Chapter 27

10 1 0
                                    

SEAH'S POV

Did I read it right? May kakambal si Stepahne? That bitch, paano nangyari yun? 

"Tama ba yang mga pinagsasabi mo sakin ngayon, Leo?" kunot noo na tanong at paninigurado ko sakanya. Dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

"Opo Ma'am, nagpunta po ako sa hospital kung saan pinanganak si Stepahne and doon ko po nalaman that she had a twin." sagot niya sakin, pero may parte pa din sakin na ayaw maniwala sa mga naririnig ko ngayon.

Kasi kung tama nga mga pinagsasabi nito sakin, ibig sabihin hindi nga si Stepahne yung sinugod ko last time. Pero sino nga ba siya? Bakit parang hindi alam ni Stepahne ang tungkol sakanya. 

"How come? It's look likes na hindi alam ni Stepahne na may kakambal siya." nagtatakang tanong ko sakanya.

"Based po sa report sa hospital, namatay daw po kakambal ni Stepahne." sagot niya na siyang kinagulat ko. Teka? Patay? Eh sino yung sinugod ko sa mall. 

"Paanong namatay?" takang-taka na talaga na tanong ko sakanya.

"Namatay siya while nasa nursing room, and di nakaindicate sa hospital report kung ano kinamatay." sagot niya sakin. 

Lalo pa kong naguluhan, kung patay na kakambal ni Stepahne. Sino yung nasa small, sobrang identical nila. Kaya alam kong siya ang kakambal ni Stepahne, pero nung marinig ko na namatay kakambal niya so sino yung nameet ko sa mall.

"Pero nakita ko ang kakambal niya last time sa mall, napagkamalan ko pa siyang si Stepahne." sambit ko kay Leo. Kaya napaisip din siya.

"Po? Sigurado po kayo diyan, Ma'am. Kasi po malinaw na malinaw sa hospital report na patay na ang kakambal ni Stepahne." taka at paliwanag niya sakin.

"Kung ganun dig more information about this, dagdagan ko ang bayad ko sayo. Alamin ang totoo, I feel like something is wrong. May nangyari sa hospital na yun, at gusto ko yun ang alamin mo." seryosong sambit ko sakanya, kaya kahit nagtataka siya at naguguluhan pa ay napatango nalang siya.

"Sige po, Ma'am. Hindi ko po kayo ulit bibiguin." sagot niya, at tumango nalang ako at tsaka tuluyang umalis na ng maiwan ako ay nanatili akong tulala sa pwesto ko at napapaisip. What the hell happened on that hospital that day? Paanong nakita ko ang kakambal ni Stepahne kung sa report ng hospital ay patay na siya.

Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang sumulpot si Austin na dere-deretso lang na pumasok sa office ko. 

"May balita ka na ba kay Elle? Miski sila Tita hindi siya makontak." bungad niya sakin kaya napalingon ako sakanya.

"Wala pa, bakit? Wala pa din ba clue?" sagot at tanong ko sakanya. Kaya malungkot siyang tumango sakin.

Kasabay din ng pag iimbestiga ko sa pagkatao ni Stepahne ay pinoproblema ko ang biglang paglalaho ni Elle, wala kahit isa samin ang nakakaalam kung nasaan siya. Huli raw siya nakita sa hospital at dinadalaw si Christian ba yun tapos after that day hindi na raw nakita si Elle. 

Di man halata pero nag-aalala na rin ako sa pinsan ko na yun. At alam kong any time of this week uuwi yun sila Tita to find Elle. Ano ba kasing nangyari yun?

"Sabihin mo diyan sa Christian pag hindi pa natin nakita si Elle, ipapalibing ko siya ng buhay." inis na sambit ko.

"Walang kasalanan si Christian dito, kung ano man yung nangyari between them labas na tayo dun. Ang isipin natin ngayon ay mahanap si Elle." depensa ni Austin, kaya napairap nalang ako sakanya.

Mawawalan talaga ng hininga yang Christian na yan sa akin pag di namin nahanap si Elle.

STEPAHNE'S POV

"Aiden, ikaw ba yan?" I confusedly ask when I see a man standing in front of me at nakangiti siya sakin. Unti-unti akong lumapit sakanya at matanaw ko kung sino siya ay lumawak ang ngiti saking labi. 

"You're back!" nakangiting sambit niya sakin at niyakap ako. At tila bumalik na naman yung pakiramdam na ayokong nararamdaman at eto yung muntik tumapos ng buhay ko noon, oo alam ko nangyari sakin noon. Pero may ilan dun ang alam ko di ko pa naalala.

"Aiden, h-hindi a-ako makahinga." umiiyak na sambit ko. Dahil ramdam ko kung anong bigat ang nararamdaman ng katawan ko ngayon. 

"No, please wag mo na ako ulit iiwan Steph. Please?"  nakikiusap na sambit niya.

"Sinong nagsabing iiwan kita, Aiden? Dito na ko, hinding-hindi na kita iiwan." sagot ko sakanya na walang halong pag-aalalangan at pagdadalawang isip.

"Steph, let me ask you again. Can I date you in Nuvali?" he said. At tila parang nag echo to sa utak ko at sumakit ang ulo ko at ramdam ko ang mabilis na kabog ng puso ko. Para akong nalunod at may kung ano-anong ingay ang naririnig ko.

Nanatili akong nakatitig sakanya at di maintindihan ang nararamdaman sa sarili, napahawak ako sa puso ko na patuloy ang pagkirot at pagsakit nito. Ano bang nangyayari sakin? Si Aiden lang naman tong nasa harap ko.

"Stepahne, please. Can I date you in Nuvali?" pag-uulit niya pa. At tila nagliwanag ang buong paligid namin. Ang kanina ilog, puno at mga tao na nasa paligid namin ay biglang nawala at tila naging kulay puti ang lahat. At tanging kami lang ang nandito.

"A-Aiden?"

"Wag mo kong iiwan, Steph dito ka lang. Dito lang tayo." pakiusap niyang muli. At kitang-kita sa emosyon niya ang matinding pakikiusap sakin. Pero parang may kung ano sakin ang pumipigil na um-oo. At hindi ko alam kung ano yun. Biglang wala akong maalalang iba kundi si Aiden lang na ngayon ay nasa harap ko.

Nakaramdam ako ng matinding gulo sa aking isipan na tila may mga tao akong nakalimutan. Pero sino sila? Napatitig ako kay Aiden ng iangat niya ang kamay niya at inabot sakin.

"Sumama ka na sakin, Steph. Dito nalang tayo, wag mo na kong iiwan." sambit niya habang nakalahad ang kamay niya sakin na inaantay niyang abutin ko. Pero nakatitig lang ako sakanya at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Aiden?"

"Steph, ayaw mo ba sakin? Ayaw mo na ba sakin? Mahal mo ko diba?" he said at doon ko mas lalong nakaramdam ng matitinding pananakit sa aking puso, ramdam ko na rin ang matinding panghihina ng buong katawan ko. "Let's stay here in Nuvali, let me date you here forever." dagdag niya pa at tila may kakaibang kilabot akong naramdaman at kaba sa huli niyang sinambit.

Napatitig nalang ako sa kanyang kamay na nakalahad pa din sa aking harap. Sasama na ba ako sakanya? Dapat bang sumama na ko sakanya?

What the hell, Stepahne?

Ng akmang aabutin ko ang kanyang kamay ay nagliwanag ang buong paligid at nagising na lamang ako at bumungad sa akin ang kisame ng aking kwarto.

"Are you okay, ate?" bungad ni Shaira sakin na hindi ko namalayang nandito pala siya. Wala sa sariling bumangon ako at niyakap siya.

Muntik ko na silang makalimutan lahat. Who the hell is Aiden?

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin