Chapter 17

20 7 0
                                    

SOPHIA'S POV

Ilang taon na nakakaraan simula ng mangyari lahat ng masasamang pangyayari na yun. Pinilit ko na wag ng isipin ang tunay kong pamilya pero heto ako ngayon nasa arko ng Santa Rosa upang bumalik muli at tingnan sila. Hanggang tingin nalang ako sakanila dahil ayoko ng guluhin pa buhay nila. Ayokong lalo lang sila sa biglaang paglutang ganung ang alam nila ay patay na ako.

"Sigurado ka na ba dito, Mia?" paniniguro ni Yannie sakin, isa sa mga kaibigan ko na sinamahan ako pumunta dito. Yeah she used to called me "Mia" dahil para maiba daw, bestfriend naman daw niya ako. Actually tatlo silang bestfriend ko, pero siya lang yung halos nakakasama ko ngayon.

Dahil yung isa ay nasa ibang bansa, habang yung isa patay na matagal na. At dito sa mismong Santa Rosa siya namatay.

At lingid sa kaalaman ng parents at Ate Scarlett ko ang pagpunta ko rito. Dahil alam kong masasaktan sila, dahil hanggang ngayon binabalik-balikan ko pa rin ang tunay kong pamilya kahit na di nila alam na buhay ako.

"Oo Yannie, kilala mo naman ako! Gusto ko lang talaga makita sila. Kahit na di nila ako kilala." saad ko sakanya, kaya malungkot siyang napatingin sakin.

"Wala ka bang balak magpakilala man lang sakanila?" malungkot na tanong niya sa akin.

"Ilang beses ko ng sinabi sayo na wala akong balak magpakilala sakanila dahil ayokong maguluhan pa sila, dahil ang alam nila patay na ako." paliwanag ko sakanya.

"Paano mo nga pala nalaman na sila pamilya mo? Ganung sanggol ka pa ng kupkupin ka ng Pamilyang Davis?" takang tanong niya sakin. Hindi ko pa pala nakwekwento sakanya, di rin kasi namin napag-uusapan dahil busy rin kami sa pag-aaral. Running Cumma Laude kasi ako sa paaralang pinapasukan ko kaya talagang tutok ako sa pag-aaral. At dahil isang linggo kaming walang pasok this week kaya naisipan kong pumunta rito dala ang kotse ko at si Yannie na biglaang yaya lang. Wag kayong mag-aalala pinagpaalam ko naman siya kay Tita.

"Naghanap kasi sila Mommy ng impormasyon about sa akin, dahil hiniling ko na sila na gusto kong malaman kung sino mga magulang ko nung panahon na inamin nila sa akin na ampon lang nila ako. At ayun nalaman nila na kilala ang pamilyang pinanggalingan ko dahil may kakambal pala ako. At nalaman din nila na nawala ako nung isinilang kami ng kakambal ko, at pinalabas ng ospital na yun na patay na ko upang di rin maging kahihiyan sakanila na may nakalusot na magnanakaw sa ospital nila." kwento at paliwanag ko sakanya.

"Ay grabeng ospital yan ah, napakalupit haha." natatawang saad niya kaya medyo natawa rin ako.

"Oh siya tara na, magchecheck-in na tayo sa isang hotel dito." sabi ko sakanya kaya napatango na ako at tsaka nagmaneho ng muli.

Tiyak kong mag-aalala at magagalit yun sila Mommy sa biglaang pag-alis. Di bale magpapalusot nalang ako pag tumawag sila. Alam ko namang tatawag din yung mga yun maya-maya.

Makalipas lang ang ilang oras at narating na namin ang hotel na pagchecheck-in namin, balak din kasi namin pumunta sa mga pasyalan rito. Tulad ng Enchanted Kingdom, Nuvali at lalo na sa Tagaytay.

At di rin kami nagpahinga ni Yannie dahil nagkayayaan kaming gumala sa Nuvali, dahil malapit lang naman yung tinutuluyan naming Hotel doon kaya ayun nagyaya ang bruha.

Nauna na kong lumabas ng kwarto para malibot saglit tong buong Hotel, at dahil di ako nakatingin sa makakasalubong ko ay may nakabangga ako.

"S-sorry miss.." saad nito at tsaka ako tinulungang tumayo. Hindi ko pa nakikita mukha niya dahil nakahawak ako sa noo ko na nadali. "..nasaktan ka ba?" dagdag niya pa ng makatayo na ko. At sa pag-angat ko ng mukha ko ay ganun nalang ang gulat ko ng mapagtanto ko kung sino siya..

"A-asher?" gulat na saad ko.

Nakabalik na siya? Alam na ba niya nangyari sa kakambal niya. Pero bakit ngayon lang siya bumalik ngayong ilang taon ng wala ang kakambal niya.

At doon ako nakaramdam ng takot, dahil di ko malaman kung sasabihin ko ba sakanya na wala na ang kakambal niya. Ganung halata sa mukha niya na wala siyang alam sa nangyari sa kakambal niya.

"Sophia? Ikaw na ba yan? Wow! Maganda ka pa din ah." di makapaniwalang saad niya at pang-aasar niya sa akin.

"Oo ako nga to, tae ka ang tagal mo nawala ah. Kailan ka pa nakauwi?" natatawang sabi at tanong ko sakanya.

"Well, masyado kasi akong busy sa kumpanya namin na dapat ay di ako namamahala dahil alam mo namang sa kakambal ko yun talaga dapat. Pero dahil si pag-ibig pinili nun ayun ako nagtake-over ng kumpanya namin.." paliwanag niya. At saglit siyang tumigil. Na parang may hinahanap. Wag naman sanang yung kakambal niya yung hinahanap niya. Dahil di ko alam kung paano sasabihin sakanya. "..at nung isang araw lang ako dito for some client na gustong mag-invest na kumpanya namin. By the way di mo yata kasama yung madaldal mong bestfriend?" paliwanag at natatawang saad niya.

Kaya nakahinga ako ng maluwag. Si Yannie lang pala hinahanap niya.

At akmang sasagot na ko ng sumulpot yung madaldal na hinahanap niya.

"Oh, Mia? Bat nandito ka pa? Kala ko ba maglilibot ka?" biglang sulpot ni Yannie, at nasa akin pa ang tingin hanggang sa mapadako ang tingin niya kay Asher.

"Asher? Ikaw ba talaga yan panget?  Akalain mo yun ilang taon na nakalipas pero panget ka pa din." gulat at natatawang biro niya kay Asher kaya napasimangot si Asher.

"Oh, Yannie? Di ka pa rin nagbabago panget pa din tawag mo sa akin. Hoy ang pogi ko kaya." naasar na angal ni Asher kay Yannie.

Kaya napailing nalang ako sa pag-aasaran nila.

"Ay oo nga pala pogi ka nga pala. Kaya nga nagawa mong iwan yung girlfriend na walang kaalam-alam na umalis ka." nakangising pang-aasar ni Yannie kay Asher.

At mukhang di natuwa si Asher sa pang-aasar na yun, napayuko siya at bahagyang nalungkot.

Kaya siniko ko si Yannie at mukhang natauhan naman.

"Hala sorry Asher, I didn't mean it.." nahihiyang sabi ni Yannie at tsaka lumapit kay Asher. "..okay ganto nalang sama ka nalang samin, mukhang wala ka namang ginagawa pa. Tara gala tayo dun sa Nuvali." pampalubag loob na yaya niya kay Asher. Kaya medyo napangiti si Asher at tumango.

Kaya ayun napagdesisyunan naming pumunta na sa Nuvali. At akmang susunod na ko sakanila dahil nauuna na sila ng biglang..

*ring* *ring*

Tumunog ang cellphone ko sa bulsa, senyales na may tumatawag. Kaya napatigil ang dalawa at napatingin sakin, kaya sinenyasan ko silang mauna na at susunod nalang ako.

Dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko at tsaka tiningnan kung sino ang tumatawag..

Ate Scarlett calling..

Tae mukhang napansin na nila na wala ako sa bahay.





Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now