Chapter 26

6 1 0
                                    

Cronix Crox

Huminto muna ako sa paglalakad at sumilong sa malaking kahoy.

Ang init naman.

Kinuha ko ang tubig sa bag at ininom ito.

Kanina ay binigyan ako ng pagkain at inumin ni Lola. Sabi niya ay dalhin ko raw ito sa paglalakbay ko para daw hindi na daw ako magutom at mauhaw.

Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno at nakasandal.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong walang mga Oat. Kanina pa ako nagtataka.

Lahat ng mga nadadaanan ko ay sirado ang mga bahay.

Iniling ko nalang ang ulo ko at hindi ko na pinansin ang paligid.

Saan ba ako pupunta? Siraulo naman kasi siya eh. Bigla bigla nalang gagawa ng portal kaya ako napunta sa gubat na yon.

Napatigil ako sa pagmumuni ng may mga nakapulang papunta sa deriksyon ko at ng makarating sila ay bigla bigla nalang nila akong hinawakan sa magkabilang balikat at hinila papuntang karwahe nila.

"*"Saan niyo ko dadalhin?"*"Tanong ko.

"*"Nilabag mo ang batas"*"Sabi niya na ikatigil ko.

"*"Anong batas ang pinagsasabi mo?"*"Tanong ko.

"*"Wag ka ng magtanong"*"Sabi niya at pinapasok ako sa isang malaking hawla.

Ano ako? Hayop? Loko pala to sila eh.

Sasabihin ko na sanang hindi ako tagarito ng maalala ko ang sinabi sakin ni Lola.

"*"Wag na wag mong sabihin na galing ka sa ibang bayan. Alam kong hindi ka nakatira dito sa mundo namin"*"

"*"Dito sa mundo namin ay bawal ang pumunta sa ibang Bayan maliban jung may misyon o di kaya ay may pahinulot ka sa nakakataas"*"

"*"May sariling batas din kami. Isa don ang bawal ang lumabas ng bahay kung wala kang trabaho. Mag-ingat ka din sa labas dahil pagala gala lang ang mga Hence"*"

"*"Hence?"*"

"*"Ang Hence ay mga nakapulang Oat. Sila ang mga bumibisita sa ibat ibang bayan at lugar. Sila ang ikatatlong pinuno dito sa Zanyier. Sila ang kumukuha sa mga lumalabag ng batas"*"

Tumingin ako sa mga nakapulang Oat.

Sila ba ang Hence na tinutukoy ni Lola? Kung sila nga isa lang ang masasabi ko.

Ang malas ko.

***

Bagot na nakaupo ako sa loob ng hawla habang nakatingin sa mga dinadaanan namin.

Nakalutang ang hawla nato. Akala ko pa naman ay bubuhatin nila to.

Habang nag-iimagine ako dito na kunyari isa akong prinsesa at naghihintay sa magliligtas sakin ng bigla nalang huminto na ikadapa ko pero mabilis ding umayos ng upo.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now