Chapter 18

19 3 0
                                    

STEPAHNE'S POV

Bumalik na ulit sa normal lahat, di na ulit siya nagpakita sakin na siyang kinahinga ko ng maluwag. Halos dalawang linggo na rin siyang di nagpaparamdam sa mga panaginip ko, kaya naging normal na ang pagtapos namin sa tree planting namin sa Nuvali.

Kaya di ko na rin gaanong inisip yun dahil di na naman kasi naulit yun nung makalabas ako ng hospital, parang biglang bumalik sa normal lahat as in lahat-lahat. At sa loob di ng ilang linggo ay naging malapit ako kay Austin dahil simula ng madischarge ako sa hospital ay di na siya nawala sa tabi ko. Hinding-hindi niya ko iniwan kahit kailan, kahit na wala akong ideya kung bakit napunta ako sa hospital? Dahil paggising ko di ko na maalala pa ang isang pangyayari sa isip ko na naging malabo at mahirap na alamin kung ano ito, kaya wala na kong nagawa kundi hayaan dahil wala talaga kong maalala.

"Steph!" biglang sulpot ni Austin sa tabi ko at tsaka inabutan ako ng milktea kaya nakangiti akong lumingon sakanya. Nasa bench kasi ako ng garden ng school, nagpaalam kasi ako sakanila na gusto ko muna tumambay sa garden. Habang sila ay nasa cafeteria kumakain.

"Oh, Austin? Saan galing yang milktea mo? Sarado gate ah." saad ko sakanya at kinuha yung milktea at agad na binanatan. Wala ng thank you, inom agad HAHAHA

"Ah eto, nagpacute ako kay manong guard para payagan ako lumabas kanina right after mo umalis sa cafeteria." paliwanag at sagot niya sa akin, kaya napakunot ako ng noo at tsaka natawa. Mautak talaga to!

"Buti umobra yang pagpapacute mo kay manong guard.." natatawang sabi ko sakanya kaya natawa rin siya. "..pero teka paano mo nalamang gusto ko ng milktea?" kunot noo na tanong ko sakanya.

Actually kasi kanina pa ko nagkecrave ng milktea di lang makalabas kasi bawal, kasi madami kasing lokong estudyante na nagcucut ng class pag maluwag ang security sa klase.

"Akin nalang yun, ang mahalaga may milktea ka na. At masaya ka na ulit, tingnan mo nakangiti ka na. Di tulad kanina parang pasan mo ang mundo sa haba ng nguso mo." natatawang sabi niya at kinurot ang pisngi ko kaya inis akong tiningnan siya at akmang hahampasin sana kaso nakaiwas, bilis makaramdam.

"Nandito ka lang ba para asarin na naman ako? Pero salamat sa milktea ah, sa uulitin HAHA." inis at nakangising sabi ko sakanya.

Kaya natatawa siyang umupo sa tabi ko at sumandal sa bench.

"May gusto sana akong sabihin sayo?" sabi niya dahilan para mapalingon ako sakanya. At mapakunot ng noo, ano na naman kayang kagaguhan sasabihin nito?

"Ano na naman yun? Pag yan kagaguhan lang may sapak ka sakin." inis at pagbabanta ko sakanya, at ang loko tinawanan lang ako.

"Hindi to kagaguhan pramis, makinig ka lang! At hayaan mong magsalita ako." ngiting-ngiti na saad niya sa akin, kaya lalong napakunot ako ng noo dahil di ko alam kung ano na namang kalokohan ang iniisip nito, at sisiguraduhin kong masasapak ko talaga siya pag kalokohan to.

"Sige nga! Ano yun? Makikinig ako." nakakunot noo na saad ko sakanya at humigop ng milktea.

"I know na sobrang ikli palang ng panahon na nagkasama tayo, at marami ka pang di alam sakin ganun din ako sayo. Pero di ko alam kung paanong nangyari, na unang beses palang kitang nakita ay sobra na kong naattract sayo. You're different from other girls, may mga katangian ka na di ko kailanman nakita sa kahit sinong babae.." sandali siyang tumigil at tsaka hinawi ang buhok ko sa bandang tenga at nilagyan ng bulaklak na di ko alam kung saan niya nakuha dahil wala namang sunflower dito sa garden ng school. "..Stepahne, alam kong di ka maniniwala agad sa mga sasabihin ko. Alam kong magugulat ka at magtataka sa mga sasabihin ko. Pero sa tingin ko panahon na para malaman mo na." sandali muli siyang tumigil at humugot ng malalim na hininga.

"Na ano?" naguguluhan ng tanong ko sakanya, dahil di ko pa rin makuha kung anong gusto niyang iparating pero masama ang kutob ko dito.

"Gusto ko lang malaman mo na gusto na kita, gustong-gusto na kita. No scratch that--mahal na kita Steph!" deretso-deretsong sabi niya dahilan para matulala ako at tuluyang mawindang.

Ano?

Paano nangyari yun? Ha?

Totoo ba tong naririnig ko? Si Austin na kinababaliwan ng mga kaklase at schoolmates ko ket kailan lang naman siya dumating sa campus namin.

Di ako nakapagsalita, natulala lang ako sakanya. Ni hindi ko na nga nainom ang milktea na hawak ko eh dahil di pa rin nagsisink-in sakin mga sinabi niya.

Paano kasi nangyari yun?

"Steph! Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin dahilan para matauhan ako.

"A-ah O-oo okay lang ako." nauutal n saad ko sakanya.

"Sure ka? I know na mabibigla ka, pero naisipan ko kasing oras na rin siguro para aminin ko sayo to dahil wala namang mawawala kung aamin ako. Steph, I know na nahihirapan ka pang tanggapin yung mga sinabi ko. Pero gusto kong malaman mo na gusto kitang ligawan yun ay kung papayag ka?" saad niya pa dahilan para mas lalo ako mawindang.

Okay lang ba siya? Di ko na siya maintindihan. Dahil sa bilis ng kalabog ng tibok ng puso ko daig pa ang nakikipagkarerahan na mga sasakyan sa kalsada.

"Ha?" tanging naisagot ko nalang

"Oy, Steph sigurado ka bang okay ka lang?" nag-aalala muling tanong niya sakin.

"O-oo naman. Ano nga ulit sinabi mo?" medyo nahihiya at kabadong tanong ko sakanya. Steph naman eh, gusto mo talagang inuulit eh, narinig mo na naman diba? Gusto niyang manligaw.

Ligaw daw gurl.

"Ang sabi ko gusto sana kitang ligawan kung papayag ka?" nakangiting saad niya sakin. Yung ngiti na tila masaya siya sa nagawa niya na masaya siya na umamin siya sa akin. Pero ako eto at daig pa sasali sa contest sa sobrang kaba.

"Ah sige lang, sino ba naman ako para tanggihan ka.." ayan nalang ang tanging nasabi ko at daliang ininom ang milktea at tumayo. Napansin ko naman na napangiti siya sa sagot ko. "..ah sige na Austin, magbabanyo pa pala ako. Kita nalang tayo mamaya." dagdag ko pa at hindi na hinayaang makapagbitaw pa siya ng salita at dali-daling umalis sa garden bitbit ang milktea.

Myghad!! Totoo ba lahat yun?


Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now