Chapter 8

27 20 0
                                    

STEPAHNE'S POV

"So paano nga nangyari na ayan at nakakasama mo na si Josh?" pangungulit ko kay Janelle habang papasok kami ng room, putakte lang kasi isang araw lang ako nawala tapos wala na ako agad alam sa nangyayari sa mga kasama ko.

"We just accidentally meet doon sa ospital kung saan ka namin dinala, pauwi na ko nun ng makabangga ko siya. And ayun naging close kami agad, niyaya niya ako sa isang coffee shop, pamilyar daw ako sakanya eh." kwento ni Janelle pero nakukulangan pa rin talaga ako sa kwento niya.

"Huh? Paanong pamilyar ka sakanya eh hindi ka naman lumalapit sakanya." out of nowhere na sabat ni Jems, kaya natahimik si Janelle at napaisip na din.

"Oo nga noh, sige tanong ko sakanya mamaya." biglang narealized na sabi ni Janelle at nauna ng pumasok sa room namin, naiwan naman kaming nagtataka nila Christian, Jems at siyempre kasama namin yung kupal na nagngangalang Austin.

Napakibit balikat nalang sina Christian at Jems tsaka sinundan na si Janelle papasok sa loob, at naiwan naman ako kasama yung kupal. Putakte bakit sa lahat ng maiiwan bat siya pa? Ano bang nagawa kong masama para malasin akong ganto, ng ganitong kaaga diba?

"Oy sungit, wag ka ngang bumusangot. Lalo ka lang pumapangit." nakangising pang-aasar na naman niya sakin at dali-dali siyang nanakbo papalayo sa akin at papasok ng room. Wala na kong nagawa kundi mapahawak nalang sa ulo sa sobrang inis kay Austin the great epal of the year.

Wala ako sa mood na pumasok ng room, at umupo sa upuan ko dahil dumating na rin yung prof namin.

"Okay class, In our NSTP1 we will conduct a visit to the tourist spot here in Santa Rosa. At pagnilagay ko na kayo sa mga respective groups, pipili kayo ng lugar na bibisitahin niyo.." panimulang anunsyo ng Prof namin, kaya napakunot ako ng noo ko at napatitig sakanya.

"Ma'am paano kung nakahanap na po kami ng place na bibisitahin, what will happen next?" tanong ng isa kong kaklase kay Ma'am.

"Good question, Mr. Morales. Pagdating niyo dun, you will clean the place at magtatanim kayo ng mga halaman, this is the training para marealized niyo ang kahalagahan ng kalikasan." nakangiting paliwanag ni Ma'am. Kaya napatango nalang kami.

Hanggang sa inanunsyo niyo na ang magkakagrupo, at kamala-malasang kagrupo ko si Austin. At buti nalang din na nakasama ko din sa grupo sina Janelle, Jems at Christian kaya iwas init ng ulo.

"Ma'am si Chelseah Sy po, absent po siya ngayon eh. Kaninong group po siya mapupunta?" out of nowhere na tanong ng bida-bida naming kaklase. Oo naman sis may bida-bida kaming kaklase, not one but three.

Kaya minsan nakakapikon din pagkabida-bida nila. Sarap ipalapa sa bulldog..

"Oh, Ms. Sy. She's not going to participate in this activity, nasa ibang bansa siya doing some important business matter.." paliwanag ni Ma'am kaya napalingon ako kay Austin. Akala ko ba dito-dito lang yung business matter na yun, ayun pala sa ibang bansa. "..right, Mr. Austin Sy?" baling ni Ma'am kay Austin.

"Yes, Miss. I hope maintindihan niyo, because she is the heir of our company. Kaya paminsan-minsan mawawala siya sa klase natin." nakangiting sagot at paliwanag ni Austin.

Naks heir pala si Seah, di halata ah.
Ang nerd kasi ng datingan niya sa totoo lang.

"So ano, anong naiisip niyong lugar na pupuntahan natin?" pangunguna ni Janelle, leader material talaga tong si Janelle kaya masaya ako na kagrupo ko siya talaga.

"Enchanted Kingdom." suggestion ng richkid na si Austin, oo siya po nagsuggest psh!

"Ay talaga, Ek talaga. Sige sagutin mo lahat ng entrance namin. At tsaka rides yun don, saan tayo magtatanim don?" pamimilosopo ko kay Austin, kaya medyo natigilan at napaisip siya.

"Oo nga noh, siya sorry na." tila biglang natauhan na sabi naman niya.

"Oh sige papayag kami na sa Ek kung kayong dalawa lang pupunta, yiieee date na yan." out of  nowhere na pang-aasar ni Mich samin, isa sa mga kagrupo namin.

Kaya parehas kaming napatingin sa isa't-isa. At tila nandiri sa ideya na sinasabi ni Mich samin..

"Date? Yak!" halos sabay na sigaw namin ni Austin, kaya napalingon lahat ng kaklase namin. At maging ang Prof namin, napakalakas kaya ng sigaw namin.

"Mr. Sy and Ms. Garcia, any problem?" nagtatakang lapit na tanong ni Ma'am samin.

Kaya napailing nalang ang mga kasama namin, habang kami ni Austin ay parehas napaiwas ng tingin sa isa't isa.

"Wala po, Ma'am." halos sabay na sagot namin kay Ma'am. Kaya napatango nalang si Ma'am at bumalik na sa unahan.

Nagpatuloy sa pag-iisip sina Janelle, at ganun rin ako. At kanina pa patuloy na pumapasok sa isip ko ang Nuvali pero ayoko siya isuggest kasi baka magsisi lang ako.

Ng dahil sa panaginip ko na yun, pilit kong iniiwasang isipin ang Nuvali. Alam kong kilalang tourist spot ang Nuvali, at may naririnig akong kwento na doon madalas magkita ang mga magkakasintahan o di kaya naman ang magbonding ang pamilya.

Dahil para sa mga taga Santa Rosa, napakagandang lugar ng Nuvali. Dahil napapalibutan ito ng magagandang tanawin, ilog at mga puno, tila comfort zone ng lahat ang mga tahimik na lugar rito.

Pero iba ang perspective ko sa lugar na yun ng dahil sa mga panaginip ko, na hanggang ngayon ay wala pa rin kasagutan.

Sa kung bakit napapanaginipan ko ang mga bagay na iyon, kung konektado ba yung lalaki sa akin. Oh napapasok na ng demonyo ang panaginip dahil sa kakaibang kaba at panghihina na dala sa akin nito. Na kahit gising na ko ay nadadala ko pa rin ang kaba na iyon at takot.

"Oy, natulala ka diyan." kulbit ni Jems sakin, kaya napalingon ako sakanya. At doon ko lang napansin na nakatingin na sila sakin lahat.

"Ha?" takang tanong ko sakanya.

"Psh! Kanina ka pa tinatanong ni Ja kung may naiisip ka daw na lugar?" sambit ni Jems sakin, kaya medyo nakaramdam ako ng hiya. Dahil di ko napansin na kinakausap na pala nila ako. Kakaisip ko sa Nuvali ay nawala na naman ako sa wisyo.

"Ah, eh.." nauutal na saad ko sakanila, at tila naghihintay ng sagot ko, putakte ano bang alam ko sa mga tourist spot.

"Ano nga?" nakakunot noo na tanong ni Christian sakin.

Kaya medyo napapikit ako at tsaka isinigaw ang sagot ko. Sapat na sigaw lang na rinig ng mga kasama ko, baka mapagalitan na naman ako ng professor namin pagsinigaw ko ng malakas.

"Nuvali." sigaw ko sakanila, at huli na ng marealized ko ang nasabi ko.

Hindi, bakit nasabi ko yun?

"Hala oo nga Nuvali buti naisip mo yan, so final plan. Sa Nuvali tayo!" nakangiting anunsyo ni Janelle, tila nakaramdam naman ako ng kaba at takot dahil sa narinig ko.

Paano kung makita ko siya don? Natatakot ako sakanya!

To be continued..





Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now