Chapter 11

30 20 0
                                    

STEPAHNE'S POV

Pagkatapos namin magkwentuhan ng napakatagal ni Austin ay medyo nawala na ang bwisit ko sakanya. Kaya medyo naging kumportable na kami sa isa't-isa.

"Grabe ka pala nung bata ka." natatawang sambit niya sa akin.

"Psh! Sinabi mo pa, para akong si Shaira. Makulit at matigas ang ulo." natatawang saad ko sakanya.

"Eh bakit nawala yung pagiging makulit mo ngayon? Tigas ng ulo hmmm..mukhang yun ang di nawala." sabi niya habang kunwareng humahawak-hawak pa sa baba niya.

"May nangyari kasi, inaatake ako ng sakit ko sa puso ko. Kaya medyo nagbago talaga ako.." malungkot na kwento ko sakanya.

"Oh, sorry to hear that. At sorry din ng dahil sa sinabi ko napakwento ka pa tuloy." medyo nahihiyang sambit niya sa akin.

"Okay lang, kalimutan na natin yun. Ikaw naman magkwento ka sakin about kay Seah.." nakangiting saad ko sakanya.

"Bakit nadamay si Seah dito?" medyo nagtatakang tanong niya sa akin, kaya medyo natauhan rin ako. Pero tinuloy ko pa rin ang tanong ko kasi nacucurious talaga ako.

"Dahil interesado ako sa pagkataon niya, nung first day palang. May iba kasi sakanya." nakakunot noo na sambit ko sakanya.

"Wala akong alam masyado kay Seah, dahil magkahiwalay kaming lumaki. Yeah we are twin, pero di kami close. Hiwalay kasi si Mommy at Daddy.." medyo malungkot na kwento niya, kaya medyo nakaramdam ako ng hiya sa tanong ko sakanya. "..she's grow with Dad, while me is kay Mommy sa ibang bansa. This year lang ako naging permanent sa Pilipinas, dahil dati kasi ay pabisi-bisita lang ako dito." dagdag niya pa.

"So talagang sa ibang bansa ka lumaki?" sabi ko naman.

"Yes. Kaya di ko ganun kilala ang kapatid ko. Ang sabi ni Daddy wala din siyang alam kay Seah kahit na sila ang magkasama rito, dahil napakamasikreto niya talaga. She's an introvert, at napakatahimik pero magugulat ka kasi napakatalino niya.." kwento pa ni Austin sakin.

"Hmmm..halata naman kasi halos maperfect niya mga quiz namin last week." sang-ayon na sabi ko kay Austin, kaya napangiti siya.

"Yeah, ganun siya katalino. Kaya rin siguro sa kanya ipinamana ang company namin. Hindi rin naman kasi ako into business, kaya tama rin na kay Seah ibigay.." nakangiting saad niya, halata mong masaya talaga siya na kay Seah napunta lahat. "..and may isa pang kwento about her na kwinento lang ng isang yaya, na may boyfriend daw si Seah but they did not know kung sino. Hanggang one day, ayun napauwi kami ng Pilipinas ni Mommy ng malaman namin kay Daddy na namatay daw ang boyfriend ni Seah kaya nagkulong ito sa kwarto. At doon lang namin nalaman lahat na may boyfriend siya.." kwento niya pa sakin. "..actually ikaw ang.." di na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang sumulpot sina Christian, Jems, Janelle at Elle sa karaoke.

"Nandito lang pala kayo, ilang karaoke na kinatukan namin." umiiling na sabi ni Janelle at nakisiksik samin ni Austin.

"Mga bakla kayo, bat ba kasi ang nagsosolo kayo?" natatawang banat ni Jems samin, kaya nagkatinginan kami ni Austin at agad na napaiwas.

"Gusto kong kumanta eh." out of nowhere na palusot ni Austin, kaya medyo natawa ako sa palusot niya.

