CHAPTER 2

10 2 0
                                    


ELLE'S POV

Nabu-buwisit akong umuwi sa bahay dahil iba ang natamaan nung binaril ko yung kalaban.

Flashback..........

Mabilis ang pagpapatakbo ko sa aking motor sapagkat hinahabol ko ang isa sa mga miyembro ng kalaban naming gang. Agad akong bumaba at ikinasa ang aking baril at sinipat ko pang mabuti ang kinatatayuan nya. Nakamamatay ang balang tatama sa kanya sapagkat ito ay may lason na nakapaloob sa mga bala nito.

Nakita ko syang nakatigil pa rin doon sa may poste kaya nanatili akong tago sa lumang iskinita doon at akmang ipinutok ko ang bala ay may humarang na babae dito upang ito ay iligtas kaya muling nakatakas ang kalaban. Nanginig pa ang mga kamay ko habang papalapit ako sa babaeng sumalo ng bala para iligtas ang lalaking iyon. Nakita ko ang ID nya at nalaman kong kapareho nito ang apelyido ni Mr. Stranger....Psh! Naalala ko pa talaga yung apelyido nung mokong na yun.

Agad namanng dumating ang mga pulis kaya agad din akong nagtatakbo at mabilis na nagmaneho papauwi. Pagkababa ko sa Motor ko ay may tumawag sakin kaya sinagot ko agad ito.

End Of Flashback..........

"Hello Sino toh"....pagsasagot ko sa tawag..

"Ako lang naman ito Ms. Raine"...sagot nito sa kabilang linya at tama ako si Terron ang tumawag yung dapat tatamaan ng bala kanina.

"Kung ganon kaano-ano mo si Ms. Marquez para iligtas ka niya sa ganong sitwasyon"..seryoso ngunit nanggigigil kong tanong sa kanya.

"Relax....Ano ka ba?...Hindi mo ba nakita na ginamit ko lamang syang pang-harang sa akin para sya ang tamaan ng bala tutal at ampon lamang naman sya...Atsaka alam naman na ng bunsong kapatid nya ang tungkol don dahil nagdala ako ng sulat don at inilagay sa ilalim ng unan nya hahahhahaha" ..pagku-kwento nya habang tumatawa.

"Hayop ka! Terron!"...madiing pagkakasabi ko sa kanya.

"Alam ko! hahhaha balang-araw malalaman din ng pamilya nila ang nagawa mo MISS RAINE!!"..sarkastikong sabi pa nya sa akin.

"Walangh*ya ka!! F*ck you! You'll pay for this f*cker"..madiing sabi ko sa kaniya.

"Sige Paa-----"..naputol ang sasabihin nya dahil pinatay ko agad ang tawag at mabilis na nagmaneho pabalik sa mansyon. Naabutan ko naman si daddy na nakatayo sa labas. Nagtatakbo ako sa kanya at tuluyang umiyak habang nakayakap sa kaniya.

"Shhhh!! Shhhh!!...Alam ko..Alam ko ang nangyari anak hindi mo kasalanan kaya kumalama ka"....pagpapatahan pa ni daddy sa akin.

Tumigil naman ako at hinarap si daddy.. "Dad.. Im quitting the gang... saka nalang ulit siguro ako magpapamember kapag maayos na ang lahat..Si kuya nalang muna ang mamumuno sa kanila"..seryosong sabi ko pa sa kaniya..

"Pero Anak"....mahinang usal nya pa.

"Dad ayaw ko na ulit makapatay pa hindi kakayanin ng konsensya ko lalo na't inosente iyon na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa pagitan namin kanina... Please! dad I need a break"...malumanay at nakiki-usap na sabi ko kaniya.

"Sige! Pero kailangan nating i-proseso ang pag-papatanggal mo sa gang natin"..malumanay ding sabi nya sakin.

"Im going in Dad".. sabi ko pa sa kanya at tumuloy na paloob.

Agad naman akong umakyat sa kwarto para magpalit tiningnan ko pang muli yung baril ko at tsaka ibinalik ito sa lalagyan nito. Ipinangako ko rin sa sarili ko na hinding hindi ko na ito gagamitin at desidido na akong mag-quit sa gang namin dahil sa pangyayaring iyon.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now