Chapter 13

27 19 0
                                    

STEPAHNE'S POV

I still cannot believe na nangyari lahat ng yun kahapon, grabeng takot ang dinala sakin nun. Lahat kami ay walang ideya kung sino yun? Kung tao ba yun o hindi?

Sa sobrang dilim imposible kasi talagang makita namin yun.

Ngayon nasa biyahe na kami papuntang Nuvali at ako ay di mapakali. Dahil wala pa si Austin, nangako kasi siya na sasamahan niya ko at di niya ko iiwan.

Pero eto at wala pa siya!

"Oy, Steph! Bakit pinagpapawisan ka yata?" kulbit ni Ja sakin. By the way nagpahatid na kami kay Kuya buti nga pumayag eh, kahit na napakabusy niya sa work.

Hinahayaan na rin kasi siya nila Mommy dahil mas okay na may pinagkakaabalahan si Kuya kaysa magkulong sa kwarto dahil sa break-up nila ni Ate Jea. Babalik na rin naman siya sa States next month, first week nun aalis na siya.

"Di ko maiwasang matakot, dahil nasa panaginip ko to Ja. Makailang ulit!" kabadong sagot ko kay Janelle.

Buti nalang at sa backseat kami pumwesto ni Janelle kaya walang nakakapansin samin. At sa unahan naman namin sina Christian at Jems. Ang iba kasi naming kagrupo ay susunod nalang, at may ilan namang nandoon na.

Hinawakan ni Janelle ang kamay ko at ngumiti sakin.

"Kaya mo yan! Nandito lang kami. Di ka namin pababayaan.." nakangiting saad ni Janelle sakin kaya medyo napakalma ako. "..sige na matulog ka muna dahil matatagalan pa ata tayo kasi traffic." saad niya pa.

Ngumiti lang ako sakanya at sinunod ang sinabi niya na matulog nalang. Kaysa naman mag-inisip ako ng mag-inisip.

"Hihintayin kita, Steph!" malungkot na tono ng lalaki na nasa harap ko. Nanindig ang balahibo ko, malabo pa rin ang mukha niya pero ramdam na ramdam ko ang malungkot na boses niya..

"Pakiusap, tigilan mo na ko!" pakiusap sakanya.

"Hindi maaari, kailangan mo kong makilala. Ikaw ang susi sa aking katahimikan!" matigas na saad niya at ramdam ko ang galit niya "..pakiusap Steph! Palayain mo na ako." dagdag niya dahilan para maguluhan ako ng tuluyan.

Palayain? Bakit napasaakin ba siya? Ikinulong ko ba siya?

"Hindi kita kilala, pakiusap nagkamali ka lamang. Tigilan mo na ako!" mangiyak-ngiyak na pakiusap ko sakanya, at pilit tinalikuran siya at hinanap ang daan upang magising na ako. Alam kong nasa isa na naman akong panaginip!

"Stepahne, di mo na mababago ang nakatakda! At wala ka ng magagawa para iwasan pa ko." seryosong rinig kong saad niya.

Pero di ko siya nilingon, pero naramdaman ko na naman ang mabilis na kabog ng dibdib ko.

Hindi ko batid kung para saan ang kabog na ito, maaaring dahil sa takot o di kaya sa di mapaliwanag na rason.

Pero sa kabila ng kabang nararamdaman ko ay sinubukan kong maging matapang para malabanan siya..

"Tigilan mo na to! Tigilan mo na ako. Nababaliw ka na!" matigas na saad ko. At tsaka ako napapikit at tila nilamon ng liwanag..

Nagising ako sa tapik ng kung sino.

"Myghad, Steph! Anong nangyari sayo?" nag-aalalang bungad ni Kuya Sean sakin. At napansin ko rin ang nag-aalalang sila Christian, Jems at Janelle. At napansin ko rin na nakatigil na ang sasakyan, senyales na nasa Nuvali na kami.

"Kuya, gusto ko ng umuwi! Ayoko pumunta diyan, nandiyan siya Kuya! Kukunin niya ako." umiiyak na saad ko sakanya, kaya pinunasan niya ang luha ko.

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now