Chapter 32

5 1 0
                                    

Shikira POV.

Habang kumakain ako ay napansin kong patingin tingin sila sa babaeng may violet na buhok kaya pinagbabatukan ko sila.

"*"May plano ba kayong gahasahin yan?"*"Nagdududang tanong ko sakanila na ikatigil nila at sabay na sinamaan ako ng tingin.

"*"Iba lang ang pakiramdam ko sa babaeng yan"*"Sabi ni Cheonis naikangisi ko.

"*"May gusto ka ba sakanya?"*"Tanong ko kaya sinamaan niya ulit ako ng tingin.

"*"Diba kanina may tumulong dugo sa ilong niya? Iba ang kulay nong tumagal"*"Sabi niya na ikatango ko.

"*"Kulay itim ba yon?"*"Patanong na sabi ni Cronix.

"*"Isa siyang-"*"Sabi ni Cheonis na ikatigil ko.

Nabaling ang tingin namin sa babae ng bigla siyang nagsalita.

"*"Nasan ako?"*"Tanong niya habang nakatingin sa taas.

Dahan dahan siyang umopo kaya nakatalikod na siya samin.

Nanunuod lang kami sa sunod niyang gagawin.

Tumingin siya sa deriksyon namin at kumunot noo.

"*"S-sino kayo?"*"Tanong niya.

"*"Hi! Ako si Cronix! At eto naman si Cheonis. Siya naman si Shikira"**Pakilala niya.

"*"Paano ako napadpad dito?"*"Tanong niya kaya napatingin kami ni Cronix kay Cheonis.

"*"Ah.. Eto kase yon"*"

"*"Hoy! May alam ka bang pwede nating puntahan?"*"Tanong ko kay Cheonis habang nakahiga siya.

"*"Wala"*"Sagot niya.

"*"Kailan tayo pupunta sa Academy?"*"Tanong ni Cronix na ngayon ay kumakain.

Tumayo ako at nagkibit balikat.

"*"Punta na kaya tayo ngayon? Nakakabagot naman kasi dito"*"Sabi ni Cronix.

"*"Alam mo Cronix? Kung magsalita ka diyan eh parang matagal na tayong magkakilalang tatlo. Tandaan mo Cronix nakikisama ka lang samin"*"Sabi ko sabay baling kay Cheonis.

"*"Ngayon nalang tayo pumunta"*"Sabi ko.

"*"Alam mo Shikira? Kung magsalita ka diyan eh parang matagal na tayong magkakilalang tatlo. Tandaan mo Shikira. Mag handa na kayo. Aalis na kayo ngayon"*"Sabi ni Cheonis na ikangiwi ko.

"*"Anong kami? Sama ka!"*"Sabi ko pero nginisihan niya lang ako kasabay ng pagtapat niya sa palad niya saming dalawa pero nagtaka siya na may pumormang itim na bilog sa itaas niya kasunod non ay pagkahulog ng may violet na buhok.

"*"Paano? Kaya mong gumawa ng portal?"*"Tanong ng may violet na buhok. Tumango naman si Cheonis bilang sagot.

"*"Para kang si Eonis"*"Dugtong niya kaya nabilaokan ako at mabilis na uminom ng tubig.

"*"Ano palang pangalan mo?"*"Tanong ni Cronix.

"*"Ako si Vonia Chime. Galing ako sa Royal Charm Academy"*"Sabi niya kaya mabilis na napatingin ako sakanya.

Baka kilala niya si Fevune.

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Cheonis.

"*"Tumakas ka ba o may misyon na binigay sayo?"*"Tanong niya.

"*"Tumakas ako"*"Sabi niya at yumuko.

"*"Bakit?"*"Tanong ni Cronix.

"*"Hindi ko sinasadya na patayin ang tatlong estudyante. Nadala lang ako ng galit nong araw na yon"*"Sabi niya.

"*"Pumatay ka?"*"Gulat na tanong ni Cronix na ikangiwi ko.

Paulit ulit?

"*"Hindi ko sinasadya"*"Sabi niya.

"*"Paano ka nakatakas? Mahigpit ang Academy na yon"*"Sabi ni Cheonis.

"*"Tinulungan ako ng mga Royals na makatakas. Hindi ko alam kung bakit. Imbes na hulihin nila ako ay sumaludo, kumaway, umirap at tumango lang sila sakin"*"Sabi niya na ikangiwi ko.

Anong klaseng Royals yon?

"*"May tumulong din sakin. Kaibigan ko siya at kahit na galit siya sakin ay pinili niya pa din na tulungan ako kesa makuha ako ng mga Grove"*"Sabi niya.

"*"Sino?"*"Tanong ko.

"*"Si Fevune..."*"Sabi niya.

Fevune? Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Cronix.

"*"Kaibigan mo? Atsaka anong sumunod na nangyari?"*"Tanong niya.

Sige. Kayo nalang ang mag-usap. Statue lang ako dito.

"*"Nasobrahan ako ng gawa ng clone kaya nanghina ako. Paglabas ko ng Academy ay may tumulong dugo sa ilong ko at nawalan na ako ng Malay"*"Sabi niya.

"*"Isusumbong niyo ba ako sa mga Grove?"*"Tanong niya.

"*"Hindi no. Alam naming hindi mo sinasadya ang pagpatay sa tatlong estudyante. Kahit na hindi namin nakita ang pangyayari. Atsaka pwede kang tumuloy dito. Kami lang namang tatlo ang nakatira dito"*"Sabi ni Cheonis.

"*"Maraming salamat"*"Sabi niya ng bigla siyang napahawak sa noo niya.

"*"Ayos ka lang?"*"Tanong ko.

"*"Masakit ang ulo ko at nanghihina ako. Posibleng mamatay ako kapag nagpatuloy to"*"Sabi niya.

Mamatay?

Napatayo ako ng makita ko siyang humiga at pumikit.

"*"Natutulog pa yan. Pag-umabot ng tatlong araw at hindi pa din siya nagagamot baka tuluyan na siyang mamaalam"*"Sabi ni Cronix kaya napaisip ako.

"*"Hindi pwedeng mamatay siya. Kaibigan niya si Fevune at siguradong malulungkot si Fevune kapag namatay siya"*"Sabi ko kaya napatingin sila sakin.

"*"Kilala mo si Fevune?"*"Tanong ni Cronix kaya mabilis na umiling ako.

Hindi pwedeng malaman nilang kilala ko si Fevune.

"*"Cronix. Diba kaya mong gumamot?"*"Tanong ko.

"*"Hindi ko pa kayang kontrolin ito. Baka ako naman ang mapapalit sa pwesto niya kapag ginamot ko siya"*"Sagot niya.

"*"May iba pa bang paraan para magamot pa siya?"*"Tanong ko.

"*"Lancia"*"Sabi ni Cronix na ikakunot noo ko.

"*"Ang Lancia lang ang nakakagamot ng ganyang kalagayan"*"Dugtong niya.

"*"Saan yan matatagpuan?"*"Tanong ko.

"*"Sa Enchanted Forest"*"

ZANYIER WORLDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang