Chapter 22

14 1 0
                                    

ELLE'S POV

"Hoy, Elle. Magkukulong ka nalang ba dito?" biglang sulpot ng maarte kong pinsan - walang iba si Seah. Hindi ko talaga alam bakit ang laki ng pagkakaiba ng attitude nila ni Austin.

Nandun na tayo sa fact na hindi sila magkasamang lumaki dahil separate ang parents nila since then, pero kung di mo sila kilala di mo iisiping kambal sila. 

"Marami akong schoolworks na kailangan trabahuin, malapit na ang midterm. Ikaw ba hindi ka bumabagsak eh halos lagi kang nasa mga business meetings mo sa ibang bansa?" sagot ko sakanya ng di siya nililingon dahil busy ako sa pagdadraft ng mga plates. Minsan gusto ko pagsisihan na engineer course pinasok ko. 

Kaya ko naman magshift eh if ever, pero gusto ko talaga pahirapan sarili ko eh. Eh ano magagawa natin?

"Well, may letter ako na sinubmit sa school about diyan at nahahabol ko naman ang mga needs. At isa pa, naiirita ako makita si Austin nakakainis presensya niya kaya mas gusto ko nasa mga business meetings kaysa magkikita kami at mauuwi sa away." sagot niya na kita ko sa peripheral vision ko na nag-aayos. May lakad ata, yes dito ako sakanila nakatira now. 

Nasa Canada kasi parents ko, mag-isang anak lang din kasi ako. At isang taon sila dun, eh ayoko naman tumira mag-isa sa bahay kaya dito nalang ako tumuloy sakanila kahit na naririndi ako minsan sa pagtatalo nila. Di ko rin kasi maintindihan to si Seah, bakit pinipigilan niya si Austin na manligaw kay Stepahne.

Yes, once ko lang nakita at nakasama si Stepahne but she look nice and of course she's pretty.

"Hindi ko rin kasi maintindihan sayo, bakit ba pigil na pigil ka sa panliligaw ni Austin kay Stepahne?" nakakunot noo na sambit ko at binitawan saglit ang plates ko at tsaka nilingon siya na busy sa pagbablush on.

"Dahil ayaw ko kay Stepahne for him, that's all. Sige na Elle, aalis na ko. At lumabas-labas ka naman minsan di masama mag-enjoy minsan, Elle. We're just first year." biglang pag-iiba niya ng topic, kaya napatango nalang ako. At tsaka lumabas na ng kwarto ko, well sa kabila talaga kwarto niya pero madalas siya tumatambay sa kwarto ko.

Yes, may kwarto ako sa bahay nila, sa dalas kasi nila Mommy at Daddy sa ibang bansa dahil sa mga business trip nila. So nandito na ko lagi, kaya pinagawan ako kwarto nila Seah at Austin. Eh diba nga sa ibang bansa lumaki si Austin, napauwi lang naman yun dito at nagdecide mag-stay ng muntik na magsuicide si Seah.

I was there, when Seah is devastated and broken. Hindi kami ganun kaclose, pero when I found out na namatay boyfriend niya. Hindi ko siya iniwan, at pilit kinakatok siya sa kwarto niya nung mga panahon na hindi pa nakakauwi sila Austin at Tita dito. Halos masira ang buhay ni Seah, tuwing gabi nagigising ako sa busina sa labas at pagsisilip ko sa bintana nakikita ko si Seah na inihatid ng kung sino at sinasalubong ni Austin at inaalalayan kasi lasing na lasing.

I did everything to help her, but after that nung makarecover siya. Nagbago siya, ang laki ng pinagbago niya. Ng tuluyan siyang makalabas ng kwarto ay pinagpatuloy ko na ang paggawa ng plates. 

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng plates ng biglang naisipan kong magpatugtog, nagplay lang ako ng random songs without reading the title. At natigilan ako ng magsimulang tumugtog ang song. At tila may ilang alaala ang namutawi sa isip ko.

I remember him. Triny ko naman kalimutan siya but walang nagbago sa nararamdaman ko for him.

"Elle, sino yun? Boyfriend mo?" he asked. At nakataas pa ang kilay sakin.

"Ano ba C, hindi ah. Bakit nagseselos ka ba?" nakangising pang-aasar ko sakanya.

"Matuto ka ngang mandiri, Elle. Bat naman ako magseselos? Di tayo talo." natatawang sambit niya sakin, kaya tinawanan ko lang siya. 

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now