Chapter 21

16 2 0
                                    

SEAN'S POV

"If this about that one-night stand, forget it. Don't worry I will never be pregnant." putol niya sa katahimikan na namamagitan samin mula kanina.

"We broke up." seryosong sagot ko sakanya. Kaya napakunot siya ng noo at takang-taka sa sinabi ko.

"What? With who? It's that because of one night stand. Ganun ka katakot na baka nagbunga yun, I used pills okay? Napaimpulsive mo din no?" di makapaniwalang sambit niya sakin at umiiling pa.

"My girlfriend, Janella. I broke up to her, kasi I feel like I cheated on her." sagot ko sakanya.

Mahal na Mahal ko si Janella, she's everything to me. Pero ayoko dumating yung araw na masasaktan ko siya if ever magbunga man yung nangyari samin ni Scarlett.

"Yes, you really cheat on her, pero wala tayong relasyon. It was just a one-night stand lasing tayo parehas noon at wasted na wasted. Pero yes aware akong mali yun, pero alam mo sa ginawa mo lalo mo lang siya nasaktan.." umiiling na sambit niya, habang chinecheck ang mga books niya. 

Honestly, sobrang talino niya. All the boys here had a huge crush on her bukod kasi sa matalino na siya talented din. Kaso madalas siyang umuuwi ng Pilipinas dahil daw sa pasaway niyang kapatid. Pero I just see as friend, dahil si Jea talaga mahal ko.

"..and most specially, mas masasaktan siya pag sa iba niya pa malalaman yung ginawa mo. Babae din ako, Sean. Malakas ang mga kutob namin at payong kaibigan fix your relationship with her that because of this shit, be honest on her. If di mag-work, wag ka mahiya mag-ask sakin ng tulong ako kakausap sakanya. To clarify na it's all accident. Like duh, di kita type." seryosong sambit niya at medyo natawa ako sa huling sinabi niya.

"Well! Hindi rin kita type, Scarlett. So goods na tayo? Sorry ulit sa nangyari between us." sagot ko sakanya.

"Oo, at please lang tigilan mo kakapunta sa room namin. Napipikon na ko kakadikit nila ng pangalan ko sayo." natatawang sagot niya na may halong inis.

"For your information, Ms. Scarlett. Kanina lang ako pumunta sa room niyo kasi yun talaga purpose ko kaya bumalik ako dito sa States para ifix to." depensa ko sakanya kaya natawa nalang siya.

Isa ito sa factor kung bakit hindi ako nahila ng charm niya like other boys here in States, sobrang opposite ng attitudes namin at ayoko nung attitude niya. Ayoko din kasi ng masyadong kilala na girl, gusto ko kasi eh yung tulad ni Janella na sobrang simple lang.

I remember when I first met her, I met her through Steph dahil kaibigan ni Steph ang kapatid ni Jea na si Janelle.

I need to get her back, I should.

"So pwede na ba ko bumalik sa klase ko, Mr. Garcia?" sambit ni Scarlett kaya napabalik ako sa realidad dahil sa pag-iisip ko kay Janella.

"Oo naman, may klase na din kasi ako. So see you around?" sagot ko sakanya, kaya sabay kaming tumayo at sinukbit mga bag namin. Nakita ko pang dinampot niya ang frappe niya. 

Di ko talaga alam sa babaeng to, tuwing makikita ko siya laging may bitbit na frappe or iniinom. Bigla akong naawa sa magiging boyfriend neto eh, gastora kasi.

"Okay then, see you around. Balitaan mo ko ah, pag nagkabalikan na kayo kasi pag yan di mo naayos isusumpa ko di ka na magkaka-girlfriend ulit." nakangising sabi at pambabanta niya sakin. Simula ng mag-aral ako dito sa States at magtrabaho at the same time for extra money and experience na din ay si Scarlett ang isa sa mga nakilala ko at masasabi kong kaibigan ko.

Kaya kahit ako di matanggap na may ganung nangyari between us. At parehas namin pinagsisihan yun kinabukasan at halos isumpa niya pagkatao ko that day, while me is si Janella agad naisip ko. Di ko alam ang gagawin ko if she found about it.

"Napakasama ng ugali mo, wag ka sana magkaboyfriend." inis na sagot ko sakanya at tsaka nilayasan siya. Ayan paano ako magkakagusto diyan eh ganyan ugali nun, kaya malabo talaga yung ideya na magkakagusto ako sakanya.

Ng makalayo ako sa cafeteria ay naglakad na ko papuntang classroom. At ng maisip ko si Janella ay inisip ko kung paano ko sasabihin sakanya at ififix ang relationship sakanya.

At ang may kinatatakutan ko ay baka hindi na niya ko bigyan ng chance na magkabalikan kami.

STEPAHNE'S POV

Akala ko magiging normal ang araw ko pero mukhang nagkamali ako. Pagpasok ko ng room ay bumunga si Seah sakin at seryosong lumapit sakin at may binuhos na kung ano sakin.

"What the hell, Seah?" gulat na sigaw ko. Tinapunan lang naman niya ako ng tubig.

"Oh, sorry akala ko halaman eh." nakakalokong sagot niya sakin. "Galit ka ba? Then killed me, like how someone died because of you before." nakangising sambit niya at nagmake face pa at nagulat ko on how she shift her emotion from nakangisi to galit na mga mata at boses. Ramdam na ramdam ko ang galit niya na hindi ko alam kung saan galing.

"Bored ka ba, Seah? If yes, pwes wag ako ang pagtripan mo. Wala akong panahon sayo." inis na sambit ko sakanya habang pinupunasan ang sarili ko. Di pa masyado marami estudyante rito kaya wala masyadong nakikichismis at di kami ganun kaagaw eksena. Wala pa din dito sina Austin, Jems, Christian at Janelle at maging iba naming kaklase. Iilan lang kami dito, kaya ganyan kalakas loob ni Seah.

"Wag ka ngang umarte diyan na unbothered ka, tangina Stepahne remember it. Just f*ckin remember that day, di mo maalala then I will help you remember it.." galit na galit na sigaw niya sakin at nagulat ako ng hilain niya ako at akmang iuuntog sa wall. Kaya napasigaw ako. "..you bitch, mang-aagaw, malandi. You need to remember it, I want you blame yourself until you want to kill yourself." sigaw niya at pilit ko naman inaalis ang kamay niya sa buhok ko at malapit na kami sa wall. Madami pa siyang sinasabi at di ko maintindihan. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya at pinanggagalingan ng galit niya sakin. "..stay away from Austin, stay away from my twin. He deserve much better than you." sigaw niya pa muli at panay naman ako pagpipiglas, napapikit nalanga ko ng akmang iuuntog na niya ulo ko sa wall, sobrang lakas ni Seah at di ako makawala sakanya.

"Seah, enough!" sigaw ng isang pamilyar na boses dahilan para di matuloy ang pag-untog sakin sa wall at naramdaman ko ang paglapit ng tatlong tao sakin at hinila ako paalis sa pagkakahawak ni Seah sakin.

"Ano ba Seah? Kababalik mo lang then you're here sinasaktan mo kaibigan namin." rinig kong sigaw ni Janelle, di ako pwede magkamali siya to. Kaya napamulat ako at tsaka ko nakita si Austin na nasa pinto at matalim ang tingin kay Seah, at si Janelle na masamang-masama ang tingin kay Seah. Habang sina Jems at Christian ay inaayos ang buhok ko.

"Really, Austin? Really, ako kapatid mo pero iyang babaeng yan kinakampihan mo. Then I will f*ckin wait for the day na ikaw naman mamatay because of her. At tandaan mo, Dad will know this. At sisiguraduhin kong babalik ka sa kung saan ka man nanggaling." galit na galit na asik ni Seah kay Austin.

"Then do it, I don't even f*ckin care. Seah grow up, hindi ka na bata na pag hindi mo nakuha gusto mo eh magwawala ka at magagalit." inis na sigaw ni Austin sakanya. Kaya lalong nagpumuyos sa galit si Seah.

"Then, wait for the day that Dad kicked you out to go back to where you came from.." galit na sambit ni Seah sakanya at tsaka naglakad palabas ng pinto at tinulak pa si Austin na kasalukuyang nakatayo dun. Nung akala namin ay tuluyan na siyang nakaalis eh nagulat kami nung lumingon siyang muli at nasa akin ang tingin niya. "..hindi pa tayo tapos, Stepahne. Hinding-hindi kita titigilan hanggang nabubuhay at humihinga ka." salubong na kilay na sambit niya at tsaka tuluyang lumabas ng classroom.

Pagkaalis ni Seah ay lumapit na sakin si Austin pati si Janelle na halatang nagpipigil lang saktan si Seah kanina, knowing her kung wala lang kami sa school nasapak niya na si Seah.

"Pasensya ka na kay Seah, she's so childish." malungkot na sambit sakin ni Austin.

"It's fine." tanging sagot ko lang sakanya.

Pero ano bang nagawa ko sakanya para magalit siya ng ganto sakin? And who the hell she is talking about that died because of me, I don't remember anything na may nangyaring ganun sakin.

Argh, sumasakit lang ulo ko.


Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon