Chapter 25

4 1 0
                                    

Bayan ng Ersial

Nagsimula na akong maglakad at hindi pinansin ang mga Oat na patingin tingin sa deriksyon ko.

Ganda ko talaga.

Napahawak ako sa tiyan ko at napasimangot.

Nagugutom na ako.

Huminto ako at tumingin sa paligid at umaasang may pwedeng malapitan pero wala.

Babalik nanaman ba ako sa dati? Langyang buhay to oh.

Muli akong nagsimulang maglakad hanggang sa may nakita akong maliit na bahay sa di kalayuan.

Napagdesisyonan kong puntahan iyon.

Nang makarating ako ay kumatok ako ng tatlong beses.

Ilang minuto at pinagbuksan ako ng isang babae na may katandaan na.

"*"A-anong kailangan mo iha?"*"Tanong niya.

"*"Lola... Kakain ako"*"Sabi ko at napangiwi nalang ng marealize ko ang sinabi ko.

"*"Este. Lola... Pwede po bang makikikain ako? Gutom na gutom na po talaga ako Lola"*"Sabi ko with matching hawak sa tiyan.

Mahina siyang tumawa bago niya ako pinapasok.

"*"Pasensya na sa paligid iha. Ako lang kasi ang mag-isang nakatira dito at may katandaan na ako kaya mahirap saakin na linisin ko ang buong paligid"*"Sabi niya at napansin ko ang sahig na puno ng alikabok at mga sirang gamit at iba pa.

"*"Lola. Gusto mo po linisin ko po ang buong paligid?"*"Sabi ko.

"*"Iha? Talaga ba?"*"Tanong niya kaya ngumiti ako at tumango.

"*"Matagal tagal na din nong naglinis ako. Asan po yong pagkain? Este-"*"Pinutol niya ako

"*"Nandon lang iha. Kumuha ka lang. Haha"*"Sabi niya.

Mabilis na pumunta ako sa tinuro niya at umopo.

Kinuha ko ang mga takip at bumungad saakin ang ibat ibang putahe ng pagkain.

Dahil na din sa gutom ay mabilis na nilantakan ko ang mga pagkain pero syempre nagtira ako.

Ang kapal naman ng mukha ko kung uubusin ko lahat to.

Tumingin ako kay Lola na nakaupo at nanunuod lang sakin na ikatigil ko sa pagkain.

Kanina pa ba siya nanunuod?

Linunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko at tumuwid ng upo bago hinay hinay na kumain.

Patingin tingin lang ako sakanya habang kumakain ako hanggang sa natapos na ako at tumingin sakanya at pilit na ngumiti.

Nabusog ako ah.

Ilang minuto akong nakasandal sa kinauupuan ko bago ko napagdesisyonan na tumayo at nagtanong saknya kung asan ang panglinis.

Tinuro naman niya kaya pumunta ako don at kumuha.

Madali lang sakin ang linisin ang bahay niya dahil na din hindi ito kalakihan at kaparehas ng panglinis nila ang panglinis sa mundo namin.

Nang matapos ako ay umopo ako at sumandal.

"*"Salamat iha"*"Napatingin ako sakanya ng magsalita siya.

Sinuklian ko lang siya ng isang ngiti.

"*"Salamat din po sa pagkain"*"Nakangiting sabi ko.

~***~

Habang kumakain ako kasabay si Lola ay bigla akong napatingin sakanya ng magsalita siya.

"*"Anong pangalan mo iha? Hindi na kita natanong kahapon dahil nakatulog ka na"*"Sabi niya.

"*"Ako po si Shikira Osmeña"*"Pakilala ko na ikatango niya.

"*"Saan ka nanggaling?"*"Tanong niya na ikatigil ko.

"*"Sa Bayan ng Buren"*"Sabi ko na ikatango niya ulit.

"*"Hm... Ako pala si Ilda. Tawagin mo nalang akong Lola Ilda o di kaya ay Lola"*"Sabi niya.

"*"Sige po Lola Ilda"*"Sabi ko.

"*"Ahm... Lola.. Nasaan nga po pala ako?"*"Tanong ko.

"*"Hindi mo alam?"*"Tanong niya kaya tumango ako.

"*"Nasa Bayan ka ng Ersial. Yong sinasabi mong Bayan ng Buren ay malayo pa dito kaya paano ka napadpad dito?"*"Tanong niya.

"*"Naligaw po kasi ako at may isang kunehong nagturo po sakin ng daan palabas ng gubat na yon"*"Sabi ko at sumubo.

"*"Naligaw? Gubat?"*"Tanong niya kaya tumango ako.

"*"Yong gubat po malapit dito. Don po ako lumabas"*"Sabi ko.

"*"May iba ka pa bang kasama?"*"Tanong niya kaya umiling ako.

"*"Ako lang po ang mag-isa"*"Sabi ko.

"*"Mag-isa? Kay bait mong bata pero wala kang kasama"*"Sabi niya pero ngumiti lang ako.

"*"Lola... Aalis na po pala ako mamaya. Marami pong salamat sa pagpapatuloy mo po sakin dito"*"Sabi ko.

"*"Aalis ka na? Pwede ka namang manirahan muna dito saglit"*"Sabi niya.

"*"Gusto ko man Lola pero hindi po pwede. Pasensya na po talaga"*"Sabi ko.

"*"Ayos lang. Sige. Mag-ingat ka sa susunod ha"*"Sabi niya kaya ngumiti ako at tumango.

May binigay siya sakin na dalawang puting bagay. Parang maliit na bato.

Kinuha niya ang kamay ko at linagay sa palad ko.

"*"Wag mong iwala yan iha. Para yan sa kaligtasan mo. Kapag naligaw ka ulit ay kunin mo lang to at tutulungan ka naman nito"*"Sabi niya.

"*"Mag-iingat ka din po Lola... Gusto pa po kitang makasama ng matagal kaso..."*"

"*"Haha. Wag mo na akong alalahin iha. Gawin mo na ang kailangan mong gawin. Sana magtagumpay ka"*"Sabi niya na ikatigil ko at nagtatakang tiningnan siya pero ngumiti lang siya.

Isang ngiti na matagal ko ng gustong makita.

Pero imposibleng siya ito... Wala na siya.

ZANYIER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon