Chapter 29

6 1 0
                                    

Vonia Chime

Napatigil ako sa pagkain ng may biglang nagbuhos sakin ng tubig.
Hindi na ako nagsalita at pinabayaan sila.

Tumayo ako kasabay non ang mga tawanan nila kaya tumakbo na ako palabas ng Cafeteria.

Ilang araw na nila akong trinatrato na ganito. Simula nong araw na naglaban kami ni Fevune.

Nong araw na yon ay hindi na ako pinapansin ni Fevune. Bawal din namang makipag-usap o di kaya ay makipagkaibigan ang estudyante sa seksyon na Moliam kung saan nabibilang si Fevune at ang Royals.

Vonia Chime... Ako nalang palagi ang nakikita nila. Kahit anong oras ay ginugulo nila ako.

Binubuhusan ng tubig...
Pinagtritripan...
Nilalagyan ng kung ano ang pagkain ko at iba pa.

Hindi ko na kaya ang ganitong klaseng buhay. Gusto ko ng umalis dito. Pagod na ako.

"*"Vonia... Mangako ka na bibigyan mo kami ng hustisya..."*"

Hindi pwedeng umalis ako dito. Kailangan mabigyan ko sila ng hustisya. Hindi pwedeng kalimutan nalang yon!

Bumuntong hininga ako at pumasok sa dorm ko. Dumiretso na ako sa kwarto at di na nag-abala pang nagbihis.

Humiga na ako at tumingin sa kisame kasabay ng pagtulo ng luha ko na matagal ko ng pinipigilan.

Hindi nila alam kung ano ang rason ko pero kung makatrato sila sakin parang ako na ang pinakamasamang Oat.

Naglalakad ako papuntang dorm. Kakatapos lang ng pagsasanay ko.

Habang naglalakad ako ay napahinto ako sa harap ng pintuan ng headmaster

"Sigurado ka ba na ipapalaban niyo silang dalawa?"

"Sigurado na ako. Bakit? May problema ba?"

"Pero magkaibigan sila! Paano kung masira ang pakikipagkaibigan nila?"

"Tandaan niyo. Walang nagtatagal"

"Pero..."

"Shh.. Nakapagdesisyon na ako. Si Ms.Duino at Ms.Chime ang paglalabanin ko"

Tumagilid ako ng pagkakahiga at huminga ng malalim.

Tama nga siya. Walang nagtatagal.

Nasabi ko lang naman ang bagay na yon kay Fevune dahil alam kong hindi niya ako lalabanan.

~***~

Dahan dahan akong umopo.

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Tumayo na ako at papikit pikit na pumuntang banyo.

Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay pilit na naligo pa din ako.

Nagbihis na ako pagkatapos maligo bago lumabas ng kwarto.

Pumunta akong kusina at nagluto.

***

Habang naglalakad ako papuntang silid aralan ay may tatlong babae ang bigla nalang pumunta sa harap ko.

Iba ang pakiramdam ko sakanila. Kakaiba ang aura nila kesa sa mga ibang estudyante.

"*"Tsk. Nandito pala ang inggitera"*"

"*"Anong kailangan niyo?"*"Tanong ko.

"*"Magtatanong ka pa? Gusto lang naman namin na sabihin sayo na ingitera ka!"*"

"*"Oo nga! Akala pa naman namin ay mabait ka"*"

"*"Ingitera! Mabuti pa si Fevune! Sobrang bait!"*"

"*"Baka nga ikaw pa ang lumaLANDI sa mga Prinsipe eh! At baka nga ikaw pa ang MAHINA"*"

"*"Ingitera na nga! Malandi pa at mahina!"*"

"*"Nakakainggit ka Vonia. Lahat nalang na sayo"*"

"*"Malandi ka! Bakit mo inagaw sakin si Herb!"*"

"*"Magdedeny ka pa! Kita kong nilalandi mo siya"*"

"*"Walang hiya ka! Tinuring kitang kaibigan pero may tinatago ka palang landi"*"

"*"Naiinggit ako sayo dahil lahat nalang ay na sayo! Pero hindi ko naisip na agawin ang lahat ng yon mula sayo!"*"

"*"Labanan mo ako!"*"

"*"Mahina ka pala eh!"*"

"*"T-tama na.. Vonia.. Humi..nahon ka.. H-hindi a..ko maka...hi..nga"*"

"*"A...nak Hindi mo ka...salanan ang nang..yari"*"

"*"Mamatay Oat!"*"

"*"Ano ba! Bakit mo ba sila sinasaktan!"*"Nabalik ako sa realidad at napatingin sa harap at nakita ko ang tatlong babae na humarang sakin kanina.

Napansin kong hindi sila makahinga kaya agaran na kinontrol ko ito pero huli na ako at napatay ko sila

"*"Bakit mo sila pinatay?!"*"Napatingin ako kay Fevune ng magsalita siya.

"*"Alam mo?! Galit ako sayo! Pero pinipigilan ko lang!"*"

"*"Mamatay Oat ka! Alam mo bang Isa sila sa palaging bumibisita nong nasa clinic pa ako?!"*"

"*"Mamatay Oat ka Vonia! Sana ikaw nalang ang namatay!"*"

Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin na pala Ang lahat ng estudyante.

Kita ko ang galit sakanila habang nakatingin saakin.

Hindi ko sinasadya...

Nadala lang ako ng galit...

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now