"Kagabi kasi nagpunta kami dito ni Elle para kunin yung kotse nya, ang kaso na-ambush kami, isa lang naman pero malakas kaya kaming dalawa ang napuruhan, tsaka pasa lang naman tinamo ko, mas malala pa nga ang tinamo ni Elle kesa sa akin"...paliwanag ko at tumango naman sila. "Bakit anong nangyari kay E-elle?"...tanong ni Blake

"She has a cut in her neck, tarantado kasi yung lalaking yun patulan ba naman ang isang babae,"...galit kong saad at napatingin naman ako sa kanila. "What?! So kamusta sya ngayon?"....si Mark naman ang nagtanong.."Okay naman na sya ewan ko lang kung papasok sya ngayon"...sabi ko.

"Grabe naman yun, bakit kasi hindi na lang nyo kinuha kinabukasan"

"May mahalaga yata syang mga gamit na nakalagay doon"...saad ko,

...siguro nga meron dahil nagtataka rin ako kung saan nya nakuha ang hawak nyang baril kagabi.

"Kung Resbakan natin"...rinig kong sabi ni Mark..hayy kung alam mo lang Mark baka hindi mo maisip na resbakan yung lalaking yun.."Ano bang iniisip mo dyan Mark, ipapahamak mo lang sarili mo"...saad ko. "Sya nga pala nasaan si Travis?"...muli kong tanong, wala kasi sya dito kanina pa.

"Hindi pa yata dumadating, pasok na kaya muna tayo, magta-time na oh"...sabi ni Bryce kaya naman naglakad na kami papasok.

Pagpasok namin sa classroom ay marami na rin ang mga estudyanteng naroroon maya naman naupo na kami sa mga upuan namin hanggang sa may lumapit sa akin.

"Are you okay Zack?"...napansin kong si Sydney pala yun, ayaw ko namang gumawa ng eksena kaya naman tinanguan ko na lang sya. "Good thing, you're okay"...sabi nya pero hindi ko na yun pinansin.

Maya-maya pa ay nakita ko si Elle n kakapasok lang at hindi ko maiwasan na mag-alala sa kalagayan nya at sa may gasang leeg nya, may naririnig pa akong ilang bulungan pero hindi ko na yun pinansin.

Oh my god anong nangyari kay Elle

Sino naman kaya ang gagawa non

Okay lang ba sya?

Bakit pa sya pumasok? baka mabinat lang sya nyan..

Oo nga, dapat nagpahinga na lang muna sya.

Rinig kong bulungan ng iba naming mga kaklase atleast it's positive and it seems that they care for her. Good thing they do. Cause neither I care for her too.

"Elle"..tawag ko at nilingon nya naman ako. "Oh?"...tanong nya sa akin.

"Kamusta na yang leeg mo?"

"Okay naman na medyo masakit nga lang kapag ginagalaw ko, lalo na kapag kumakain ako"...sabi nya.

"So pano?"...tanong ko at curious naman syang tumingin sakin na para bang hindi maintindihan ang sinabi ko. "Ah--I mean pano kapag kumakain ka"...ulit ko.

"Hindi ako kumakain"...WTH. hindi sya kumakain? May gana ba syang mas palalain ang kalagayan nya?

"Baliw ka ba? Bakit hindi ka kumakain?"....inis na saad ko at tumawa naman sya. "Haha, joke lang pero hindi talaga ako kumain ng breakfast ngayon"...pag-amin nya.

Dahil maaga pa naman at 30 mins. pa bago mag-start ang klase ay hinila ko na sya papunta sa canteen.

Nagpupumiglas pa sya pero hindi ko binitiwan ang kamay nya hanggang sa makarating kami sa canteen.

ELLE'S POV

Nagulat naman ako sa mga ikinilos nya ng aminin kong hindi ako kumain ng umagahan kanina.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papalabas.

"Huy Zack, ano ba?"...pagpupumiglas ko pero mas hinigpitan nya pa ang hawak sa mga ito hanggang sa makarating kami sa canteen.

