Chapter 30

5 1 0
                                    

Takas

Ngayon ay nag-iimpake na ako ng mga gamit ko.

Hindi pwede...

Hindi ko naman talagang sinasadya na patayin sila.

Atsaka iba ang pakiramdam ko sa tatlong yon. Nagwawala lang ang ability ko kapag masamang Oat ang kaharap ko.

Sinabi ko naman sakanila na hindi ko sinasadya pero bakit ikukulong nila ako at ibibigay sa mga Grove?

Mabuti talaga at nakagawa agad ako ng clone na kamukha ko.

Napatigil ako at nag-isip.

May naiwan pa ba ako?

Napatigil ako at may naalala.

Oo nga pala! Hindi pa ako nakadala ng pagkain.

Pumunta ako ng kusina at kinuha ang lahat ng mga pagkain na nandoon at pinasok sa bag bago ako pumunta ulit sa sala.

Kinuha ko ang sofa at dinikit sa pinto para hindi nila mabuksan.

Sinuot ko na ang bag bago ako lumapit sa bintana.

Napatigil ako sa aktong pagtalon dahil nakarinig ako ng mga kalabog sa labas ng dorm ko.

Nalaman na nilang clone lang yon!

Mabilis na lumabas ako at dahan dahang bumaba hanggang sa naramdaman ko na ang lupa kaya tuluyan na akong nakababa.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang Royals sa mga puno habang pinaglalaruan ang mga kawal at Hence.

Anong ginagawa nila? Diba dapat hulihin nila ako.

Napatingin saakin si Princess Earth at kumaway bago ulit niya tinuon ang atensyon niya sa dalawang kawal na ngayon ay hinahabol ng mga bubuyog.

Napatingin naman sakin si Prince Water at sumalodo bago siya gumawa ng taong tubig.

Hindi man lang ba nila ako huhulihin? Nakita na nila ako! Posibleng huli na ako ngayon pero bakit sumalodo at kumaway pa sila?

Napatingin sa deriksyon ko si Princess Air pero inirapan nila lang ako.

Si Prince Fire naman ay tumango lang sakin.

Naguguluhan na ako! Bakit ayaw nila akong hulihin?

Hindi naman sa gusto kong mahuli pero nakakapagtaka lang talaga! Royals sila tapos tinutulungan nila ako.

Hindi ko nalang sila pinansin at tumakbo sa abot ng makakaya ko at napahinto nalang dahil nakita ko ang mga kawal sa di kalayuan ng may biglang humila sakin papunta sa tagong lugar.

Magsasalita na sana ako ng takpan niya ang bibig ko.

"*"Sh.. ako to. Si Fevune. Wag kang maingay Vonia. Dinedestorbo na nila Prince Fire ang mga Hence at kawal"*"Dinig ko na ikagulat ko.

Bakit siya nandito? At bakit tinutulungan nila ako?

"*"Mamaya. Tatakbo ka palabas dito. Nalaman ko na wala ng ibang daanan palabas at tanging gate lang"*"Sabi niya at dahan dahang inalis ang kamay niya sa bibig ko.

"*"Bakit tinutulungan niyo ako?"*"Tanong ko.

"*"Alam namin na hindi mo sinasadya yon"*"Sabi niya.

"*"Fevune... Diba galit ka sakin? Eto kamay ko. Hulihin mo na ako. Diba galit ka?"*"Sabi ko at inilapit sakanya ang dalawang kamay ko pero binaba lang niya yon at ngumiti sakin.

"*"Kaibigan kita kahit na sinabi mo ang bagay na yon sakin. Pasensya na sa nasabi ko sayo kanina. Hindi ko sinasadya yon pero ang importante ngayon ay makatakas ka"*"Sabi niya kaya saglit na napatitig ako sakanya at kalaunan ay tumango at hindi na nagsalita.

Ilang minuto kaming naghintay bago kami lumabas sa pinagtataguan namin.

Tumakbo kami papuntang gate pero napahinto din ng may mga nakacloak ang bigla bigla nalang sumulpot sa harap namin.

Hinawakan ko ang kamay ni Fevune bago ako gumawa ng napakaraming clone na kamukha namin kasabay ng panghihina ko.

Nagsimula ng sumakit ang ulo ko at napansin ko nalang na hila hila ako ni Fevune habang sabay kaming tumatakbo hanggang sa nakarating na nga kami sa gate.

Bago ako umalis ay yinakap ko siya ng mahigpit at ganon din siya.

Ayaw ko na sanang kumalas ng siya na ang unang kumalas.

"*"Mag-iingat ka Vonia"*"

"*"Mag-iingat ka din Fevune"*"

Huling sabi ko bago ako tuluyang umalis doon pero bago ako tuluyang makaalis ay tumingin muna ako sakanya na ngayon ay nakatingin lang sakin.

Tumakbo na ako dahil na din malapit ng gumabi.

May nadadaanan din akong mga Oat na may hawak hawak na litrato ko.

Wanted ako.

Yong ibang Oat ay patingin tingin sakin pero tatakbo nalang bigla naikailing ko at mas binilisan ang pagtakbo ko.

Sana walang mangyaring masama kay Fevune dahil sa ginawa niya.

Napansin kong parang may tumutulo sa ilong ko kaya hinawakan ko ito at nalaman kong dugo.

Please... Wag muna ngayon. Kailangan ko pang makatakas.

Pero huli na dahil nilamon na ako ng kadiliman.

ZANYIER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon