Chapter 28

5 1 0
                                    

Cheonis Hosic

Sabay na bumagsak kami pero maayos ang pagkakabagsak ko dahil na kaya ko pang itukod ang isang tuhod ko para hindi ako tuluyang madapa.

Nakita ko siyang madumi ang suot pero nabaling ang tingin ko sa harap at nakita ang mga nakacloak na nilalabanan ang isang lalaking kaedad lang namin.

Bigla nalang naglaho ang lalaki na kaedad namin at sumulpot sa anino ng isang nakacloak at walang awang pinugutan ng ulo kaya mabilis na tinakpan ko ang mata ni Cronix at mabuti nalang talaga at hindi niya nakita ang nakakadiring pangyayari na yon.

"*"Shikira? Anong meron?"*"Tanong niya kaya nabaling saamin ang atensyon nilang lahat na ikangiwi ko.

Pahamak ka talaga Cronix. Lintik na. Bakit ka ba kasi pinaglihi ng palatanong.

Aktong susugudin kami ng ibang nakacloak ng may lalaking nakacloak na kaedad lang din namin ang sumulpot sa harap.

Sobrang bilis ng galaw niya at nakita ko nalang na wala na ang mga nakacloak at isa isang nagiging abo nalang ito.

Napatingin ako sa lalaking nakacloak at magsasalita na sana ako ng maglaho na siya.

Lumapit saamin ang isang lalaki kaya binawi ko na ang kamay ko at tumayo.

"*"Paano kayo napadpad dito?"*"Tanong niya at napatigil ako ng makilala ko siya.

Siya yong lalaking kakalaban na sana kay Fevune.

At siya din ang...

Paano napunta ang lokong to dito.

"*"May sumolpot na itim na bilog sa kinatatayuan namin don sa Bayan ng Ganpon"*"Sabi ni Cronix at nakita kong napangiwi ang lalaki.

"*"Pasensya na kayo. Ako pala si Cheonis Hosic. Kayo?"*"Sabi niya.

"*"Ako si Cronix Crox at siya naman si Shikira Osmeña"*"Pakilala niya.

"*"Kinagagalak ko kayong makilala. Sumunod kayo saakin"*"Sabi niya at naunang maglakad.

Napatingin ako sa paligid at nalaman kong nasa gubat kami.

Gubat nanaman?

Lakad lang kami ng lakad ng may nakita akong may kaliitan na bahay.

Pumasok kami sa loob don at bumungad samin ang lamesang nasa gitna at sa kanan naman ay kama.

May lagayan ng damit din sa kaliwa.

"*"Galing kayo sa Bayan ng Ganpon?"*"Tanong niya at umopo kaya umopo na din kami sa kahoy na upuan.

Tumango naman ako bilang sagot.

"*"Malayo pa ang bayan ng Ganpon dito. Pwede kayong pansamantalang tumira muna dito"*"Sabi niya na kaya tumango ulit ako.

"*"Sino pala yong lalaking nakacloak na kaedad lang natin?"*"Tanong ko at nakita ko siyang nagkibit balikat.

"*"Hindi ko alam. Akala ko ay kasama niyo din siya"*"Sabi niya kaya umiling ako.

Hindi ko na napigilan ang kinikimkim kong inis at nagsalita.

"*"Ugh. Tigil tigilan mo nga ako sa pagkukunyari mong siraulo ka!"*"Sabi ko na ikagulat niya kya hindi na ako nakapagtimpi at binatukan siya.

"*"Walang hiya ka! Bakit dinala mo ako sa gubat na yon ha!"*"Sabi ko at napangiwi nalang siya ng makilala niya ako.

"*"Hindi ko naman kasi sinasadya"*"Sabi niya kaya binatukan ko siya ulit.

"*"Hindi pala sinasadya? Magsisinungaling ka pa!"*"Sabi ko at babatukan ko na sana siya ng magsalita si Cronix kaya sabay na napatingin kami sakanya.

"*"Magkakilala kayo?"*"Tanong niya na ikatigil ko at binaba ang kamay.

"*"Ngayon lang kami nagkakilala Cronix. Ngayon lang"*"Sabi ko na ikangiwi niya at hindi nalang muling nagtanong.

"*"Shikira. Malay ko ba na ikaw pala yon"*"Sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

"*"Alam mo ba kung ano ang dinanas ko sa gubat na yon? Ha? Siraulo ka pala eh"*"Sabi ko.

"*"Dapat lang yon sayo no"*"Sabi niya na ikasalubong ng kilay ko.

"*"Anong dapat lang yon sakin?"*"Tanong ko at mas lalong nagkasalubong ang kilay ko.

"*"Nanguha ka ng pagkain sa kwarto ko!"*"Sabi niya.

"*"Para lang naman yon sa paglalakbay ko! Hindi ko din naman yon na dala dahil bigla nalang akong parang nahulog"*"Sabi ko.

"*"Ikaw lang? Nahulog din kaya ako dahil pinulot ko pa yong lagayan ng kinuha mo tapos akala ko nawala na ang portal na gawa ko.Kaya nahulog din ako at napadpad ako sa gubat nato"*"Sabi niya.

Umopo nalang ako kesa ituloy ang away namin.

Hindi na din ako nagtanong kung sino ang mga nakacloak na yon.

"*"Saan pala kayo pupunta?"*"Tanong niya.

"*"Sa Royal Charm Academy. Bakit? Sasama ka?"*"Tanong ko at ngumisi.

Tumayo siya.

"*"Ayos na ako dito"*"Sabi niya at aktong aalis ng pigilan ko siya.

"*"Ops! Bawal... Sabi niya ay hanapin kita at isama. Pag nilabag mo daw siya ay humanda ka daw sakanya"*"Sabi ko at nakita ko siyang napapikit mariin bago tumingin sakin at pilit na ngumiti bago tumango.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now