Chapter 20

25 3 0
                                    

AUSTIN'S POV

"Bakit ba ang kulit mo, Austin? Sinabihan na kita diba tigilan mo na si Steph dahil di ako papayag na siya ang magiging girlfriend. Not that girl na naging dahilan para mamatay si Asher."  galit na galit na salubong ni Seah pagdating ko sa bahay.

Galing kasi ako school, at medyo iwas sakin si Steph. Naiintindihan ko naman yun nagulat lang talaga siya.

"Ano ba Seah? Wala namang ginagawa sayo? Bakit ba hindi mo muna alamin lahat di yung bigla ka nalang nagagalit sa tao ng walang sapat na dahilan." naiinis na saad ko sakanya.

Sa araw-araw kasi na nagkakasama kami, wala na siyang ginawa kundi kumuda at sabihan akong wag ko ng balakin ligawan si Steph, dahil sasaktan lang daw ako ni Steph. Ano bang alam niya sa pagmamahal?

Ay oo nga pala may alam siya, pero wala siyang alam sa buong kwento. Wala siyang alam sa lahat-lahat kung pwede ko lang sabihin, ngunit pag ginawa ko yun may mabubuking na ISA oo isa.

"Austin, ano ba di mo ba naiintindihan siya ang dahilan kaya nawala si Asher sakin. Alin ba hindi mo maintindihan dun, mahal na mahal ko siya Austin. Alam kong alam mo kung gaano ko kamahal si Asher kaya nagkakaganto.." umiiyak na saad niya sa harap ko. "..at di ko matanggap na pinagpalit niya ako sa babaeng yun, at yun ang rason kung bakit isang linggo siyang di nagparamdam. Di ko man lang narinig paliwanag niya at ni hindi man lang nasagot yung tanong ko sa sarili ko, kung bakit nagawa sakin ni Asher sakin. Tapos sasabihin mo sakin ngayon na walang kasalanan si Steph. Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?" garalgal na dagdag niya pa.

"Ano nga bang nararamdaman mo tell me at kung mababaw lang yan, wag na wag mo na ko papakialaman sa panliligaw ko kay Steph dahil mahal ko siya." matigas na saad ko sakanya.

"Kingina mas pipiliin mo talaga si Steph sakin, tanginang yan Austin baka nakakalimutan mo kakambal mo ako. Di ba pwedeng magalit ka nalang din kay Steph dahil isa siya sa rason kung bakit nawala si Asher sakin." di makapaniwalang saad niya sakin habang patuloy pa din ang paghikbi.

"Bakit naman ako magagalit sakanya? Hindi sapat na rason yan para magalit ako sakanya ambabaw mo Seah. Tell me may iba pa bang rason kung bakit nagagalit ka kay Steph?" seryosong saad ko sakanya.

"Gusto mo malaman kung bakit? Dahil sa tuwing nakikita ko siya naalala ko yung araw na nabangga si Asher. Dahil sa tuwing nakikita ko siya naalala ko lahat. At sa tuwing nakikita ko siya nakikita ko kung paano ako niloko ni Asher." galit na galit na saad niya sakin. Bakas talaga sa buong mukha niya ang gigil at galit.

"Kinginang yan Seah, palayain mo na sarili mo. Ang tagal ng wala na si Asher. Move on! Dahil wala na si Asher, at di mo na mababalik ang nakaraan. Dahil yang ginagawa mo ngayon kabaliwan na yan. Sa ginagawa mo yang mas nagmumukha kang masama." pangrerealtalk ko sakanya.

At nagulat nalang ako ng sampalin niya ako. Pero di ko ininda yun.

Kailangan na niya marinig to, dahil sa mahabang panahon iningatan namin ang mental health niya dahil sa pagkawala ni Asher pero oras na para marinig niya ito mula sakin.

"Talaga bang ipagtatanggol mo siya harap ko? Talaga ba. Di ako makapaniwala sayo. Para sa pagmamahal mo sa babaeng yun, aabot tayo sa ganito. Oh ano? Austin nabrainwash ka na ha ni Steph ha? Ano? Magsalita ka." galit na galit na tanong niya sakin.

"Walang nangbebrainwash sakin dahil kung titingnan mo ng maigi, ikaw na yung mali. May amnesia si Steph kaya kahit anong galit wala siyang pakialam diyan kasi wala siyang maalala." madiin na sagot ko sakanya.

Pero parang wala lang siya narinig at pinakakatitigan ako na parang di makapaniwala sa mga naririnig sakin.

"Austin, parang di na kita kilala. Basta pag di mo ginawa yung gusto kong mangyari, kakausapin ko si Daddy para pabalikin ka sa kung saan ka man nanggaling." di makapaniwalang saad at pambabanta niya sakin.

"Gawin mo, wala na kong pakialam. Di ako natatakot sayo Seah. Baka nakakalimutan mo mas nakakatanda pa rin ako sayo kaya matuto kang gumalang." matigas na saad ko sakanya at tsaka siya nilagpasan para umakyat na sa kwarto ko, dahil hanggang walang tumitigil samin di matatapos ang argument namin lalo na walang yaya dito sa bahay at kami lang dalawa kaya walang aawat samin.

Nakakapagod na din talaga makipagtalo kay Seah, masyadong binabalot ng galit niya.

SEAN'S POV

I need to fix this dahil kung di ko to maayos di ko mababalik yung samin ni Janella.

"Scarlett pwede ba tayo mag-usap." kulbit ko kay Scarlett na nasa harap ng upuan ko. Nagkataon kasing magkaklase kami ngayon kaya eto ang kinuha kong oras para makausap siya.

Kaya lumingon siya at puno ng pagtataka ang buong mukha.

At tama kayo nakabalik na ko sa States. Dahil kailangan ko na harapin to dahil once na maayos ko to maaari kong maibalik ang tiwala ni Janella sakin. Mahal na mahal ko yun kaya bilang lalaki itatama ko yung mali ko.

"Sean? Bakit?" nakakunot noo na tanong niya sakin.

"Magkita tayo mamaya, may kailangan tayong pag-usapan." seryosong saad ko sakanya. Kaya napatango siya at saktong magsasalita sana siya ng biglang pumasok yung prof namin kaya di na siya nakapagsalita pa.

Matagal din bago natapos ang unang klase hanggang sa..

"Okay, class dismissed see you tomorrow!" pagtatapos ng Prof namin ng discussion niya.

"Scarlett hindi ka ba sasabay samin ng lunch?" tanong ni Rio, dahil eto lagi niyang kasabay. Napalingon sakin si Scarlett tsaka sinagot yung mga kasama niya.

"Hindi muna siguro may importante lang akong gagawin." sagot ni Scarlett sakanila.

"Naku, humaharot kaibigan natin." pang-aasar ni Diana sakanya.

"Tigilan niyo nga ako, may gagawin lang talaga ako. See you on next class nalang." saway at saad niya sa dalawa.

"Sige sabi mo eh, sige na alis na kami ni Diana. Gutom na gutom na daw kasi siya." pagpapaalam ni Rio kay Scarlett habang si Diana ay tatango-tango lang.

Ng makaalis yung dalawa. Ay tsaka lumapit sakin si Scarlett.

"Tara na mag-usap na tayo." yaya niya sakin.

Eto na Sean wala ng atrasan, ayusin mo na to. 


Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon