Chapter 3

35 22 0
                                    

STEPAHNE'S POV

"No, please.." namumulang iyak ni Janelle sa tabi ko, napapaano ba to? Nasa room kasi kami at naghihintay ng professor.

"Pulang-pula na ang gaga, tingnan mo at daig pa galing sa break up, kakaiyak." bulong ni Jems sakin, kaya napalingon ako sakanya.Bale magkakatabi kasi ang upuan namin kaya madali kaming makapag-usap.

Habang si Janelle ay nasa bandang bintana, nakasalpak ang earphone sa magkabilang tenga at tutok na tuto sa cellphone niya. Oo sa cellphone, psh nag-aadik na naman sa kdrama.

"Psh! Ano ba kasi pinapanood nan?" tanong ko sakanilang dalawa.

Habang nakatingin kami kay Janelle na parang di nararamdaman na nakatingin kami sakanya.

"Oy wag kang umalis, wag mo siya iwan. Gago!!" bulong pa ni Janelle na rinig na rinig naman namin.

Kaya nagkatinginan kaming tatlo.

"Sa pagkakaalam ko, Hotel del Luna pinapanood niya. Ilang araw niya na rin pinagpupuyatan yan." saad ni Christian samin, kaya napatango nalang kami ni Jems.

Second subject na kasi at kanina pa hindi dumadating ang prof namin kaya eto at kanya-kanya ang ginagawa ng mga kaklase at etong si Janelle ay kdrama ang inaatupag.

Inalis na namin ang tingin sakanya at hinayaan na siya.

"Steph, kailan pala dumating kuya mo?" usisang tanong ni Jems sakin.

"Ah kahapon, nagulat nga kami na bigla siyang umuwi eh." sagot ko sakanya.

Marami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa natapos ang klase at dumating ang uwian, at narito na ko ngayon kasama si Janelle at Shaira sa parking lot.

Susunduin daw kasi si Janelle ng Ate Jea, kaya nauna na rin sina Jems at Christian na magcocommute nalang.

"Ate, bakit ang tagal naman ni Kuya?" naiinip na tanong ni Shaira sakin, kaya napalingon ako sakanya. Nagkwekwentuhan kasi kami ni Janelle para iwas bored.

"Wag kang mainip baby, parating na yun baka natraffic lang." sagot ko kay Shaira kaya napatango nalang siya at umupo na ulit sa bench at nagpipindot ng phone niya.

By the way, she's Shaira Jean Garcia she's a pre-school in short day care. She's just 5 years old. Swertehan kasing may pre school sa pinapasukan ko kaya dito na rin siya pinag-aral para sure sila Mommy na mababantayan ko si Shaira.

"Talagang napakacute ng kapatid mo, Steph!" natutuwang sabi ni Janelle na nililingon pa si Shaira.

Kaya napangiti nalang ako.

"You know what, Seah is so weird." biglang sambit ni Janelle sakin kaya napakunot ako ng noo sakanya.

"You mean si Seah yung bagong transfer sa klase natin kanina?" nakakunot noo na sabi ko sakanya.

"Oo siya nga, I find her weird. Napakatahimik niya, it's look like she's hiding something." nakataas na kilay na sabi niya.

"Weird? Bakit parang okay lang naman siya. Bakit kaya di natin siya kaibiganin?" suhestiyon ko sakanya.

"Kaibiganin? Okay ka lang Steph! Natatakot ako sakanya, she's like an introvert like that." parang bata na natatakot na sabi niya sakin.

"Psh! Ang judgemental mo sa part na yan, kilalanin mo na kaya natin siya." saad ko sakanya, kaya kahit ayaw niya ay napatango nalang siya.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na rin ang hinihintay namin, at halos sabay pa silang dumating at talagang magkatapat pa ang kotse nila sa harap namin nila Janelle.

Sabay silang bumaba at napalingon sa isa't-isa, at di na namin nagawang umimik ni Janelle. Buti na lamang ay busy pa si Shaira sa pagcecellphone at parang di niya pa napapansin na nandito na si Kuya.

"Jea?" Kuya's whispered. Di mo mababasa ang gulat sa mukha ni Kuya, dahil mas mababasa mo sakanya ang lungkot.

"N-nakabalik ka na pala?" medyo utal-utal na saad ni Ate Jea kay Kuya.

Tanging pagtango lang ang naisagot ni Kuya sakanya, magsasalita sana si Kuya ng biglang..

"Kuya, you're finally here." biglang singit ni Shaira at nanakbo papunta kay Kuya at niyakap ito. Kaya ngumiti sakanya si Kuya, nagkatinginan kami ni Janelle na wari mo'y naguguluhan sa nangyayari.

"Ja, tara na! Iniintay na tayo sa dinner." sabi naman ni Ate Jea kaya napalingon kami sakanya. At para mabawasan ang awkwardness ay nagpaalam na si Ja sakin at tsaka sumakay sa kotse ni Ate Jea. Habang ako naman ay sasakay na sana dahil nakasakay na si Shaira, at napansin ko ring pasakay na si Ate Jea ng biglang..

"Jea, can we talk for a minute?" biglang sabi ni Kuya na dahilan para matigilan si Ate Jea, at tsaka humarap kay Kuya.

"Okay." maikling sagot ni Ate Jea, kaya lumingon si Kuya sa akin.

"Steph! Saglit lang ito, wait for me. At tsaka sumakay ka na." bilin niya sa kin, nakita ko namang sinenyasan siya ni Ate Jea na sumunod sakanya, kaya napatango nalang ako kay Kuya para makasunod na siya kay Ate Jea.

Ng makita kong malayo na sila tsaka ako sumakay ng kotse.

Ano kayang pag-uusapan nila?

Pagkatapos ng ilang oras ay nakita ko sa bintana sa likod na nanakbong pumunta si Ate Jea sa kotse niya at halatang galing ito sa iyak, kaya lalo akong nagtataka sa nangyayari.

Dali-dali ring si Ate Jea, hanggang sa nakita ko naman si Kuya na halatang umiiyak rin at tinanaw pa ang kotse ni Ate Jea na palayo na.

Kaya bumaba ako, dahil umuulan na at basa na si Kuya. Kinuha ko muna siyempre ang payong sa bag ko, para mapayungan si Kuya na parang wala sa sariling nakatanaw mula sa malayo. Buti na lamang ay natutulog na si Shaira sa kotse.

"Jea, mahal kita.." ayan ang narinig ko kay Kuya kaya napakunot ang noo ko at nakaramdam ng awa. Ano ba kasing nangyari? "..kaya ginawa ko to, yung alam kong tama para sa aming dalawa. Let's the destiny, cross our paths again." dagdag pa ni Kuya dahilan para madurog ako para kay Kuya.

"Kuya what the hell is happening?" nag-aalalang tanong ko kay Kuya.

Kaya nagulat siya at napatingin sakin, mukhang di niya naramdaman ang presensya ko na kanina pa ako dito at nagpapayong sakanya.

"Kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong niya sakin.

"Actually, halos kababa ko lang.." nakakunot noo na sagot ko kay Kuya. "..pero Kuya tell me, nag-away ba kayo ni Ate Jea? May nangyari ba?" takang-taka na tanong ko sakanya, at bakas na bakas na din ang pag-aalala ko para kay Kuya.

"We just broke up." mapait na ngiting sabi ni Kuya at sinenyasan na kong sumakay na kami ng kotse.

Broke up? Naging sila na pala. Pero bakit nagkaganto sila? Anong issue, anong nangyari?

Hanggang sa makauwi ay nanatili akong tulala habang si Kuya ay parang wala sa sariling umakyat sa kwarto niya.


Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now