Chapter 4

38 20 0
                                    

STEPAHNE'S POV

After that day, sobrang laki ng pinagbago ni Kuya Sean.

Ginawa niyang busy ang sarili niya sa pagtulong sa business namin, palagi niya pa rin naman kaming hinahatid at sundo pero may kakaiba talaga sakanya, sa mga kilos niya.

By the way, siya si Kuya Sean Jon Garcia ang kuya ko. Taking medicine sa ibang bansa dahil ayun ang gusto nila Mommy para sakanya, maganda raw kasi na sa ibang bansa magtapos ng medicine si Kuya, Korea to be exact na lugar.Maaga akong nagising, ito ang kauna-unahang beses na maaga akong nagising na walang nanggising sakin. Pasalamat nalang din ako na di ko na napanigipan pa ang bangungot nung isang gabi.

Di pa rin kasi talaga siya mawala sa isip ko, at kahit anong pokus ko sa ibang bagay ay naalala ko ng naalala ang napakasamang panaginip na yun.

"Hi, Ate!" biglang sulpot ni Shaira sa gilid ko pinisil-pisil pa pisngi ko. "..bakit nakatitig ka sa mukha mo ate, maganda ka na naman ah." inosenteng tanong niya sa akin. At umupo sa lap ko, kasalukuyan na kasi akong nag-aayos ng mukha sa salamin, halos katatapos ko lang maligo.

"Nasaan sila Kuya, bat nandito ka?" tanong ko sakanya, at tsaka ko sinuklayan buhok niya na medyo magulo pa.

"Sabi ni Kuya, tawagin na daw kita. Kakain na raw po kasi tayo.." sagot ni Shaira sakin. "..ate alam niyo po ba kahapon, may nakita po akong lalaki na nakatingin mula sa malayo. Nakatingin siya sayo ate, at nakangiti siya." out of nowhere na kwento ni Shaira sakin, kaya natulala ako at napatitig nalang sakanya na busy sa pangingialam ng make up sets ko, dinudutdut lang naman niya.

"Lalaki? Saan mo siya banda nakita, wala naman kaming napansin ng Ate Ja mo." takang tanong ko sakanya.

"Nagtatago siya sa isa sa mga poste ate, pogi siya Ate. And he keep smiling to you!" nakangiting kwento pa ni Shaira.

"Kahapon mo lang ba siya nakita na nakatingin sakin?" tanong ko pa sakanya, kasi parang di ito ang unang beses na gawin niya yun.

I remember last week, first day nun. Maagang sinundo nila Mommy si Shaira kaya wala akong kasama maghintay sa park habang si Ja ay absent naman nun. Tapos sila Christian at Jems ay maagang umuwi.

Iniintay ko nung time na yun yung driver namin para sunduin ako, bilin di kasi nila Mommy na hintayin ko si Manong.

Mga bandang alas singko yun, grabe at sobrang creepy ng pakiramdam ko. Dahil pakiramdam ko may nakatingin at nakamasid sakin mula sa malayo, pero dahil ayokong takutin sarili ko di ko pinansin yun. Until may ilang mga estudyante ang dumaan kaya nawala na rin ang takot ko.

"Hindi ate eh, nung second day po natin. Nakita ko na po siya nun, he's smiling from afar, watching you." sagot ni Shaira sakin dahilan para matigilan ako at matakot para sa sarili ko.

Sino siya? Bakit niya ginagawa sakin to? Bakit ayaw niyang magpakilala nalang di naman ako snobber na tao, masungit lang talaga ako.

"Hey kids, why both of you took so long?" biglang sulpot ni Mommy, at nakapameywang siya sa pinto at nakatingin samin ni Shaira.

"Ah, nag-aayos pa po kasi ako. Shai, baba ka na and eat breakfast na ha!" sagot ko kay Mommy at sabi ko kay Shaira at inalalayan siya pababa sa lap ko.

"Sige Ate! Sunod ka na po ah." she said at ngumiti pa kay Mommy kaya tinanguan siya ni Mommy at tsaka siya nanakbo palabas ng kwarto ko. At ako naman ay sinukbit ko na ang bag ko at binulsa ang cellphone ko sa palda ko.

Akmang lalabas na ko ng pigilan ako ni Mommy.

"Steph, may alam ka ba sa nangyayari sa Kuya mo ngayon?" biglang tanong ni Mommy, kaya natigilan ako at napalingon sakanya.

At doon ko nakita ang pag-aalala sa mukha ni Mommy, halata mo talagang di niya malaman ang nangyayari kay Kuya.

"Yesterday, nagkita at nagka-usap sila ni Ate Jea pero di ko alam kung anong pinag-usapan nila. Pero base sa mga naging reaksyon nila after they talk mukhang di maganda ang nangyari.." kwento ko kay Mommy, kaya lalong bumakas ang pag-aalala sa mukha niya. Kaya tinapik ko siya at inakbayan. "..wag na po kayong mag-aalala, malalagpasan din po ni Kuya to. And ipagdasal nalang po natin na maayos nila ni Ate Jea kung ano man ang nangyari sakanila." nakangiting saad ko kay Mommy at tsaka tinanggal ang pagkakaakbay ko sakanya at tsaka ako pumunta sa harap niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Sana nga, Steph!" bulong ni Mommy sakin.

"Tara na po mommy, baka malate na po ako haha." natatawang sabi ko sakanya kaya natatawa ring si Mommy sumunod sakin palabas ng kwarto.

Pagdating sa sala ay saglit pa kaming kumain at tsaka nagpaalaman na para ihatid kami ni Kuya sa paaralan. May pupuntahan rin kasi si Kuya, it's about our business. May kikitain na client kasi si Kuya, pero di pa rin namin siya makausap ng maayos. Maliban kay Shaira, normal lang naman ang treat niya kay Shaira.

Pero samin nila Mommy, Daddy at sakin di niya kami iniimik.

Pagdating sa school, ay agad akong dumeretso sa classroom. At doon ko naabutan sila Christian at Jems na parang nagpapatahan ng sanggol.

Nakamukmok kasi si Janelle at mugtong-mugto ang mata niya.

Kaya agad akong lumapit sakanila. At tiningnan sila isa-isa.

"Anong nangyari diyan?" takang tanong ko sa dalawa, pero umiling lang sila at ininguso si Janelle na tulala at halatang paiyak pa rin.

Ganto nalang ba siya everyday, kundi sa kdrama ay ganto ang makikita namin sakanya jusq dai.

"Oy napapano ka?" sabi ko kay Janelle at tsaka umupo sa tabi niya, siyempre binaba ko muna bag ko. Alangan namang bitbit ko pa din, ano ako si author na nakaupo na lahat-lahat nakabag pa rin, de charot lang baka mawalan ako ng kwento.

Narinig naman ako ni Janelle at mugtong-mugto ang mata niya na lumingon sakin.

At niyakap ako at doon umiyak.

"Walang hiyang Josh yun, kakalipat lang niya may rumor girlfriend na agad siya. Paano na ko nito? Wah bakit ganun siya." pagrarant niya sakin habang umiiyak.

Kaya napatampal nalang ako sa noo ko, ng wala sa oras. Seryoso siya dun, ayun lang talaga iniiyakan niya? Like wth, ayun talaga wala ng iba.

Pero dahil kaibigan ko naman to kaya hinayaan ko na, mukhang nasaktan talaga eh.

"Sinabihan ka na kasi, ayaw mo kasing makinig." umiiling na bulong ko sakanya, kaya kumalas siya sa yakap niya sakin.

"Sana nga, nakinig nalang ako sayo." umiiyak na sabi niya sakin.

Pinayuhan namin siya ng pinayuhan hanggang sa isang di pamilyar na lalaki ang pumasok. Kasama si Seah?

Napansin ko namang napangiti si Janelle sa nakita niyang lalaki, mukhang nakahanap na ng bagong kababaliwan tong si Janelle.

Hanep talaga.

Pero teka sino yung kasama ni Seah? May transfer na naman?


Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now