Chapter 40

5 0 0
                                    

Paggamot

Mabilis na tumakbo papunta samin si Water.

"*"Tubig?"*"Tanong niya kaya nilahad ko sakanya ang hawak hawak kong parang kaldero.

Sobrang laki.

Agad naman niyang nilagyan ng tubig yon bago siya umalis.

"*"Tama bang makialam tayo sakanila?"*"Tanong ko.

Kase naman. Naglalaban sila tapos tatawagin lang namin sila.

"*"Emportante ang buhay ni Earth para sakanila. Kung anong kailangan ibibigay nila para lang di na manganib ang buhay ni Earth*"Sabi ni Fevune sabay lapag ng mga sanga.

"*"San mo nakuha yan?"*"Tanong ko.

"*"Ah.. Nakuha ko to don. Sanga kase to na nasira kanina ni Air"*"Sabi niya kaya napailing nalang ako at kinuha ang mga sangang nilapag niya at pinorma eto sa dapat na porma nito.

Nilagay ko sa taas nito ang parang kalder-

"*"Paano ka nagkaroon ng kardel? Ang laki niyan"*"Sabi niya.

Kardel pala tawag dito?

"*"Ahm... Fevune. Kailangan natin ng apoy"*"Sabi ko na ikatigil niya at ilang sigundo na tiningnan ako bago nagsalita.

"*"Apoy?"*"Tanong niya kaya tumango ako na ikalunok niya at napatingin nalang kay Fire.

"Ang hirap pa naman niyang kausapin ngayon. Lalo na at nasa panganib ang buhay ni Earth"

Dinig kong mahinang sabi niya.

Napatigil ako sa panunuod kay Fevune na ngayon ay palakad lakad at malalim ang iniisip ng bigla nalang umapoy ang mga sanga.

Napatingin ako kay Fire pero tumango lang siya at muling makipaglaban.

"*"Ay alam ko-"*"Mabilis na pinutol ko si Fevune.

"*"Shh... May apoy na"*"Sabi ko na ikatingin niya don.

"*"Paano?"*"Tanong niya.

"*"Kulang nalang ay mga sangkap"*"Sabi ko na at napatingin kina Vonia na malapit ng mag-agaw buhay.

Sobrang putla na ni Earth at alam kong ganon din si Vonia.

"*"Saan tayo kukuha ng laway ng uso?"*"Tanong ni Fevune kay napaisip ako at napatingin sakanila.

Bigla nalang tumalsik samin si Air na mabilis naman na tinulungan ni Fevune at pinaupo.

Madaming pasa ang nasa mga katawan niya.

"*"Ayos ka lang?"*"Tanong ni Fevune na ikahinga ko ng malalim.

"*"Mukha ba akong ayos? Kung ihagis kaya kita tapos tanungin kitang ayos ka lang"*"Mataray na sabi ni Air sabay bawi niya ng kamay niya at pinagpagan ang sarili.

"*"Oh? Ano na ang nangyari dito?"*"Tanong niya.

"*"Kailangan pa namin ng laway ng uso at isang pirasong balahibo ng pin-"*"Sabi ni Fevune na ikatigil ni Air.

ZANYIER WORLDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