Chapter 7

34 19 0
                                    

STEPAHNE'S POV

"Steph, please go here. I wanted to meet you!"

Rinig kong tinig ng isang boses, na tinatawag ako sa malayo. Ngunit bigo akong malaman kung sino ito dahil sa dilim ng buong paligid. Bakit ba tinatawag niya ako? Sino siya? Anong kailangan niya sa akin?

"Tigilan mo na ako, I don't know you.." napapagod na sigaw ko sakanya. At naramdaman ko nalang ang kung sino na nakahawak sa kamay ko. Muli ko na namang nararamdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko, at pagpapawis ng buo kong katawan. "..pakiusap tama na! Nahihirapan na ako." pakiusap ko. At tsaka ko naramdaman ang pagbagsak ng luha ko.

"Steph, please don't leave me." pagmamakaawa niya pa, pero buo ang loob ko na hilaan ang kamay ko na hawak niya. At walang kasiguraduhang nanakbo papalayo.

"Sa pangalawang pagkakataon, hindi mo na naman ako pinili." halos pabulong na wika niya, kaya natigilan ako at lilingunin ko sana siya. Pero isang maliwanag na bagay ang tumama sa mga mata ko..

Maputing kiame ang bumungad sa akin. At doon ko lang napagtanto na nanaginip na naman ako. Pero bakit siya ulit ang nasa panaginip ko?

"Mommy, gising na si Ate." rinig kong sigaw ni Shaira, at doon ko lang napagmasdan ang paligid. Hindi ito ang kwarto ko, alam ko.

"Nasaan ako?" punong-puno ng pagtataka na tanong ko at dahan-dahang binangon ang sarili sa kama na ito.

At ng tingnan ko kung sino ang mga nandito, at tsaka ko lang napagtanto na narito sila Mommy, Daddy, Shaira at Kuya Sean.

"Buti naman gising ka na." bakas na pag-aalala na saad ni Kuya at lumapit sakin kasama si Shaira.

"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong naman ni Mommy sa akin.

"Okay na naman po, ano pong nangyari sa akin?" nakakunot noo na tanong ko sakanila.

Di sila nakasagot, at tila pelikula na eksena na nagflashback sa utak ko ang huling pangyayari na natatandaan ko.

At naalala kong nawalan ako ng malay, at malakas ang kabog ng puso ko. Pero bakit kailangang umabot sa ospital?

"Lahat kami nagulat ng tawagan kami ng mga kaibigan mo, na nawalan ka raw ng malay. Anong nangyari, Steph?" saad ni Daddy at sabay tanong.

"Nakatulog ako sa klase, at may napanaginipan ako. Parang isang bangungot, may lalaki lagi doon. He keep saying na pumunta raw ako sa Nuvali. He want to see me? But I don't know him.." natatakot na kwento ko sakanila, at ramdam kong maluluha na naman ako dahil naalala ko na naman. Naramdaman ko naman ang pag-alalay sa akin ni Kuya. "..he keep saying na pumunta ako sa Nuvali, malabo ang mukha niya. Natatakot ako sakanya! Natatakot ako!" umiiyak na kwento ko pa sakanila..

"Steph, kumalma ka! Relax. Nandito na kami, you don't need to be scared." pagpapakalma ni Kuya sa akin, at nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha nila Mommy.

"He's creepy, at eto pa ang  pinakanakakatakot sa lahat. Kilala niya ako, he keep calling me Steph!" umiiyak na kwento ko pa sakanila.

Niyakap nila akong lahat, dahil di na rin nila alam ang sasabihin nila. Maya-maya pa ay pinagpahinga na nila ako, pero nakakatakot akong pumikit kasi baka magpakita na naman siya. Kasalukuyan na silang tulog lahat, habang ako ay nakatingin sa kisame at pilit iniisip. Kung sino yung nagpapakita sa panaginip, at bakit pilit niya ako pinapapapunta sa Nuvali..

At ang huling salita na narinig ko ay parang kanta na nagpaulit-ulit sa isip ko, dahil matindi ang naging epekto nito sa buo kong pagkatao.

"Sa pangalawang pagkakataon, hindi mo na naman ako pinili."

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now