CHAPTER 3O

1 0 0
                                    


ELLE'S POV

Gabi na pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mfa nangyari kanina.

Sino naman kaya yon? At bakit si Zack ? Diba? Pero baka namali lang naman ako. Hindi siguro si Zack yun noh. Malay mo dun lang pala nagdaan

Habang ako ay nasa matinding pag-iisip ay bigla naman ako nakarinig ng isang malakas na katok mula sa labas kaya agad akong tumayo para buksan ito.

Bumungad naman sa akin si Kuya.

"Bakit?"....tanong ko sa kanya.

"Wala kang galang sa kuya mo ah"...aba kung di lang kita kapatid nasapak na kita.

"Oh ano sasapakin mo ako? hah?"..mindreader ba toh, pano nya nalaman nasa isip ko.

"Mindreader ka ba?"....singhal ko at tinawanan nya lang ako.

"Hindi noh tsaka kilalang kilala ko na ang ugali ng bunso ko kaya alam ko kung kelan gusto mo na akong sapakin hehe"...sabi nya at sinamaan ko na lang sya ng tingin at inakbayan naman nya ako at sabay na kaming naglakad pababa.

"Oh mga anak andito na pala kayo, upo na at kakain na tayo"....sabi ni mommy at umupo na ako.

Nagsimula naman kaming kumain at namuo ang katahimikan sa pagitan namin at nabasag lang ng magsalita si daddy.

"So...How's school anak?"...tanong naman ni daddy sa akin.

"Okay naman po daddy"...sabi ko na lang.

"That's good bunso"...sabi pa ni kuya pero sinamaan ko lang sya ng tingin at tatawa tawa syang nagtuloy sa kaniyang kinakain.

Pagkatapos ng hapunan namin ay hindi ko na hinayaang sila yaya pa ang magligpit dahil ako na mismo ang gumawa.

Pagkatapos kong maghugas ay pinuntahan ko si kuya sa kwarto nya pero wala sya doon kaya sunod na pinuntahan ko ay  ang practice room namin sa taas sa dulo.

Pero nagulat ako sa pagbukas ko ng pinto.

Parang natuyuan ako ng laway at di ako makapagsalita. Pero nilakasan ko ang loob ko at unti unti kong nilapitan si kuya.

Nakataki sya sa isang upuan at dumudugo ang mukha nya at ang mga braso nya ay nababalot na rin ng mga dugo at umaagos ito papunta sa sahig.

"Kuya! Kuya! Sinong gumawa nito sayo hah?! Sabihin mo sa akin?!"..sigaw hanggang sa makarinig ako ng yapak mula sa likuran ko.

"Ganito pala magluksa ang isang katulad mo Ms. Reine...hahaha"...tawa pa nya at tiningnan ko sya ng masama.

"Anong ginagawa mo dito Terron? Hah? Sumagot ka?"....pasigaw kong sabi at tinawanan nya lang ako kaya naman ang galit ko ay napalitan ng pagngisi.

"Sya ang may kagagawan nyan at hindi ko na kasalanan kung bakit ganyan ang itsura ng inutil mong kapatid"....sabi nya pa at nagsimula akong ikuyom ang aking mga palad dahil sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon pero kailangan kong kumalma dahil wala namang kwenta ang paggagamitan ko nito.

Kinalma ko ang sarili ko at maayos ko namang nagawa ito.

"Gusto mong makipag-laro diba?"...sabi ko at ngumisi sa kanya.

"Aba, lumalabas na ba ang mga sungay mo?"....ngingisi-ngising tanong nya sa akin at lalong nagkuyom ang mga kamay ko.

"Hindi ako kagaya mo Terron"...sabi ko at mabilis ko syang sinugod at sinuntok at sa bilis kong yun ay hindi nya napansin ang paglapit ko kaya natumba sya.

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon