Chapter 12

32 20 1
                                    

CHRISTIAN'S POV

Di ako makapaniwalang na ang pang-aasar ni Elle sakin ay mauuwi sa gantong sitwasyon, she just kissed me. Pero di ko alam kung bakit di ko man lang siyang nagawang itulak, na parang ginusto ko na rin.

Ano bang nangyayari sakin? Oo bisexual ako, pero di ko akalaing sa ganitong paraan ko mararanasan ang first kiss ko, at sa babaeng ngayon ko lang nakilala..

There's something on her na di ko mapaliwanag, the first time I saw her alam kong pamilyar siya sakin.

Na para bang nakita ko na siya somewhere, pero di ko alam kung saan at kailan at di ko maalala.

Parang tumigil ang mundo ko ng di ko inaasahan, at patuloy na tinutugon ang halik niya. Ramdam ko namang napangisi siya, at tsaka siya kusang inihiwalay ang labi niya sa labi ko.

At tsaka ngumiti sakin.

"May naalala ka na ba?" punong-puno ng pag-asa na tanong niya na wari mo'y may gusto siyang ipaalala sakin.

Pero nakatitig lang ako sakanya, dahil di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya, di ko alam. Dahil di ko alam kung anong ibig sabihin niya sa tanong niy? Anong kailangan kong maalala. I don't know her!

"Bakit mo ginawa yun?" nakatitig na tanong ko sakanya, at wala na kong pake kung nanonood mga kasama namin.

"Dahil..pasensya na sa nagawa ko, mukhang wala kang naalala." malungkot na tono niya, at halata mong naiiyak siya. She manage to hide it and smile fakely sa harap ko. "..kalimutan mo na yun.." malungkot na dagdag niya at tsaka nilingon si Austin. "..Austin, mauuna na ko may lalakadin pa pala ako." biglang pagpapaalam niya, kahit nagtataka si Autin ay tumango nalang siya. At tsaka binigyan pa ko ng huling sulyap ni Elle at pagkatapos ay binaling naman niya ang tingin sa mga kasama namin at nagpaalam ng tuluyan.

Naiwan naman akong tulala.

Di ko siya maintindihan, bakit parang may gusto siyang sabihin na di niya nasabi sakin?

Pero parang may kirot akong naramdaman saking puso kaya napahawak ako roon at doon ko lang napagtanto na umiiyak na ako.

At doon na naalarma mga kasama ko.

"Oy, bakla bakit ka umiiyak ka diyan?" nag-aalalang tanong ni Jems.

"Pagpasensyahan mo na yun si Elle, ganun kasi talaga siya." paghingi ng sorry ni Austin, kaya tinanguan ko lang siya senyales na wala siyang kasalanan.

"Bakit ba kasi umiiyak ka?" nag-aalalang tanong naman ni Stepahne, at doon ako napahawak sa mukha ko at doon ko napagtantong umiiyak nga ako, pero bakit?

"Di ko maintindihan, when she kissed me. Pakiramdam ko hindi ito yung unang beses na hinalikan niya ko, at di ko maintindihan kung bakit nasaktan ako ng makita ko ang lungkot sa mata niya." malungkot na sabi ko sakanila, kaya napakunot sila ng noo at tila naguluhan.

"Paano mo naman nasabi yan? Ngayon mo lang naman siya nakilala ah." nagtatakang tanong ni Janelle sakin.

"Ayun na nga, Ja eh! Ngayon ko lang nakilala pero di ko maiwasang maramdaman na para bang matagal ko na siyang kilala." sabi ko at tsaka nila ako inaalalayan na umupo sa upuan na nasa tapat ng upuan nila Austin, nakatayo na kasi sila Stepahne, Janelle at Jems dahil lumapit nga sila sakin.

"Paano kung magkakilala lang talaga kayo? Ikaw lang tong nakalimot, di malayong mangyari yun dahil.." biglang sabat ni Austin kaya napatingin kami sakanya lahat. "..may nakwento siyang may minahal siyang lalaki noon, pero di niya minention samin ang pangalan samin. Ang nangyari daw kasi is biglang nawala yung boy, and di niya nahanap pang ulit. Baka ikaw yun?" nakakunot noo na dagdag pa ni Austin.

