Chapter 21

4 1 0
                                    

Training 1

Kakatapos ko lang kumain kanina at ngayon ay nandito ako sa Training Room at nakaupo.

Pinilit ko kanina si Prince Water na magsasanay ako ngayon pero umiling lang siya at sinabi na baka maulit yong kahapon pero dahil makulit ako kaya ayun napilit ko siya.

"*"Yan lang ba ang kaya mo?"*"Sabi niya habang nakatayo sa harap ko.

Gumawa kasi siya kanina ng taong tubig at tanging katana lang ang gamit ko.

Hindi ko naman masasaksak ang taong tubig na yon eh! Napaka imposible kaya.

"*"Labanan mo ulit"*"Sabi niya at nilahad ang kamay niya sa harap ko kaya tinanggap ko ito at inalalayan niya naman akong tumayo.

"*"Pinilit mo akong sanayin ka kaya dapat magsikap ka. Pumunta ka na don"*"Sabi niya kaya naglakad na ako sa gitna.

Tumayo ako don at nakita ang taong tubig na binelatan pa ako na ikainis ko.

Mahigpit ang paghawak ko sa katana kasabay ng pagsugod niya kaya hinanda ko na ang sarili ko sabay hiwa sakanya pero para lang itong wala lang sakanya at bumalik na ulit sa dati ang katawan niya.

"*"Concentrate! Don't let your guards down"*"Sabi ni Prince Water kaya huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa taong tubig na nakapameywang na ngayon.

Siya muli ang unang sumugod at bigla nalang sumulpot sa kamay niya ang tubig na espada.

Aktong isasaksak yon sakin ng iharang ko ang katana ko pero para lang itong hangin na dumaan sa katana ko at dumiretso sakin na ikatigil ko kasabay ng pagkaramdam ko ng ginaw.

"*"Fevune... Madali lang naman yan patayin eh"*"Sabi ni Prince Water na ikangiwi ko.

Kung ikaw nalang kaya maglaban nito.

"*"Pwede mong gamitin ang ability mo. Pero kontrolin mo ang emosyon mo"*"Sabi niya ulit kaya tumango ako.

Muli akong huminga ng malalim at tumingin sa taong tubig at ako naman ang sumugod sakanya sabay taas ng katana ko at nakita ko siyang nakatingin lang sakin.

Kasabay ng pag-init ng buong paligid. Para kang nasa desyerto sa sobrang init.

Kasabay ng pagbaba ko sa katana ko ang pag-unti unti niyang pagkawala na ikatuwa ko sabay tingin kay Prince Water na ngayon ay pinagpapawisan kaya binalik ko na sa dati ang panahon.

"*"Wow! Just wow! Kahapon ka lang natutu ah tapos malapit ka pang ma out of control tapos ngayon... Pinahanga mo ako Fevune"*"Nakangiting sabi niya na ikangiti ko.

"*"Tsk. Yon lang? Ang hina naman"*"Sabay na napatingin kami sa nagsalita at nakita ko si Prince Fire na naglalakad papunta sa deriksyon namin.

"*"Anong mahina? Bakit ka ba nandito ha?"*"Sabi ko kaya napahinto siya sa paglalakad.

"*"Sayo pala itong Training Room? Oww..."*"Sabi niya na ikainis ko.

"*"Umalis ka na nga dito!"*"Sabi ko.

"*"Tsk! Aminin mo na lang kasi na gusto mong masulo si Water. Tsk"*"Sabi niya na ikatigil ko.

"*"Woah. Woah. Woah. Tama na yan. Fire? Bakit ka nandito?"*"Tanong ni Prince Water.

"*"Bawal ba akong pumunta dito?"*"Sabi niya na ikangiwi ko.

"*"Prince Fire! Oras ng pagsasanay ngayon. Bakit ka ba nandidistorbo?"*"Sabi ko kaya napatingin siya sakin at bigla nalang siyang ngumisi.

"*"Tsk. Distorbo? Sorry ha? Sorry kasi nakadistorbo ako sa paglalandian ninyo"*"Sabi niya at naglaho.

Anong naglalandian? Hindi ba niya narinig na nagsasanay kami? Siraulo talaga yon.

"*"Fevune... Pasensya na sakanya ha. Sige. Magsanay na ulit tayo"*"Sabi ni Prince Water kaya tumango ako at pumwesto sa gitna.

Nagpalabas siya ng tubig at bigla nalang itong pumorma na kutsilyo.

Sabay na nagsipunta ang mga tubig na kutsilyo sa deriksyon ko at dahil sa pagkabigla ay napaupo nalang ako at napapikit ng makita kong malapit na.

Dahan dahan na minulat ko ang mata ko at nakita kong wala na ang mga yon.

"*"Fevune... Uulitin ko yon at kailangan nakahanda na ang sarili mo"*"Sabi niya kaya dahan dahan na tumayo ako at yumoko sabay tango.

Bumuga muna ako ng hangin kasabay ng paggawa niya ulit ng tubig na kutsilyo at sabay na hinagis sa deriksyon ko.

Humigpit ang hawak ko sa katana at ng makita kong malapit na ay mabilis na hinarang ko ang katana ko kasabay ng pag-iwas ko sa iba.

Napadaing ako ng madaplisan ako sa kaliwang braso ko kasabay ng paglaho ng ibang tubig na kutsilyo.

Lumapit siya sakin at tiningnan ang sugat ko.

"*"I'm sorry. Akala ko kasi..."*"Sabi niya habang nakatingin sa daplis sa kaliwang balikat ko.

May tumutulo na ding kunting dugo.

"*"Tayo na sa clinic"*"Sabi niya sakin pero umiling ako at pinunit ang laylayan ng damit ko at tinali doon sa may sugat ko.

Hindi pwede... Malalaman nilang may dugong Macian ako. Bakit ba hindi ka nag-iingat Fevune...

"*"Sigurado ka ba?"*"Tanong niya kaya tumango ako.

Pero pilit niya pa din akong pinipilit na pumuntang clinic pero kalaunan ay sumuko na siya.

"*"Sige... Ihahatid nalang kita sa dorm mo"*"Sabi niya kaya tumango ulit ako.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now