Chapter 30

5 1 0
                                    

AUSTIN POV

Nang malaman ko ang balitang sinugod muli sa hospital si Stepahne ay wala sa sariling napapunta ako rito at naiyak ako ng makita ang sitwasyon niya.

"I can't take seeing you like this, Steph." umiiyak na sambit ko habang pinagmamasdan siya. Nakasuot ako ng green damit na sinusuot lagi pag nasa ICU pa ng isang pasyente. Habang nakatitig ako ay tuloy ang pagtunog ng phone senyales na may tumatawag sa phone ko pero di ko ito pinansin dahil alam kong si Seah ito, until now I don't understand kung saan nanggagaling yung galit niya kay Steph.

Walang kasalanan si Steph sakanya. And that's the truth.

"Sleepyhead wake up please. I miss you already, tinakot mo kaming lahat akala namin mawawala ka na samin. Thank you for fighting for your life, please fight more. Kailangan ka pa naming lahat Steph. God knows how I did everything just to get noticed by you, I sacrifice everything just to have you. So please wake up sooner. Mahal na Mahal kita, Steph!" umiiyak na sambit ko sakanya habang hawak ang kamay niya hinahalikan ito.

God knows very much, what I did and done just to finally got notice and be loved by her. And I never regret that.

"Marami pa tayong pagsasamahan, kaya please lumaban ka please. Everyone here is waiting for you, so please fight." dagdag ko pa at tsaka pinakatitigan siya lalo at hanggang ngayon namamangha pa din kung gaano kaganda ang mukha niya. And I can't afford losing her.

Nasa kalagitnaan ako ng paninitig kay Stepahne ng biglang may pumasok. At napatayo ako sa kinauupuan ko at nagulat ako ng mapagtanto ko kung sino ito.

"Austin!" madiing sambit niya at sinenyasan akong sumunod sa labas.

Kaya tiningnan ko muli si Stepahne ng huling beses at tsaka sumunod kay Seah sa labas.

"How many times do I need to tell you na itigil mo na lahat ng kabaliwan mo na to? Just go back to US, let's go back there.." galit na panimula niya sakin.

"Kailan mo ba ko titigilan, Seah? Hindi mo ba nakikita kung gaano kamahal si Steph ha? Hindi mo ba nakikita lahat yun for you to understand everything? Bakit ba hindi mo matanggap na mahal ko si Steph. Ikaw ang nababaliw dito. Ikaw ang tumigil sa kabaliwan mong paninisi kay Steph na siya ang pumatay sa dati mong kasintahan cause she's not. You're crazy!" inis na sagot ko sakanya at nagulat ako ng makatikim ng sampal sakanya. Kaya napahawak ako sa pisngi niya.

"Hindi mo alam sinasabi mo, at hindi mo alam mga pinagdaanan ko. You don't know the pain I go through when he died knowing that he cheated on me. Ilang taon kong tinanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang, saan ako nagkamali bakit nagawa niya sakin. Wala kang alam Austin, for you to called me crazy. Dahil lahat kayo wala sa tabi ko when that all happened. Kapatid mo ko, Austin but you never try to hear and understand my side.." umiiyak na sambit niya kaya napatitig ako sakanya. "Sarili mo nalang lagi iniisip mo, kailangan din naman kita. Kinailangan din kita but wala ka. Nandito ka sa Pilipinas and doing crazy things to find Stepahne and when you find her you forgot me. You forgot your sister who's needing you all those years." dagdag niya pa.

"I'm sorry, I didn't know." wala sa sariling sambit ko. Dahil hindi ko talaga alam na ganun na pala nararamdaman niya.

"So please, just listen to me and let's go to US." mahinang sambit niya. Kaya wala sa sariling napatango ako. And with that nilingon ko muli si Stepahne mula sa glass window ng ICU at ngumiti ng mapait.

I guess this is the last time I whill see you. This is the best thing to do, for Seah stop bothering you.

Farewell, my Stepahne!

SOPHIA POV

Susundan ko sana si Seah but nagulat ako ng makasalubong sila Kuya Sean together with Mom and Dad and Shaira. I've caught goddamn it.

"S-Sophia?" utal na sambit ni Kuya. Habang sina Mommy at Daddy at tila natulala ng makita nila ako. At nagulat ako ng sugurin nila ako ng yakapin.

"It's was true, you're alive. Oh my god my daughter is alive." umiiyak na sambit ni Mommy while hugging me. Natulala ako at hindi alam ang iaakto ko, di ko rin siya mayakap ng pabalik dahil gulat na gulat pa din ako. Kaya napatingin ako kay Kuya na hawak si Shaira na nakakunot ang noo na nagtataka kung sino ako at bakit kamukha ako ng Ate Stepahne niya. Tinanguan lang ako ni Kuya Sean na parang naluluha na.

"H-How? P-Paano?" I said na halos putol-putol dahil di ko alam ang sasabihin ko.

"Sorry for not finding you, sorry hindi namin alam na ganun nangyari sayo sa hospital. I'm so sorry sweetheart." umiiyak na sambit ni Mommy sakin. Habang si Daddy at hinahawakan ako sa mukha at di mapigilang maiyak.

"Sorry for everything, hindi man lang namin sinigurado na hindi ikaw yung bata na pinaglamayan namin. I'm so sorry, sweetheart!" sambit naman ni Daddy.

"W-Wala po yun, wala po kayong kasalanan. Wala pong may kasalanan sa nangyari. Pasensya na po at hindi po ako nagpakita sainyo kahit nung panahong alam ko na lahat. Ayoko nalang po makagulo lalo na po maysakit si Stepahne. Mas kailangan niya kayo, and I'm fine. There's a family that taking care of me for all of this years and treat me like they own me." mangiyak-ngiyak na sambit ko sakanila. Kumalas sa pagkakayakap si Mommy sakin at hinarap ako.

"But you should have try, God knows how still painful remembering that Stepahne's twin died the day of the both of you born. And everyday until now kahit malabo we are still thinking na what if you're still alive. Did Stepahne still got sick? And how you will guys treat each other lalo na't magkamukhang-magkamukha kayo. As a mother masakit na ang nangyari na yun, at eto na naman mukhang mawawala din si Stepahne. Thank you for showing up, sweetheart. Binigyan kami ng lakas ulit para maniwala that miracle could happened and Stepahne will be wake up again." sambit ni Mommy at hinawakan ako sa mukha at ngumiti ng mapait.

"Finally you finally show up to them. Ang hirap hirap magtago, thank you Sophia." nakangiting sambit ni Kuya.

Dahilan para mapangiti ako at tila sa sandaling yun ay nawala yung mabigat na nararamdaman ko at sa mga oras na yun para akong nabuo muli. Because all those fears and hiding for almost years it's now worth it. It's all worth it.

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now