"Pero kasi kung ako nga yun, dapat kilala ko siya. Aish! Baka nadala lang ako kanina, first kiss ko yun eh!" sabi ko at napahugot ng huminga ng malalim, ayoko nalang kasi mag-inisip ng mag-inisip. Dahil sasakit lang ang ulo ko jusq.

Pero kung ganun, sino yung boy na bigla nalang naglaho sa buhay ni Elle.

STEPAHNE'S POV

Tulala pa rin kami lahat as in, after ng pangyayari sa arcade. Umuwi na rin kasi si Austin, dahil baka pagalitan siya na pinabayaan niyang umalis mag-isa pinsan niya.

Kaya kami-kami nalang ang magkakasama, nasa parking lot na kami at pauwi na rin.

Medyo umo-okay na si Christian, pero minsan ay natulala nalang siya bigla. Di raw kasi siya makapaniwala na si Elle ang first kiss niya.

Pero ako iba ang bumabagabag sakin, yung tanong ni Elle kay Christian. Anong ibig sabihin niya doon?

"Oy Steph? Sino yun? Bat may tao sa likod ng kotse mo?" out of nowhere na tanong ni Janelle sakin, medyo malayo pa kasi nilalakad namin para magpuntahan sa sasakyan namin. Sasabay raw kasi si Janelle kay Jems at Christian na iisa lang naman ang kotse na ginamit, habang ako ay own car ko dala ko.

Kaya napatingin rin ako sa tinuturo niya, nakaitim ito na hoody at balot na balot..

Hanggang sa nagflashback sa isip ko ang kwento ni Shaira sakin.

"..ate alam niyo po ba kahapon, may nakita po akong lalaki na nakatingin mula sa malayo. Nakatingin siya sayo ate, at nakangiti siya."

Pinagmasdan ko ang lalaki, mukhang di niya pa napapansin na nakatingin kami sakanya. Nakangiti nga sakin, oo sakin. Dahil ako lang tinitingnan niya, sino ba siya?

"Oy Steph sayo siya nakatingin? Kilala mo ba siya?" tanong naman ni Jems, patuloy pa rin kaming naglalakad kahit na nakakaramdam na kami ng takot. Kaya napalingon ako kay Jems.

"Hindi." medyo natatakot na sagot ko sakanya, dahil ang creepy kasi nung ngiti nung lalaki.

Di ko siya mamukhaan dahil sobrang dilim ng pwesto niya pero kita kong nakangiti siya. Ibinalik ko ang tingin ko pero wala na siya! At doon tuluyang nagtaasan ang balahibo ko, ang bilis niya namang mawala.

"Ay hala ka, nasaan na yung lalaki? Imposible namang makaalis siya agad." natatakot na sabi ni Christian.

At nakita ko na rin na natakot sila Jems at Janelle.

"Gagi, namamalik-mata lang ba ako? Di ko inaalis tingin ko sakanya pero bigla siyang naglaho ng di ko man lang siya nakikitang gumalaw sa pwesto niya sa likod ng kotse mo, Steph!" nanginginig na kwento ni Janelle, dahil papalapit na kami ng papalapit sa mga sasakyan naming magkatabi ng parking.

At oo hindi inalis ni Janelle ang tingin niya mula kanina ng makita niya iyon, at nagkatinginan kami at talagang napuno kami ng takot.

At napasign of the cross dahil sa takot na nararamdaman na yun, dahil kotse nalang namin ang nakapark sa parking lot na yun kaya imposibleng may iba pang tao rito at isa pang 9pm na at magsasarado na ang mall. Nag-enjoy kasi kami masyado sa paglalaro sa Arcade kaya inabutan kami ng sarado ng mall.

At kahit natatakot ay tinibayan namin ang loob namin para lang makauwi, nagpaalaman muna kami at tsaka mabilis na umalis sa parking lot at nagsiuwian. Habang nasa biyahe ay di ko maiwasang isipin, ang nakita namin kanina, kung pinaglalaruan lang ba kami ng isip namin o totoo ba talaga yun at may tao talaga sa likod ng kotse ko.

First time ko matakot ng ganto buong buhay ko..


Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now