Chapter 14

24 17 0
                                    

STEPAHNE'S POV

"Oy tulala ka diyan?" out of nowhere na sulpot ni Jems sa tabi ko at inakbayan ako. Kaya medyo nakahinga ako ng maluwag at pinasawalang bahala nalang ang narinig ko.

Baka napapraning lang ako.

Nagugutom na rin kasi, unti lang kasi kinain ko bago umalis sa bahay.

"Kamusta pakikipag-usap niyo sa owner?" tanong ko sakanya, at nilingon ko ang paligid ko kung nasaan si Christian at di naman ako nabigo dahil nakita ko siya agad.

Kausap niya ng seryoso si Janelle, mukhang nagpaplano na kung saan kami pwepwesto.

"Pumayag naman siya, natuwa pa nga siya. Kasi ang ganda raw ng gusto nating gawin.." saad ni Jems sakin, kaya napatango ako.

Maya-maya pa ay lumapit na samin sila Janelle at Christian.

"Oy, tara na!" bungad ni Christian samin.

"Kailangan na nating simulan dahil baka gabihin tayo pag mamaya pa tayo magiistart." saad naman ni Janelle kaya agad kaming kumilos ni Jems at sumabay na sa dalawa, at tsaka naman nila sinenyasan ang iba naming kasama na sumunod na.

Sa kalagitnaan ng pagpunta namin sa madamong place ng Nuvali ay naisipan kong magtanong kay Janelle. Sakto naman kasing katabi ko siya habang naglalakad.

"Ja? Ano na balita kay Austin?" tanong ko kay Janelle kaya napalingon siya at binigyan ako ng nanunuksong tingin.

At talagang di ko nagugustuhan ang mga tingin niya na yun.

"Bat mo tinatanong? Naku! Steph ah, pabiyahe na raw siya papunta rito." nakangising sagot niya.

Kaya napailing nalang ako sa pang-aasar niya sakin.

Depungal talaga! Bigyan ba naman ng malisya ang closeness namin ni Austin psh.

"Naku, Ja wag kang maissue. Nag-aalala lang ako baka napaano na siya sa daan." depensa ko sakanya.

"Sige sabi mo." natatawang sagot ni Janelle at maya-maya pa ay biglang nagring ang cellphone niya senyales na may tumatawag.

Kaya sinagot niya agad ito.

"Babi? Bakit napatawag ka?" bungad ni Janelle sa tumawag sakanya.

Babi? Sino yun, may pangalan ba na ganun. Ang panget naman!

"Oo babi, nandito na kami sa Nuvali. Don't worry aalagaan ko sarili ko, i love you!!" nakangiting sabi ni Janelle sa katawagan niya.

May boyfriend na siya?

Kailan pa siya natutong maglihim sakin, paano na si Josh? Aba nagpaligaw siya tapos ligwak lang kasi may boyfriend na pala siya. Grabe ah!

"Opo, wag ka ng masyadong mag-aalala. Tapusin mo na yang thesis mo, kita tayo soon. Wag kang mambabae ah may sapak ka talaga sakin." natatawang sabi pa ni Janelle.

Napakatapang talaga.

Hanggang sa ayun natapos silang mag-usap sa cellphone at sakto namang nandito na kami sa place na pagtataniman namin.

Kaya di ko na rin siya natanong pa kung sino yun, dahil inasikaso niya na  mga kagrupo namin para sa gagawin. Kailangan kasi naming ayusin, dahil malaki ang tiwala na binigay samin ng owner. Para hayaan niya kaming mag-isang linggo dito for this activity.

Maya-maya pa ay nagsimula na kami. Kanya-kanya kaming pwesto at tanim ng mga dala naming buto ng mga bulaklak na tiyak na mas lalong makakaattract sa mga turista na dumayo rito.

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon