Chapter 23

11 1 0
                                    

JANELLA'S POV

Hindi ko talaga alam nangyari samin ni Sean, wala naman kaming pinag-awayan at all goods ang relationship namin. It's just one day, bigla nalang nawala communication namin. At ang laki ng pinagbago niya. 

Tapos di ko alam nakauwi na pala siya dito sa Pilipinas, tapos the next thing I knew he broke up with me.

"Ate Jea, hoy! Sure ka na ba diyan sa plano mo?" paninigurado ni Janelle sakin. Oo nandito siya sa kwarto ko ngayon to help me na iimpake mga dadalhin ko.

"Alam mo Ja, natatakot ako sa totoo lang. Like what if I discovered something there at masaktan ako, pero kung gusto ko talaga maayos to. I need to do something.." sagot ko sakanya habang patuloy na inaayos ang mga dadalhin ko.

"Pero ate, may choice ka na wag na siyang habulin. Madaming nanliligaw sayo diyan. But why Kuya Sean?" she said, at natulala nalang ako sa tanong niya. Ano nga bang meron si Sean, na kahit anong gawin ko at pilit kong kalimutan nalang siya. But I end up everyday realizing kung gaano ko siya kamahal at kahalaga sakin.

"Hindi ko din alam, Ja. The only thing I knew is mahal ko siya at kahit masaktan ako ng ilang beses ay ilalaban at ilalaban ko tong nararamdaman ko sakanya. That's how love works!" sagot ko sakanya. At napansin ko namang napaisip siya, ewan ko ba kasi sa kapatid ko na to from what I heard from her friends eh may boyfriend siya ngayon yung Josh ba yun na sa pagkakaalam ko ay babaero.

Subukan niya lang saktan kapatid ko, masasaktan siya sakin.

Tumango lang siya at maya-maya pa ay umalis na ko, hindi na nila ako hinatid kasi uuwi din naman daw ako at gamitin ko na rin daw na bakasyon yun at irelax sarili ko malayo sa acads ko daw. Mukha daw kasi akong stress this past few days, kaya ayan g sila agad nung nagpaalam ako na susundan ko si Sean sa States.


Pagbaba ko ng eroplano ay nakangiti ako pero iba ang kaba ko, kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Sean. Anyway, hiningi ko ang address niya kay Stepahne kaya alam ko kung saan siya pupuntahin. 

Sumakay ako ng taxi at pinakita ang address sa driver at makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami, pagbaba ko ay tinanaw ko ang mataas na building sa harap ko habang hila ang maleta ko. Ramdam ko ang kaba ng buong sistema ko pero wala ng atrasan to. 

Hanggang sa marating ko ang pinto ng room niya, at kinakabahan na pinindot ang doorbell ng room niya. At pagbukas niya ay gulat na gulat siya when he see me.

"S-Surprise!" nakangiting bungad ko sakanya.

"J-Janella?" gulat na sambit niya at tsaka dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi niya at bahagya akong nagulat ng yakapin niya ko ng mahigpit at tsaka ko narinig ang mahinang paghikbi niya. "Sorry for hurting you, Jea. I shouldn't have done that!" garalgal na bulong niya sakin dahilan para maluha din ako.

"Sean?" I whispered.

"Jea, sorry. I'll done fixing everything. And I will do everything to have you again.." umiiyak na bulong niya pa.  "..Jea may nagawa ako, nagkamali ako. Sana mapatawad mo ako, everything is just an accident. Hindi ko sinasadya." dagdag na sambit niya dahilan para mapakunot noo ko. Kumalas siya sa yakap sakin, at hinawakan ang kamay ko.

"W-What do you mean?" kinakabahang tanong ko sakanya.

"One night, sumama ako sa isang condo party. And everyone is wasted including me. At nagising nalang ako na may katabing babae, at nagkagulatan pa kaming dalawa at sinapak ako nung babae. Hindi namin ginusto ang nangyari, It's just accident one night stand. Kaya ako bumalik agad dito sa States to fix that, and to make sure na hindi yun magbubunga.." umiiyak na pag-amin niya sakin. Dahilan para matulala ako at hindi ko alam ang gagawin ko. "..hindi ko sinasadya, Jea. Kaya nakipaghiwalay sayo kasi pakiramdam ko nagcheat ako sayo. At ang laki nitong kasalanan na nagawa ko. Jea, mahal na mahal kita." dagdag niya pa. At nagulat nalang din ako ng gumalaw ang kamay ko at sinampal siya.

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now