Chapter 39

3 0 0
                                    

Pagsubok 5

***
Earth pov.

Agad na tumingin ako kay Air at tumango sakanya bago siya tumango pabalik at lumipad gamit ang hangin.

Nang nasa itaas na siya ay pumunta siya sa isang sanga at tumayo doon sabay tingin saakin.

Tiningnan ko kung nasan ang pinakamalapit na Lancia bago tumingin sakanya at pumikit sabay hinga ng malalim at nagmulat kasabay ng paggawa ko ng hagdan na sanga papunta sa pinakamalapit na Lancia na nagawa ko naman.

Napatingin ako kina Fevune na ngayon ay nanunuod lang samin.

Nakatingin lang sila sa itaas at hinihintay ang susunod na mangyari maliban sa isang may takip na mukha.

Siya ba yong Kira?

Nakasandal lang siya at nakapikit na ikailing ko at binigyan nalang ng atensyon ang hagdan na ginawa ko.

Dahan dahan ang galaw ni Air dahil alam niya ang posible na mangyari kapag nagkamali siya ng apak.

Malapit na siya sa isang dahon na malaking malaki bago siya dahan dahan na kinuha ito.

Pero dahil nga may pagkainipin si Air at ayaw niya sa lahat ay yong pinapatagal pa.

Bigla nalang niyang hinila ito kasabay ng paggalaw nanaman ng kinatatayuan namin.

Lagot...

Bakit ko ba ngayon ko pa naalala na mainipin pala itong si Air?

Napatingin ako kay Air na ngayon ay nakakapit sa sanga at pilit na inaangat ang sarili.

Nawala na pala ang hagdan na ginawa ko.

Tsk. Yan kase.

Huminga ako ng malalim at muling gumawa ng sanga na pwede niyang matayuan na nagawa ko naman at nakita kong dahan dahan siyang tumuwid ng tayo doon.

Napansin kong unti unting hinihigop ng puno ang gawa ko kaya mabilis na ginawan ko pa ng sanga pero pilit pa din na hinihigop ito.

Napatingin ako kay Air na ngayon ay nakatingin lang sakin habang nakataas ang kilay.

Kahit kailan talaga di pa din nawawala ang pagiging mataray mo.

Napapikit ako at mabilis naman ding nagmulat.

Naghihina na ako dahil may limit ang kapangyarihan ko.

"*"Ayos ka lang ba? Bakit ka namumutla?"*"Napatingin ako kay Water ng tanungin niya ako at ng pagtugma palang ng mga mata namin ay alam na niya agad kung bakit ako nagkakaganito.

Mabilis na napatingin siya sa itaas at nakita niya si Air na ngayon ay pilit na naghahanap ng sangang matatapakan niya.

May limit din kase ang sakanya.

Ang maze na ito ay hindi ordinaryo at alam kong sa pagtongtong palang ni Air sa itaas ay bawal na niyang gamitin ang kapangyarihan niya.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now