Chapter 33

4 1 0
                                    

Enchanted Forest

Habang nakaupo ako at pinapanuod silang naghahanda ay napatingin ako kay Vonia na ngayon ay nanghihina.

Sabi niya kanina ay gusto niyang sumama kaya hindi na kami umangal at pinayagan nalang siya.

Sabi niya eh. Kung gusto niyang mamatay ng maaga edi sige.

"*"Hoy Shikira! Hindi ka ba maghahanda?"*"Napatigil ako sa pagmumunimuni ng tanongin ako ni Cheonis.

"*"Tsk. No need na sakin yan"*"Sabi ko at ngumisi kaya napailing nalang siya at naglinis nalang ng espada niya.

"*"Dinig ko pa naman sa mga sabi sabi ay delikado ang Enchanted Forest"*"Sabi ni Cronix na ikangiwi ko at bagot na tumingin sakanya.

"*"May Enchanted bang delikado?"*"Nakangiwing sabi ko.

"*"Tama na yan. Kailangan pa nating hanapin ang Lancia bago lumipas ang ikatlong araw"*"Sabi ni Cheonis.

"*"Bakit kailangan niyo pa akong tulungan? Pwede niyo naman akong pabayaan na mamatay"*"Sabi ni Vonia.

"*"Kailangan mo pang mabuhay. Aanhin ang pagtulong ng mga Royals at sa kaibigan mong si Fevune kung mamatay ka din naman"*"Sabi ko kaya nakita ko siyang natigilan na ikailing ko at tumayo.

"*"Dalian niyo na diyan"*"Sabi ko at kinuha ang dalawang bag bago naunang lumabas.

Naramdaman ko na lumabas na din sila kaya tumingin ako kay Cheonis at tinanguan naman niya ako.

"*"Ahmm.. anong ibig sabihin ng tinginan niyo?"*"Tanong ni Cronix na ikatigil ko at bigla ko nalang naalala ang masakit sa tenga na sigaw niya pero huli na ako at nakagawa na ng portal si Cheonis.

"*"AHHHHHH!!"*"Napapikit nalang ako sa sigaw ni Cronix.

Sinasabi ko na nga ba.

Naramdaman kong babagsak na kaya hinanda ko na ang paa ko at nagawa ko namang makatayo ng maayos.

Napatingin ako kay Vonia na maayos din ang pagkakatayo pati na si Cheonis.

Napatingin ako kay Cronix na ngayon ay nakadapa na ikailing ko.

Nagsimula na akong maglakad at ganun din sila.

"*"Hintayin niyo naman ako"*"Dinig kong sabi ni Cronix pero walang pumansin sakanya at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Naramdaman ko siya sa gilid ko pero sa harap lang ang tingin ko.

Nilibot ko ang tingin ko at nangunot ang noo ko ng parang pamilyar ang lugar na ito sakin.

Kakaiba na puno. Lahat dito ay kakaiba na ikunot noo ko lalo.

Pero napahinto din ng may maalala ako. Dito ako napunta nong nawala ako.

Bakit kailangan ko pang bumalik sa gubat na to?

"*"Eto na ba talaga ang Enchanted Forest?"*"Tanong ko kay Cheonis at tumango naman siya bilang sagot.

"*"Saan makikita ang Lancia?"*"Tanong ko kay Cronix.

"*"Kailangan nating makita ang malaking puno"*"Sabi niya kaya binatukan ko siya.

"*"Tingnan mo nga ang mga puno dito. Wala namang mas malaki dahil pantay pantay lang naman lahat"*"Sabi ko ng siya naman ang nambatok sakin.

"*"Pinakamalaking puno! Naiintindihan mo! Hahanapin ang pinakamalaking puno! Ibig sabihin may mas malaking puno pa kesa sa mga punong ito"*"Sabi niya na ikangiwi ko.

Napahiya ako ah. Pero kunti lang naman.

Napahinto kami sa paglalakad ng may bakal na malaking ewan ang bigla nalang humarang samin.

"*"Golem..."*"Napatingin ako kay Cronix ng magsalita siya.

"*"Golem?"*"Tanong ko.

"*"Sila ang mga gwardiya sa Enchanted Forest"*"Sabi niya kaya tiningnan ko siya.

"*"Bakit ang dami mong alam?"*"Tanong ko kaya napatingin siya sakin.

"*"Wala lang"*"Sabi niya kaya napatingin ako sa mga Golem daw na sinasabi niya.

Sabay na napaatras kami ng sabay sabay na nagsilapitan ang mga Golem...

Daw.

Pumunta sa harap namin si Cheonis at ganon din si Cronix.

"*"Hindi kami pumunta dito para makipag-away o makipaglaban. Nangangailangan ng Lancia ang isa naming kaibigan na si Vonia. Kapag hindi namin siya nagamot agad ay baka tuluyan na siyang mamatay. May tatlong araw kaming natitira at dalawa nalang ngayon dahil nasayang ang isang araw kahapon. Pwede po ba kaming maglakbay dito sa loob ng Enchanted Forest? Pangako. Hindi namin gagambalain ang mga nandito. Ang dahon na Lancia lamang ang pakay namin. At hindi kami mga masasamang Oat"*"Mahabang Sabi ni Cronix pero nagulat ako ng tumango ang mga Golem at gumilid.

Grabe... Idol ko na talaga si Cronix.

Nang tuluyan na naming nalagpasan ang mga Golem ay agad na tumabi ako kay Cronix at inakbayan siya.

"*"Paano mo napapayag ang mga Golem na yon?"*"Tanong ko.

"*"Kailangan dapat magpaliwanag ka ng mahaba para payagan ka nila. Kapag sasabihin mo lang na 'papasok kami' o di kaya ay 'kailangan namin ng Lancia' ay aatakihin ka nila bigla bigla"*"Sabi niya na ikatango tango ko.

Ang dami talaga niyang alam.

Kumalas na ako sa pagkaka akbay sakanya at tumabi kay Vonia.

"*"Ayos ka lang?"*"Tanong ko ng mapansin kong unti unti na siyang namumutla.

Tumango naman siya bilang sagot at huminga ng malalim.

"*"Mas mabuting bukas nalang muna natin hanapin ang Lancia. Kailangan magpahinga ni Vonia"*"Sabi ko kaya tumango sila.

Pumunta kami sa malapit na puno at umopo doon.

Kinuha ko ang isang bag na dala ko at ginawa kong pang-unan para kay Vonia.

Kinuha ko ang kumot sa isang bag at binigay ko kay Vonia.

"*"Isang araw nalang ang natitira pagpinagbukas natin ang paglalakbay"*"Sabi ni Cheonis na ikatango ko.

"*"Pero namumutla na siya. Kailangan niyang magpahinga"*"Sabi ko kaya napatingin siya kay Vonia at napailing nalang.

"*"Hahanapin ko ang Lancia at babalik ako dito kapag nahanap ko na"*"Sabay na napatingin kami kay Cronix ng magsalita siya

"*"Baka mapahamak ka"*"Sabi ko.

"*"Wag kayong mag-alala. Babalik ako"*"Sabi niya at tumayo bago umalis.

"*"Hahayaan lang ba natin siya?"*"Tanong ko kay Cheonis at nakita ko siyang tumango.

"*"Magtiwala nalang tayo sakanya"*"

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now