Chapter 36

3 0 0
                                    

Pagsubok 2

"*"Kira!"*"Napatingin ako kay Fevune ng tawagin niya ako.

Napansin ko ding napatingin samin sina Earth maliban kay Fire na ngayon ay bagot na nakaupo sa gilid.

"*"Kira. Gusto mong sumama samin? Tutal Lancia din naman hanap niyo"*"Sabi niya at sumulyap kina Cheonis.

"*"Tsk. Mas mabuting ikaw nalang ang sumama sakanila. Kami nalang ang maghahanap ng Lancia. Baka mapahamak pa kayo"*"Sabi nong Fire at tumayo.

"*"Ano naman gagawin namin?"*"Tanong ni Fevune.

"*"Maghintay dito. Baka nandito lang ang lagusan papuntang labas"*"

"*"Nag-iisip ka ba? Kung nandito lang edi san pa ang maze na yan. Ang paliko likong mga daan kung nandito lang din ang labasan? Ano yon? Nasa gitna ang tinatawag niyong Lancia tapos pagnakapunta kayo don babalik kayo dito kase nandito yong labasan? Yon ba gusto mong iparating? Ha?"*"Mahabang sabi ni Fevune.

"*"Alam mo liit? May tinatago ka din palang katalinuhan"*"Sabi ni Fire sabay lapit kay Fevune at inakbayan siya pero mabilis na inalis lang yon ni Fevune at pinanliitan siya ng mata.

"*"Wag na wag kang magkakamaling umakbay sakin!"*"Sabi ni Fevune at inirapan siya sabay baling sakin.

"*"Kira. Mauna na tayo. May pagkamadamot talaga yang lalaki na yan at di ako sinasama sa mga adventure's"*"Sabi niya at lumapit sakin.

"*"Ehem. Tama na yan. Magsimula na tayong hanapin ang Lancia. Malapit ng maggabi. Pasalamat nalang tayo dahil mabagal ang galaw ng oras dito"*"Sabi ni Water at naunang naglakad kasunod ay si Earth at Air.

"*"Tsk. Maiwan kayo dito. Kami na ang bahala"*"Huling sabi ni Fire at sumunod sakanila.

Umopo sa gilid ko si Fevune at bakas sa mukha niya ang pagkainis.

"*"Di ba tayo susunod sakanilan?"*"Tanong ni Cronix na ngayon ay nasa tabi ko na.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Cheonis na ngayon ay karga karga si Vonia na ikailing ko.

"*"Susunod tayo syempre"*"Sabi ko.

"*"Pabayaan mo nalang sila. Sabi nga nong may pulang buhok. Sila na daw bahala. Mas magandang mag relax nalang tayo dito"*"Sabi ni Cheonis na ikailing ko.

"*"Gaya nga ng sabi ni Fevune. May pagkamadamot si Fire. Yong may pulang buhok. Susunod nalang tayo kesa naman uupo lang tayo dito at walang gagawin. Baka di talaga dito ang labasan"*"Sabi ko na ikatango tango ni Cronix.

"*"May tama ka nga. Fevune, right? Tumayo ka na diyan magsimula na tayong maglakad"*"Dugtong ni Cronix.

Tumayo naman si Fevune na may malawak na ngiti.

"*"Sama ako?"*"Tanong niya.

"*"Oo"*"Sabi ni Cronix

"*"Talaga?"*"

"*"Oo nga"*"Sabi ulit ni Cronix.

"*"Talagang talaga?"*"

Mabilis na inawat ko si Cronix dahil parang handang handa na talagang patulan si Fevune.

ZANYIER WORLDOnde histórias criam vida. Descubra agora