CHAPTER 28

2 0 0
                                    


ZACK'S POV

Lunes na naman ngayon at pasukan na naman.

Habang nag-aayos ako ng necktie ko ay sumilip muna ako sa bintana ko kung nakabihis na si Elle at tama nga ako, nagsusuklay lang sya.

Pagkasuot ko ng blazer ng uniform namin ay bumaba na agad ako.

"Parang excited ka ngayon anak"....tanong naman ni mommy habang naghahanda ng umagahan.

"Wala lang po"....tanging sagot ko at nupo na para kumain.

"Dadalhin mo pa ba ang kotse mo?"...bakit naman kaya biglang nagtanong si mommy kung dadalhin ko ang kotse ko.

"Hindi na muna po, tutal malapit lng din naman po ang school, siguro maglalakad na lang po muna ako ngayon"....sabi ko at tumango tango naman si mommy sa akin.

"Aba, bakit parang sinipag ka yatang maglakad ngayon nak"....sabi pa ni mommy at ngumiti na lang ako.

"By the way Zack, si Elle ba kasabay mo?"....bigla naman akong nabulunan sa sinabi ni mommy kaya dali-dali nya akong inabutan ng tubig.

"Ahh, di ko po alam Mom"....parang ewan na sagot ko.

"You're friends diba?"...takang tanong ni mommy.

"Ahm wala ho kasi kaming napag-usapan tungkol dun"...sabi ko.

"Sus, kahit na wala kayong napag-usapan, ehh ano naman kung magkusa ka diba"...sabi ni mommy at may point naman sya.

"Sige po mom pasok na po ako"...tumango naman sya kaya lumabas na ako ng bahay at nilakasan ko talaga ang loob kung pumasok sa gate ng bahay nila.

TOK.TOK.TOK.

Bumukas naman ang pinto pero isang lalaki ang nagbukas nito baka kapatid.

"Ahm Good Morning"...nahihiyang sambit ko at tumango naman ito pero hindi nawala ang mga matatalas na tingin nito sa akin.

"Anong kailangan mo?"....tanong naman nya. Pano ko ba toh sasabihin.

Sasabihin ko bang sinusundo ko ang kapatid nya?

O kaya naman, sabay kasi kaming papasok?

Pano ba talaga?

"Ah sabay kasi kaming papasok"...lakas loob kong sambit.

"Bunso!!"...kuya nya pala tong kaharap ko.

"Oh kuya?"...sumilip naman sa pinto si Elle kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

"Hi, good morning"...nahihiya ko pang sambit at tumango naman sya at binati nmdin ako.

"Good morning"..sabi nya at ngumiti naman sya sa akin.

"Bunso, sino toh hah?"....lagot na!

"Ahh kaibigan ko kuya, Sya si Zack"....sabi naman ni Elle habang nagsi-sintas ng sapatos.

"Nice to meet you bro"...sabi naman nya at inilahad ang kamay nya at kinuha ko naman iyon pero ramdam ko ang higpit sa pagkakapisi nya sa kamay ko.

"Ezekiel nga pala"...pagpapakilala nya at tumango naman ako at kinalas na nya ang mahigpit na pagkakahawak sa aking kamay.

"Tara"...sabi pa ni Elle pero muli kaming natigilan ng biglang magsalita ang kuya nya.

"KAIBIGAN mo ba TALAGA sya? Bunso?"....hinarap naman ni Elle ang kuya nya at tumango.

"Oo nga kuya ang kulit"

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now