Chapter 19

9 1 0
                                    

Pagmulat ko palang ay bumungad saakin ang puting kisame kasunod non ang mukha ni Vonia na ikapikit ko.

"*"Maganda naman ako ah? May papikit pikit ka pang nalalaman diyan"*"Sabi niya kaya nagmulat ako at sinamaan siya ng tingin.

Dahan dahan akong umopo at inalalayan niya naman ako.

"*"Nasaan ako?"*"Tanong ko.

"*"Nasa clinic ka"*"Sabi niya na ikagulat ko at nilibot ang paningin ko.

"*"B-bakit ako nandito?"*"Tanong ko.

"*"Hindi mo alam?"*"Tanong niya.

"*"Magtatanong ba ako kung alam ko?"*"Sabi ko.

"*"Oo na. Hmmm.. Nagwala ang kapangyarihan m-"*"Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ang bibig niya.

Naaalala ko na! Ayos lang ba siya?

"*"S-si Prince Fire? Napano siya? Anong nangyari sakanya? May nangyari ba? Nagkasugat ba siya? Ayos lang ba siya? Ayos lang siya? Saang clinic siya napunta?"*"Sunod sunod kong tanong at aktong tatayo ng pigilan niya ako.

"*"Kung makapagtanong ka... Sabihin mo nga sakin. May gusto ka na ba kay Prince Fire?"*"Mapanuring tanong niya na ikatigil ko pero kalaunan din ay sinamaan siya ng tingin.

"*"Baka nakakalimutan mo na dahil sakin muntik na siyang mapahamak"*"Sabi ko na ikatango tango niya.

"*"Tsk. Magpasalamat ka sakanya kapag nagkita kayo Fevune!"*"Sabi niya kaya tumango ako.

"*"Nasan pala siya?"*"Tanong ko at nakita ko siyang natigilan pero kalaunan din ay ngumiti pero halatang pilit.

"*"Hindi ko alam. Malay ko ba"*"Sabi niya kaya tumango nalang ako.

Tiningnan ko ang sarili ko at nakita kong mga gasgas lang ang natamo ko na ikakunot noo ko.

Inalala ko ang lahat na nangyari.

Napatingin ako sakanya at sasabihin na sana sakanya na may kidlat na papunta sa deriksyon namin ng hilahin niya ako pababa kasunod non ang malakas na pagsabog at mahigpit na yakap niya.

Mabilis na napatingin ako kay Vonia na ngayon ay kumakain.

"*"Sabihin mo nga sakin ang totoo. Muntik lang ba na napahamak si Prince Fire o napahamak na talaga siya?"*"Tanong ko na ikatigil niya sa pagkain.

"*"Muntik-"*"Pinutol ko siya.

"*"Nagsisinungaling ka"*"Sabi ko.

Nakita kong napabuntong hininga siya at tumingin sakin.

"*"Nasa Dorm ng royals siya ngayon. Nagpapahinga. Malaking impact ang nakuha niya kesa sayo. Nakarinig nalang kasi kami ng malakas na pagsabog. Kaya pumunta kami don. Nakita kitang karga karga niya at paglapagpas niya samin nakita namin ang malaking sugat sa likod niya"*"

"*"Oo. Dalawang araw ka ng nanatili sa clinic"*"

"*"Wag kang mag-alala. Ayos lang naman daw siya"*"

ZANYIER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon