Chapter 10

25 20 0
                                    

AUSTIN'S POV

Nakakunot lang ako  ng noo na pinagmasdan si Steph na halatang bwisit na bwisit na naglalakad papuntang banyo, napapaano ba yun?

"So ano nga, Austin? Girlfriend mo ba yang kasama mo?" tanong ni Jems kaya agad kong inalis ang tingin kay Steph, narinig ko naman ang mahinang pagbungisngis ni Elle dahil sa tanong ni Janelle sakin at medyo natawa rin ako sa tanong  niya. "..hoy anong nakakatawa? jusq di ako clown kaya sagot bilis!" naaasar na singhal ni Janelle samin.

Napakatapang talaga na nilalang nito, kaya napalingon kami sa isa't-isa ni Elle at bahagyang nandiri sa ideyang magjowa kami.

"No, hindi kami magjowa nan. She's my cousin.." paliwanag ko sakanila, kaya napatango silang tatlo.

"Di halata ah." natatawang sabi ni Jems samin.

"Oo nga, para talaga kayong magjowa. Kung di mo nga lang sinabi na magpinsan kayo ay akalain talaga namin na magjowa kayo." natatawang sabi naman ni Janelle.

"Korek ka diyan, girl." sang-ayon ni Christian kay Janelle.

"Psh! Close lang talaga kami nito ni Austin, mas malapit ako sakanya kaysa kay Seah na parang laging may sariling mundo." nakangiting sabi naman ni Elle samin.

"Yeah, mas close kami." nakangiting sang-ayon ko kay Elle.

"Speaking of Seah? Bakit ganun siya sa lahat ng tao?" out of nowhere na tanong ni Jems, kaya nagkatinginan muna kami ni Elle at tsaka binalik ang tingin sa tatlo.

"It's not our story to tell, pero sana ay intindihin niyo nalang siya." pilit ngiting saad ko sakanila.

Kaya napatango nalang ang tatlo sakin at di na inuungkat pa ang tungkol kay Seah.

Yeah, Seah is my twin.

Pero di kami close, because of our differences. Lumaki kaming parang di magkakambal at magkapatid. Iwas siya sa lahat sa di ko ding malamang dahilan. Dahil sanggol palang kami nung paghiwalayin kami dahil broken family kami, yeah we are.

Kay Mommy ako lumaki sa ibang bansa, habang siya ay kay Daddy dito sa Pilipinas, kaya nga sakanya ipinamana ang company namin, at ayoko din naman maghandle nun kaya masaya ako na sakanya ibinigay.

Nakakausap ko naman siya, pero di ganun kadalas, dahil nga minsan lang siya makipag-usap samin ni Mommy.

She's always busy studying at sa pag-aasikaso ng business. Tinetrain na kasi siya ni Daddy, dahil siya ang heir ng kumpanya namin. Kaya nung nalaman ko kay Mommy na dito na kami titira ay natuwa ako, siyempre nung una ayaw niya kong kasama sa iisang school, but then second week ng pasukan pumayag na siya for some unknown reason. Pero kahit na ano pa rason niya masaya ako nasa iisang school kami.

"Ang tagal naman nun ni Steph." umiiling na sabi ni Janelle, at halata na ang pagkainip sakanya.

Oo kanina pa namin iniintay si Stepahne, nagkayaya kasi na pumunta na sa Arcade dahil yun din naman ang pakay namin ni Elle dito pero etong si Stepahne hanggang ngayon ay wala pa.

Tinatawagan na siya ng tinatawagan pero di man lang sinasagot.

"Ja, puntahan mo na kaya!" biglang sabi ni Jems, kaya napaisip si Janelle at agad na tumango.

"Sige, dito lang kayo ah." sabi niya at tumayo na at tsaka nanakbo paalis.

"Di ko talaga maintindihan minsan yan si Steph!" umiiling na sabi ni Christian samin.

"Paanong di maintindihan? Ano ba siya?" usisa ni Elle.

Sabagay, macucurious talaga siya kasi ngayon lang naman niya nakita si Stepahne, sungit.

"Mahirap iexplain eh. Pero nitong mga nakaraang araw sobrang weird ng mga kinikilos niya, ang lalim lagi ng iniisip." kwento ni Jems samin.

"Naikwento samin ni Shaira na madalas daw kamuntikang bangungutin iyang si Steph, at talagang pag magigising daw si Steph ay punong-puno ng takot ang mukha niya." dagdag kwento naman ni Christian samin.

Bangungutin? Gaano ba kasama yung panaginip na yun.

Magtatanong pa sana si Elle ng biglang dumating na si Janelle at Stepahne na nakabusangot.

"Oh saan mo natagpuan yan?" bungad na tanong ni Jems kay Janelle.

"Nasa penshoppe, sa tabi nung cr. Aba eh ayan ang ebidensya. Nagshopping ang gaga." umiiling na saad ni Janelle.

"Ang ganda nung mga damit eh, edi bumili ako tsk!" masungit na explain naman ni Stepahne.

"Bongga ka girl, bat di mo kami niyaya?" medyo naiiritang tanong ni Christian kay Stepahne.

Nagulat naman kami ng bumaling si Stepahne at tsaka binalik ang tingin sa mga kaibigan.

"Paano ko kayo yayain eh, may kausap kayo diba? Ang bastos ko naman kung bigla akong sisingit sa usapan niyo psh!" sabi niya at tsaka pinaikot ang mata.

Maldita talaga at masungit psh!

"I think, may point siya guys!" sabat ni Elle sa magkakaibigan, kaya medyo natauhan rin sila.

Matapos nun ay nagyayaan ng pumunta sa Arcade, pagdating namin doon ay pumasok sa isang Karaoke si Stepahne, habang ang mga kaibigan niya ay nagpunta sa mga games at nasipaglaro. Hinila din nila si Elle na parang naging isip-bata ng pumasok kami rito..

Mukhang di trip ni Stepahne maglaro. Kasi kung trip niya edi sana hindi siya sa Karaoke pumasok.

At ako naman ay sinundan si Stepahne na kasalukuyan ng nasa loob ng Karaoke. Kaya kumatok ako at pumasok sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin, kaya medyo napakamot ako sa ulo ko at agad naghanap ng sasabihin.

"Ah, ayoko kasing maglaro. Kaya dito nalang din ako, yun ay kung pwede sayo?" medyo nahihiyang paliwanag at tanong ko sakanya.

"May magagawa pa ba ako? Eh nandito ka na eh." umiirap na sabi niya at tsaka binalik na ang tingin sa cellphone niya at nagpipindot.

Di ba siya kakanta? Mukhang hindi nga, tatambay lang ata to dito.

Umupo ako sa tabi niya at sumandal sa pader, at tsaka medyo pinikit ang mata ko dahil inaantok talaga ako. Maaga kasi akong binulabog ni Elle para samahan siya rito. Ang lamig din kasi sa loob, kaya aantukin ka talaga.

"Bakit di mo sinamahan maglaro yung girlfriend mo?" biglang tanong ni Stepahne kaya napamulat ako ng mata at inalis ang pagkakasandal sa pader at napalingon sakanya. Di man lang ako nilingon, busy pa rin siya sa pagpipindot sa phone niya.

"Hindi ko naman siya girlfriend eh, she's my cousin. At tsaka di ako mahilig maglaro sa mga arcades." paliwanag ko sakanya at muli ng sinandal ang sarili sa pader.

"Oh, eh bakit di mo sinabi sa pinsan mo na di ka mahilig maglaro sa arcade. Paano kung di niyo kami nakita eh di mapipilitan kang maglaro?" sabi niya naman.

"Siguro." maikling sagot ko sakanya, at tuluyan ng ipinikit ang mata, at pilit na pinapatulog ito.

"Austin, alam kong di ko dapat sinasabi to. Pero pwede bang wag kang mawawala sa tabi ko bukas?" out of nowhere na saad niya. Kaya napamulat akong muli at inaangat ang sarili mula sa pagkakasandal sa pader at tsaka siya nilingon.

This time, nakatingin na rin siya sakin na wari mo'y iniintay ang sasabihin ko.

"Bakit naman?" takang tanong ko sakanya.

"Alam kong ang weird nitong sabihin, pero lagi kong napapanaginipan ang Nuvali at di maganda ang mga nangyayari sakin doon." malungkot na saad niya, kaya nakaramdam din ako ng lungkot.

"So bakit kailangang nasa mo lang ako lagi?" tanong ko sakanya.

"Natatakot akong baka kuhanin ako nung lalaki na nagpapakita sa panaginip ko na yun, sobrang natatakot ako!" mangiyak-ngiyak na saad niya, kaya niyakap ko siya upang kumalma.

"I'll promise di ako mawawala sa tabi mo, he won't take you away from me." bulong ko sakanya.


Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now