Chapter 19

15 3 0
                                    

CHRISTIAN'S POV

Ilang araw ko na iniisip si Elle, at ilang araw na din simula ng makalabas ng hospital with unknown reason, di pinaalam samin ng pamilya niya ang nangyari sakanya.

"Oy ang tahimik mo ata diyan?" kulbit sa akin ni Jems, oo magkasama kami nito. Lumabas kasi kami ng campus, buti nga pinayagan kami lumabas.

"Did you remember Elle? Yung pinsan ni Austin?" tanong ko sakanya, saglit siyang napatigil at napaisip hanggang sa..

"Oo naalala ko siya. Siya yung humalik sayo sa Arcade haha." natatawang sagot niya kaya inis akong inirapan siya.

"Ipaalala ba? Banatan kaya kita diyan." naasar na banta ko sakanya.

"Psh! Oh anong meron kay Elle?" biglang seryosong tanong niya.

"Di ko makalimutan yung kiss niya, nagiging lalake na ata ako. I saw something on her, na parang pamilyar siya sakin pero di ko maalala kung saan." kwento ko pa sakanya.

"Don't tell me, may gusto ka na kay Elle dahil sa kiss na yun?" gulat na konklusyon niya. Kaya napatango ako at ang gaga napatakip ng bibig.

"Di ako sure, pero isa lang ang alam ko ilang araw na siyang pumapasok sa utak ko." dagdag ko pa.

"Iba na yan girl, try mo kaya kausapin. Maganda rin kasi na marinig mo kasi baka may di ka pa nga alam sayo. Hindi ba sabi mo, binubugbog ka ng stepfather mo noon, at naaksidente ka at dinala sa ospital at that day di mo na daw maalala yung mga old memories mo. At kung sino mga huling nakilala mo." suhestiyon niya dahilan para mapaisip ako.

So ibig sabihin, parte si Elle ng alaalang nakalimutan ko. Parte siya pero bakit kailangan maisama siya sa mga taong nakalimutan. Dapat yung stepfather ko nalang pero bakit si Elle pa. Kaya din siguro naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon simula ng makita ko si Elle.

Dahil parte siya ng alaalang di na maibabalik ng dahil sa stepfather ko.

"Ewan ko Jems, gulong-gulo na ko." napapailing na saad ko sakanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkwekwentuhan ng biglang tumunog ang phone ko senyales na may tumatawag. At ng tingnan ko..

Steph Calling..

Bakit kaya tumatawag to? Napatingin sakin si Jems at mababasa mukha niya ang tanong sa kung sinong tumawag sa akin.

"Si Steph." sagot ko sakanya kahit di naman siya literal na nagtanong.

Dzuh beh saulado na namin isa't-isa. After ng incident with my stepdad noon nakilala ko sila nila Steph, at sila yung naging way para maging okay ako. At makamove forward at makasimula ng bago.

"Oh, Steph! Napatawag ka?" bungad na sagot ko sa tawag ni Steph.

"Si Austin wah.." sagot mula sa kabilang linya at halata ang pagiging hyper niya.

"Oh ano meron kay Austin?" nakakunot noo na tanong ko sakanya.

"Umamin na siya sakin, gusto daw niya ko ligawan." mahinang sagot niya at ramdam ko pa din ang pagkahype niya.

"Liligawan lang pala eh ano naman.." sagot ko at ng marealized ko yung sinabi ko ay natahimik ako. At napatili. "..ano liligawan ka na ni Austin? Paano kailan niya sinabi sayo?" di makapaniwalang saad ko.

"Ano? Liligawan na ni Austin si Steph." di makapaniwalang sabat ni Jems na kanina pa nakikinig sa amin.

Kung wala lang kami sa Ministop baka nagtitili na kami. Dzuh!! Halatang-halata kaya si Austin na type niya si Stepahne. Sino ba namang lalaki ang araw-araw na magdadala ng milktea sayo? Mahihiya ang milktea shop sayo nan.

Pero patay siya samin pag sinaktan niya kaibigan namin.

"Grabe bumalik na kayo dito, di ako mapakali di ko alam kung paano haharap sakanya jusq." sagot niya sakin mula sa kabilang linya.

"Teka nasaan ba si Janelle? Hindi mo ba kasama?" out of nowhere na tanong ko sakanya.

"Hindi eh, mukhang kasama niya si Josh. Alam niyo naman, lalo na ngayong bumalik na sa campus si Josh edi ayun talagang dun sasama yun." sagot naman ni Stepahne kaya napatango nalang ako.

"Oh siya pabalik na kami diyan, inuubos lang namin ni Jems kinakain namin." sabi ko sakanya. At nagpaalaman na kami at sabay na binaba ang tawag.

"Akalain mo yun, liligawan din pala ng Austin si Stepahne." natatawang saad ni Jems habang busy sa pag-ubos ng pagkain niya.

"Sobrang unexpected nga eh, matinik ang Austin na yun ah. Pero infairness bagay sila ni Steph." sabi ko kay Jems habang nagreretouch na. Kasi tapos na ko kumain eto nalang si Jems ang napakatagal matapos.

"Deserve naman sumaya ni Steph eh, sa dami ng nangyari sakanya eh. Like nung naospital siya. At mas okay na nandiyan si Austin lagi para sakanya, para kahit minsan wala tayo may Austin na magbabantay at mag-aalaga sa kaibigan natin." sabi naman ni Jems habang nililigpit na kinainan niya. Sa wakas natapos din ang gaga.

Maya-maya ay lumabas na kami ng Ministop. At kung sweswertehin ka nga naman lumabas mula sa kabilang stall si Janelle kasama si Josh. Yung stall is katabi lang ng Ministop.

"Woy Ja, nandiyan ka lang pala." tawag namin sakanya.

Kaya napalingon siya samin at agad ngumiti at kumaway samin.

"Woy nandiyan pala kayo, pabalik na rin ba kayo sa school?" salubong at lapit niya sa amin.

Ningitian naman namin si Josh, medyo di pa namin kilala si Josh bukod sa campus heartrob siya sa campus kaya di namin siya totally kilala personally.

"Oo pabalik na rin kami." sagot ni Jems sakanila. Habang ako ay na kay Josh nakatingin. Aba inaantay kong ipakilala siya samin ni Janelle.

"Btw guys, this is Josh my boyfriend. Sorry kung ngayon ko lang siya napakilala, alam niyo naman napakaraming nangyari nitong mga nakaraang araw at linggo." pagpapakilala ni Janelle kay Josh samin.

"Hi guys, kayo mga kaibigan ni Janelle right?" pagpapakilala ni Josh at tanong kaya napatango kami ni Jems at Christian sakanya.

At nagkamayan kami.

"Ay btw, Janelle si Steph tumawag hinihintay na niya tayo sa school. Dahil ang Austin, umamin na sa Steph natin." saad ni Jems kay Janelle kaya nagulat si Janelle.

"Wah totoo, ang daya naman ni Steph di agad nisabi sakin unfair." gulat na sabi niya at kunwareng nagtatampo dahil di nga nagsabi sakanya si Steph.

"Wag ka na magtampo diyan, maiisip pa ba sabihin sayo ni Steph kung natataranta na siya ngayon. Kaya tara na sa school haha." pagbabara ko sakanya at pagpapatigil sa muntikang pagtantrums niya.

Kaya natawa nalang si Josh ng mapanguso si Janelle.

"Wag ka na kasi magtampo, tama sila eh. Tara na balik na tayo sa campus, anong oras na din kasi." sabi ni Josh kay Janelle at yaya niya na din samin. Kaya napatango kami at tsaka kami naglakad pabalik ng campus. At medyo nagmamadali din kami dahil baka mabaliw na yun si Steph, sa kakaisip kung paano haharapin si Austin.

Buang talaga.

Date Me In Nuvali (Santa Rosa Series #1) Where stories live. Discover now