Chapter 15

26 14 0
                                    

STEPAHNE'S POV

"Oy Steph? Okay ka lang?" biglang sulpot ni Austin na kinagulat ko, at napabalik ako sa realidad. At tsaka nilingon ang paligid at hinanap yung lalaki na nasa harap ko kanina.

"Nasaan na yung lalaki? Nakita mo ba siya?" kinakabahang tanong ko sakanya, kaya nagtaka siya at napakunot ng noo sa akin. "..yung lalaki na nasa harap ko kanina. Nakita mo ba siya?" pawis na pawis na kinakabahang tanong ko pa sakanya.

"Lalaki? Wala akong lalaking nakita dito, mag-isa ka lang dito at tulala ka ng maabutan kita." nakakunot noo na sagot niya sakin, dahilan para lalo akong kabahan at matahimik.

"W-wala k-kang naabutan na l-lalaki sa harap ko?" utal-utal na tanong ko sakanya at doon ay napansin ko na ang unti-unting pagbagsak ng luha ko.

"Steph, wala talaga kong nakita. Okay ka lang ba? Nag-aalala ako sayo." he said at nagulat ako ng yakapin niya ako.

Hinayaan ko yun dahil kailangan ko ng taong pagbubuhusan nitong luha ko na di ko alam kung saan at paano ko nagawang umiyak.

Di ko maintindihan ang sarili ko at umiyak ako bigla.

Para akong nabunutan ng tinik ng malaman kong di siya nakita ni Austin, imposibleng makaalis agad siya ng ganun kabilis.

Sino ba kasi siya? Bakit ayaw niya magpakilala, he's creeping me out.

"Natatakot ako, Austin. Nandito na naman yung takot na ayaw kong maramdaman, Austin he's here lumapit siya sakin.." umiiyak na bulong ko kay Austin na hinihimas ang likod ko para pakalmahin ako.

"Ssh! Nandito na ko, di na siya makakalapit sayo wag ka ng umiyak. Nandito na ako!" bulong niya sa akin.

"Paano kung nandiyan lang siya pinapanood niya tayo? Austin natatakot ako sakanya." garalgal na bulong ko pa sakanya. Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan pero wala akong pakialam.

Dahil tanging takot nalang ang meron ako at hindi ang hiya na umiiyak ako kay Austin ngayon.

"Wala na siya, di na siya makakalapit pa sayo nandito na ako di kita iiwan." sabi niya at humiwalay ng yakap sakin, at tsaka inaayos at pinunasan ang luha ko.

"Anong nangyari dito? Bakit umiiyak ka Steph?" biglang sulpot ni Janelle kasama sina Christian at Jems.

"Okay ka lang ba Steph? Dapat pala di natin siya iniwan dito eh, di talaga magandang ideya na walang naiwan na kahit isa man lang alam naman natin na takot si Steph sa lugar na to." nag-aalalang sabi naman ni Christian.

"Di naman natin akalaing may mangyayari pala." sabi naman ni Jems na halata ang pag-aalala sa akin.

"Mas mabuti pa pumunta na tayo sa area, baka nag-aantay na mga kagrupo natin. Ako na bahala rito kay Steph." sabi ni Austin kaya napatango silang tatlo, at habang ako at inalalayan ni Austin. Habang nasa daan di ko tinangkang lumingon sa paligid dahil natatakot akong baka magpakita muli siya sa akin.

Baka himatayin na ko sa takot pagnagkataon.

Pagdating namin sa areas na pinagtataniman namin ay halata ang pagtataka ng mga kagrupo namin ng makita na halatang galing ako sa pag-iyak.

Di naman sila nagtanong dahil inabot na sakanila nila Janelle ang pagkain na pinabili nila.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Austin sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Kinakabahan pa rin ako, at sobrang bigat pa din ng pakiramdam ko." sagot ko sakanya, tumango siya at inabutan ako ng tubig para inumin ko ito.

"Uminom ka muna, para makahinga ka ng maayos." sabi niya sakin kaya inabot ko yung bote ng tubig at tsaka ininom.

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now