CHAPTER 50

1 0 0
                                    


ELLE'S POV

Beep* Beep* Beep* Beep* Beep*

Nagising ako sa tunog ng mga iyon. Sobrang hapdi ng nararamdaman ko, maski pagmulat ng mga mata ko hindi ko makaya pero pinilit ko pa rin.

Medyo malabo pa ng imulat ko ang mga mata ko kaya naman dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko.

At napansin kong may nakatakid na swero doon. Nasa hospital pala ako.

Iaangat ko na sana ang swero ko ng maramdaman kong may mabigat na nakapatong dito. Masakit pa ang katawan ko kaya di ko kaagad maitayo ang katawan ko.

Ngunit ng maaninag ko ito sa may hilid ay nagulat ako.

Si Zack?!

Ba't sya andito?

Nakita nya ba lahat?

O kaya.

Alam na ba nya ang lahat?

Sa isiping yoon ay parang namanhid ang buong katawan ko. Maski ang sakit na iniinda ko kanina pa ay parang di ko maramdaman ngayon lalo pa't nabaril ako.

At unti-unti ng nagsipatakan ang mga luha sa mata ko. Di ko na mapigilan kaya naman hinayaan ko na lang.

"E-elle"....nakarinig ako ng malumanay na tono sa tabi ko.

"You're awake"....he said happily, pero bakas ang pamamaga ng mga mata nya.

Umiyak na naman ba toh?

Napatingin na lang ako sa kanya at muling tumulo ang mga luha ko habang pareho kaming nagkatitigan.

"Bat ka umiiyak? May masakit ba sayo?.....Nurse! Nurse!"....alalang tanong nya sa akin ngunit bago pa ako maksagot ay bigla syang tumayo at nagtawag ng nurse at doctor.

"Her vitals are fine, and her wound is still fresh, good thing nadala agad sya dito or else she would've lost too much blood. The rest are good but she has to stay here for a couple of days to finish the tests of her recovery".....narinig kong paliwanag ng doctor.

"Thank you doc"...nagpasalamat si Zack at tuluyan ng nagpaalam si doc at iniwan na kaming dalawa sa loob.

"Si kuya?"...tanong ko

"On the way na daw sila dito, okay ka ba? Wala na bang masakit sayo?"...tanong nya ulit. Grabe magpanic eh.

"Okay lang ako, gusto kong umupo"...sabi ko at dagliang pag-alalay naman ang ginawa nya sa akin hanggang sa maging komportable na ako sa pagkakaupo ko.

Umupo din sya sa harap malapit sa akin at hinawakan ang isang kamay ko.

"I saw what happened"....panimula nya. Sabi na nga ba eh. Ano pa bang aasahan ko? "E-elle, masakit.....masakit makita yung mga ganong pangyayari lalo na't ikaw yun, ayokong mawala ka, nung nakita kanina, hindi ko na alam ang gagawin ko. Yung mga dugong umaagos sa katawan mo, pakiramdam ko parang nabaril din ako"....nakatungo sya pero alam kong umiiyak sya kaya naman inangat ko ang baba nya at nakita ko ang pamumula ng mga mata nya.

"Alam ko, shh...tahan na, masakit din sa akin na kailangan mo akong makitang ganon, pinagdasal ko na sana di na lang tayo nagkakakilala para hindi ka masaktan".....this time I pulled him closer....for a hug. Pareho kaming umiiyak. Nasasaktan.

Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras. Sana hindi kita inalok makipag-kaibigan.

At....

Sana hindi ko na lang naramdaman ang nararamdaman ko ngayon.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now