"Ikaw pinsan, kumakanta ka! Di ka ba nagjojoke. Naku pinsan gutom lang yan, tara kain na tayo!" umiiling na sabi ni Elle at may pahawak pa sa tummy niya na nagsasabing gutom na po talaga siya. Gutomers pala tong pinsan ni Austin.

Actually yung kanina, di ko rin maexplain kung bakit nabwisit ako sa tanong ni Janelle kay Austin kanina. Yung girlfriend thingy, at tsaka di ko rin malaman ang dahilan kung bakit nagwalk-out ako at nagpaalam na magccr lang.

Nung nasa cr na ko doon ko narealized ang kabaliwang ginawa ko, kaya paglabas ko ng cr swertehang katabi nun ang penshoppe kaya dun ako pumasok, para incase na hanapin nila ako.

Ang palusot ko is nagshopping ako.

Ang talino ko diba, wais to pre. Si Stepahne Garcia pa ba?

"Ay te, pagkain talaga una mong naisip? Baka naman trip mo magretouch muna sa banyo, medyo nalusaw na beauty natin." banat ni Christian kay Elle, kaya napanguso ito sakanya.

"Sorry na!" nakangusong saad ni Elle kay Christian.

"Naku, wag ka ngang ngumuso diyan, baka bigla akong maging lalaki." naiiritang saad ni Christian.

Yeah, Christian is bisexual. He was atttracted in both gender.

At dahil sa isa ring siraulo tong si Elle dahan-dahan siyang lumapit kay Christian, kaya panay ang atras ni Christian..

"Oy te, wag kang ganyan." singhal ni Christian, pero wala pake ate mo Elle.

"Magpapakalalaki na yan." pang-aasar ni Janelle sakanya.

"Gora na sis, chance mo na yan." natatawang cheer naman ni Jems, kaya natawa nalang kami ni Austin sakanila. By the way nasa loob pa rin kami ng Karaoke, dahil nag-aasaran pa yung dalawa.

Kaya hinayaan na muna namin, nagbabakasali din akong magiging lalaki na talaga si Christian.

Patuloy pa din ang paglapit ni Elle, hanggang sa wala na pader na ang nasa likod ni Christian.

"Naku lang, tigilan ako!" banat ni Christian kay Elle kahit halata na ang takot sa mukha.

"Alam niyo bang may tatlo ng bisexual na napatuwid iyang si Elle. Ganyan kalakas charm ng pinsan ko." out of nowhere na kwento ni Austin samin, kaya napalingon kami sakanya at tila namangha. At agad naming binalik ang tingin sa dalawa, nakasandal na si Christian sa pader habang si Elle ay nakangiti kay Christian na nakalapat ang palad sa pader, halatang-halata mo sa mukha ni Christian ang matinding takot. Dahil namumula na ang buo niyang mukha, sa takot at kaba na rin siguro.

"Christian, di mo dapat ko ginaganun dahil di talaga ako umuurong. Wag natin biglain, gawin natin, Christian. Then fall to me!!" rinig naming sabi ni Elle kay Christian na namumutla na sa takot.

"Elle ano ba? Wag kang ganyan natetempt akong halikan ka." hirap na hirap na sambit ni Christian kay Elle, at pilit na umaalis sa pagkakacorner ni Elle sakanya.

"Then kiss me." nakangising saad ni Elle sakanya, kaya nanlaki ang mata ni Christian sa sinabi ni Elle.

Kaya napalingon ako kay Austin.

"Ganyan ba talaga si Elle?" bulong na tanong ko kay Austin, sapat lang na siya ang makarinig. Nakatingin pa rin siya sa dalawa, ni hindi man lang ako nilingon.

"Yeah, ganyan siya magtease ng mga bisexual." sagot ni Austin kaya napatango ako at binalik na ang tingin sa kanila.

At halos mapatakip ako ng bibig ko dahil napanganga talaga ako sa nakita ko, totoo ba to?

Christian and Elle kissing, eh.








Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now