CHAPTER 48

1 0 0
                                    


ELLE'S POV

Mahapdi at namamanhid ang pakiramdam ko ngayon.

Ni pagmulat ng mata ko parang di ko na kaya.

Iginalaw galaw ko ang katawan ko ng maramdaman ko na lang ang makapal na lubid na bumabalot sa aking katawan.

Nakuha pa talaga akong itali sa upuan. Hindi ko na pinilit pang pakawalan ang sarili ko dahil bukod sa kapal ng lubid ay nanghihina talaga ako.

Masyadong masakit yung mga paghampas na ginawa nila sa akin kahapon.

Habang nakaupo ay nakarinig ako ng yapak papalapit sa kinauupuan ko.

"Gising ka na pala"....may halong pagka-sarkastiko ang pagkasabi nya.

"Bakit, natatakot ka ba?"...sagot ko at bahagyang natawa kahit namamaga na ang labi ko.

"Bakit naman ako matatakot sayo?"...tanong nya at pinaikutan pa ako sa bangko.

"Malay mo,"...tanging sagot ko at natahimik na ulit, pinapakiramdaman ko lang sya.

"Hindi ako natatakot sayo Elle, ikaw ang matakot kasi hawak ko ang buhay mo, I'll decide wether you'll die or not"...matalim na sabi nya sa akin malapit sa tenga ko.

"Luma na yan Sydney"...tama kayo..Ang taong kumidnap sa akin kahapon at ang kausap ko ngayon ay iisang tao lamang.

"Wag mo akong pilosopohin!"...pagtaas nya ng boses pero hindi pa rin ako nagpasindak sa kanya.

"Ano ba kasing gusto mo?! Sa natatandaan ko wala akong nagawa sayo noon, para ganituhin mo ako"...sabi ko bigla at nagdilim naman ang ekspresyon nya at hinawakan nya ng pagka-higpit higpit ang baba ko bago itinagala.

"Kung sa akin wala pero sa kuya ko meron"...sabi nya at naguluhan naman ako.

"Natatandaan mo pa ba si Gabriel"..tanong nya sa akin,

Kuya nya si Gab?

"Kapatid mo sya?"...tanging naiusal ko bago pa nya ako sapakin ng pagkalakas lakas dahilan para may lumabas na dugo sa bibig ko.

"Pinatay mo sya Elle!"....sigaw nya t sinuntok akong muli.

Nanghihina na ako.

Hindi ako makalaban dahil nakatali ang kamay at katawan ko.

At  Namamanhid ako.

Kapatid nya si Gab?

Pero bakit?....

Bakit ako?...Bakit palaging ako?!

Hindi ko pinatay si Gab!

Pero bakit di ko masabi?

Aakuin ko na lang ba ulit?!

"Pinatay mo ang kapatid ko Elle! demenyo ka!"...Ilang bese nya pa akong pinagsasampal na pati luha ko ay hindi ko na yata maramdaman.

Halos mapaluhod sya kakasuntok sa akin bago nya ako muling kinuwelyuhan.

"Kaya ikaw naman ngayon"...sabi nya bago tumayo at sumenyas kina Lexa, para saktan na naman ulit ako..

Unti-unti nila akong nilapitan. Syempre si Lexa ang naguna, pilit rin akong sinisisi sa isa pang bagay na hindi ko naman ginawa.

Bakit ba kasi ako?!

Porket ba dati akong matalim, sa Mafia World ako na agad ang pumatay sa mga mahal nyo sa buhay?

Alam kong namatay sila pero Hindi ako ang pumatay sa kanila.

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon