Chapter 10

12 1 0
                                    

Real Beginning

Kinusot ko muna ang mata ko bago ko dahan dahan na minulat.

Bumungad sakin ang kisame ko.

Iniling ko muna ang ulo ko bago ako umopo at ininat ang kamay ko.

Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman kong may mainit na likido at nalaman kong umiiyak ako.

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?

May sakit ba ako?

Tumayo nalang ako at naligo bago ako naghanap ng damit at napatigil ang tingin ko sa kabinet.

Linapitan ko ito at nakita ko ang mga damit ko.

Kumuha ako ng masusuot bago ko sinuot iyon.

Humihikab na lumabas ako ng kwarto at aktong didiretso ng kusina ng makakita ako ng mga pagkain sa mesa.

Linapitan ko yon at Isang isang kinuha ang takip.

Sino kaya ang nagluto nito? Sa pagkakaalam ko ay ako lamang ang nandito sa bahay.

At dahil gutom ako ay mabilis na umopo ako at aktong kakain ng napatigil ako dahil may kutsara at tinidor. May bagong plato din na mas lalong ikataka ko.

Teka lang... Bumili ba ako ng mga yan?

Napahawak nalang ako sa sikmura ko ng kumalam ito.

Mamaya ko nalang iisipin ang misteryoso nagluto at ang mga bagong plato at mga kutsara at tinidor.

Kain lang ako ng kain ng nahinto ang tingin ko sa ilalim ng mesa.

May parang puting bagay ang nakita ko at dahil nacu- curious ako ay kinuha ko yon at nalaman kong papel pala.

Dahil sa pagtataka ay binuksan ko ito at binasa.

'Shikira

Naging masaya kami habang kasama ka at natutunan namin ang mga bagay bagay. Naging best friend din tayo at naranasan namin ang pagiging masaya kahit sandali Lang tayong nagkakilala at nagkasama. Mag-iingat ka palagi at alagaan mo din ang sarili mo.

Mahal na Mahal ka namin.

Goodbye Shikira'

Huh? Best friend? May kaibigan ako? Bakit wala akong maalala.

Nabitawan ko nalang ng biglang may maliit na apoy ang sumulpot sa taas ng papel hanggang sa kumalat at tinangay ng hangin ang abo.

Saan naman galing ang apoy? Ano yon? Magic?

At kasama? Anong kasama? Mag-isa lang ako.

May pumasok ba sa bahay at pinagtitripan ako ng sulat na to?

Kung may kasama ako at kaibigan bakit hindi ko maalala? Ano yon? Naaksidente ako tapos nagka amnesia?

Tsk. Baka may nanloloko lang sakin.

Nagsimula nalang ulit akong kumain.

ZANYIER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon