CHAPTER 38

2 0 0
                                    


ZACK'S POV

"Anong nangyari dyan?"...rinig kong tanong ng mommy ni Elle. "Nasugatan lang po"...mahinang saad ni Elle. "Jusko naman anak,"..naluluhang saad ng mommy nya.

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.

Flashback...

"Sinabihan na kita hindi ba?"...mariin at ramdam mong may pagbabanta sa kanyang boses.

"Isang maling galaw Terron, ipuputok ko sayo toh"..banta nya, dun ko lamang napansin na may hawak na syang baril. Nagulat ako pero dahil hinang hina na ako hindi na halos mag-sink-in sa isip ko yung mga nakikita ko. "Sige iputok mo"...narinig kong hamon nung Terron, at teka bakit kilala ni Elle ang umatake sa amin. Anong meron?

"Hindi.Ako.Nagbibiro."muli nyang sabi at napansin kong may inahagis syang parang spinner na may mga matatalas na blade sa gilid buti na lang naiwasan kaagad nya ito saka ipinutok ang kanyang baril sa kaliwang binti nya. Ganun na lang ba kadali sa kanya ang bumaril, kung sa iba kasi yun, malamang nanginginig pa silang humawak ng isang baril pero sya normal lang sa kanya, at wala kang makikitang ekspresyon sa kanya kanina. Sino ka ba talaga Elle?

Hanggang sa lumapit sya sa akin pero napako lang ang paningin ko sa kanyang kamay na hawak pa rin ang isang baril.

"Okay ka lang ba"...napapikit naman akong tumango dahil sa sakit at maya-maya pa ay narinig ko na ang sirena ng ma pulis hanggang sa nawalan na ako ng malay..

End of flashback...

"Sinabi ko ng mag-ingat ka diba"...maluha-luhang sambit ni Tita Macey kay Elle pero nakayuko lang si Elle.."Sorry po ma, okay lang naman ho kasi ako"

Nabuntong hininga na lang si tita sa kanya kaya naman inangat na nya ang kanyang ulo.

Since okay naman na ay nag-tungo na rin lang kami pauwi. Hindi na ako hinayaan nila mommy na mag-drive ng kotse ko at tinawagan na lang nila si Mang Lito kaya naman sumakay na ako sa kotse nila daddy. Nakita ko namang ganun rin ang ginawa nila Tita kay Elle, pero narinig kong nagpumilit pa sya ngunit hindi na yon hinayaan ng mommy nya kaya napilitan na rin syang sumabay sa kanila.

Pagdating namin sa bahay ay nauna ako papasok.

"Son, okay ka na ba?"...tanong ni daddy at tumango naman ako. "Jusko Zack, wag na kayong uulit ha, wag na wag kayong aalis sa gabi hah!"...sermon ni mommy at tumango na lang ako sa kanya.

"Magpahinga ka na"....sabi ni mommy at umakyat na ako pataas, hindi na ako nakaligo dahil sa sakit ng aking katawan kaya natulog na lang ako.

● ● ● ● ● ● ● ● ●

Kinabukasan.....

Maaga akong nagising, at bakas pa rin ang mga pasa na tinamo ko kagabi.

Pagkababa ko ay nakita ko si mommy na naghahanda ng umagahan kaya ng makita nya ako ay agad akong pinaupo at pina-kain.

Pagkatapos ko ay dinala ko na muna ang kotse ko papasok.

Pagdating ko sa school ay marami-rami na rin ang mga estudyanteng naroroon.

"Hey bud"....rinig kong tawag ni Blake na kasama si Mark at si Travis kaya naman nilapitan ko sila. "Hey"

"O teka anong nangyari sa mukha mo Tol"....takang tanong ni Mark. "Na-ambush kami kagabi"...sagot ko at halata namn na nagulat sila sa sinabi ko. "Ano?!"...nakarinig kami ng isang malakas na sigaw hindi sa amin galing kundi kay Bryce na kararating lang. "Teka, Paano? Tsaka anong kayo?"....usisa ni Blake

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now