Epilogue

7 1 0
                                    


1 year later...

ZACK'S POV

April 7th

West Village Cemetery.

Andito ako ngayon sa sementeryo para bisitahin ang dalawang importanteng tao sa buhay ko.

Hawak ang dalawang bulaklak ay napatitig na lang ako sa dalawang magkatabing puntod sa harapan ko.

Sandali ko pang tinitigan ito bago inilapag ang dalawang bulaklak sa bawat puntod.

Antagal ko na ring di nabibisita si ate. At ngayon dalawa na sila.

Dalawang pinaka-mamahal ko sa buhay.

Sa lahat pa ng taong pwedeng itabi sa puntod ni ate, ikaw pa.

Masakit, alam mo ba yun. Nasaktan mo ako at oo nagalit ako sayo.

Pero bakit nawala ka pa rin sa akin?

"Elle.."...sa pagbanggit pa lang ng pangalan nya ay naluluha na ako.

Ang mga kamay kong nanginginig na dumantay sa puntod nya.

Tila lahat ng nangyari bumabalik sa akin.

"Alam mo ba kung anong pinakamasakit na nagawa mo sa akin?"...panimula ko, patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

"*Sniff*....iniwan mo ako...Okay na sanang saktan mo na lang ako..hik...kesa ganito..nawala ka sa akin"...patuloy ko...at tila naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang nakaukit na pangalan nya sa kanyang puntod.

"Kung kelan naging tayo, tsaka pa nangyari toh..*sniff*"...sa sakit na nararamdaman ko ay parang sasabog na ang dibdib ko.

"I can't e-even hug you now"

"I can't even hold your hand"

"Hindi na rin mangyayari ang first official date natin"

Hirap na hirap akong bitawan ang lahat ng katagang yun, dahil, bukas o sa makalawa..o kahit kailan....

....hindi na kita makikita...

Nanatili akong tahimik habang nakatitig lang sa kanyang puntod. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko.

Nga pala.....

Huminga muna ako ng malalim bago kinapa ang bulsa ng pantalon ko.



Kinuha ko yung picture....





At muli itong tinitigan sa harap ng puntod nya.

"Naalala mo ba toh?"...tukoy ko sa larawan. Dalawang batang may hawak na ice cream. Ako yung isa at sya yung isa pa.

"Naalala mo din ba yung sinabi ko sayo na dahil sa estrangherong nakilala ko, napahamak ako....hindi ko akalain na ikaw pala yun"...sabi ko..pumatak na rin sa hawak kong pincture ang luha ko.

"I was once your friend...at di ko akalain sa muling pagkikita natin...parang umulit sa una"...kahit hirap ay naglabas ako ng ngiti sa aking labi.

"Pero ang pagkakaiba...ngayon minahal kita at minahal mo rin ako, minahal natin ang isa't isa"....patuloy ko.


At gaya ng dati....nalagay na naman ako sa panganib.


 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now