"Stay here"...utos nya at hindi na ako sumagot at nag-iwas na lang ng tingin sa kanya hanggang sa mamalayan kong nandoon na pala sya sa counter para bumili ng pagkain.

Pagbalik nya ay inalapag nya ang tray ng pagkain sa harap ko. It was rice with ham and egg.

"Now eat"...sabi pa nya. "Thank you"..sabi ko at sinenyasan nya lang kong kuhanin n ng kutsara at magsimula ng kumain, so i did.

Paunti-unti lang ang kinakain ko dahil nahihirapan pa rin akong lumunok dahil sa gumuguhit na sakit kapag ginagalaw ko ang parteng iyon.

"Masakit pa rin ba?"...tanong nya at napatango na lang ako. "Wait dyan ka lang"...sabi nya at muling umalis.

Noon ko lang napansin na marami rin ang nakatingin sa aming dalawa yung iba nag-bubulungan pero hindi ko naman naririnig dahil malayo sila.

"Here"...napansin kong binili nya ako ng isang box of milk. Inabot ko naman yun.

"Yah you're spending too much, sinabi ko namang okay lang ako ah"...pagpo-protesta ko.

"Just drink it okay, and don't mind it okay, ang importante okay ka"...mahinahong sabi nya habang nakalagay ang mga braso nya sa table na aming inuukupa.

Unti-unti ko naman ito ininom, medyo masakit pero okay lang dahil liquid naman tong iniinom ko.

Habang nag-lalakad kami sa hallway papunta sa classroom ay tahimik lang kaming dalawa. Walang kibuan, walang salitaan, yung tipong kaluskos lang ng mga dahon sa damuhan na nilipad ng hangin ang maririnig.

"Zack, thank u ha, sa lahat-lahat"...panimula ko at tumingin naman sya sa akin. "Wala yon basta ikaw,"...sabi nya at nginitian ko naman sya.

"Sya nga pala sabay na tayong umuwi mamayang hapon"....prisinta nya. I wonder kung maglalakad kami,

"Maglalakad ba tayo"...tanong ko.

"Dala ko kotse ko eh"....sabi nya..

"Ah.."...nasabi ko na lang at hindj na muli nag-imik pa. "Bakit gusto mo bang maglakad tayo pauwi?"...saad nya at napatango naman ako at lihim na napangiti.

"Gusto lang kitang maka-kwentuhan, tsaka makausap na rin,
---masarap kasi sa pakiramdam na kapag ikaw ang kasama ko, I felt like things are okay, na kahit ma-ambush man tayo, as long as we're together I feel like you and I will be able to conquer that"...  kung masasabi ko lang sana sa kanya.

"Oh....sige"..tanging saad nya at parang nabuhayan naman ako ng loob sa pagsang-ayon nyang yun.

Muli kaming natahimik habang naglalakad hindi na ako nagtangka pang magsalita dahil medyo kumikirot na rin ang sugat ko.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng classroom namin, sinilip ko iyon at buti naman wala pa ang lec. namin.

Papasok na sana sya pero pinigilan ko sya.

"Ay teka Zack, Paano yung kotse mo?"..tanong ko sa kanya. "Ipapasundo ko na lang kay Mang Lito"...casual nyang tugon at napatango naman ako.

"Baka napililitan ka lang hah?"....muli kong protesta.. "Papayag ba ako kung napipilitan ako"...sabi nya.

"Pwede rin, malay mo..."...alanganing tugon ko. "Ang kulit mo talaga noh, tsaka meron rina kong gustong malaman"...bigla naman akong kinabahan sa tinutukoy nya.

"A-ano yun?"...utal kong tanong sa kanya at mas lalo akong kinabahan sa maaaring isagot nga.

"I want to know you"...saad nya at mas lalo pa akong kinabahan sa mga katagang iyon na kaniyang sinabi bago tuluyang pumasok sa classroom at sumunod na rin lang ako.

To be continued.......

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now