Chapter 53

2 0 0
                                    

***

Napatingin ako sa mga damit na nasa harap.

Kanina bigla nalang akong hinila ni Vamp tapos may binigay siyang damit sakin. Sabi niya suotin ko raw.

Kinuha ko na ito at sinuot.

Nang matapos ay humarap ako sa salamin at tiningnan ko ang repleksyon ko doon.

*Knock knock knock

Napatigil ako ng may biglang kumatok.

"*"Shrika. Right? Tapos ka na?"*"Dinig kong tanong niya at alam kong si Brodden yon base sa boses na narinig ko.

Naglakad ako papalapit sa pinto at binuksan ito at tama nga ako. Si Brodden nga.

"*"Wow"*"Biglang sabi niya habang nakatingin sa kabuuan ko pero napadako din sa takip ko sa mukha.

"*"Shrika. Anong nasa mukha mo? Bakit mo tinatakpan? Sayang yang suot mo ngayon kung hindi makikita ang buong mukha mo"*"Sabi niya kaya napahawak ako sa takip ko bago ngumiti ng maliit.

"*"Nasan sina Feviane?"*"Tanong ko.

"*"Umalis na sila. Naghihintay na si Vamp sa baba. Tara na?"*"Sabi niya kaya tumango ako at sumunod sakaniya.

Habang pababa kami ng hagdanan ay unti unti ko ng nakikita ang likuran ni Vamp.

"*"Vamp iho"*"Tawag ni Brodden kaya dahan dahan na lumingon si Vamp pero napadako ang tingin niya sakin.

Pormal din ang suot niya ganya ng akin.

Saglit siyang napatitig sakin bago dahan dahan na naglakad papalapit sakin.

Nang makalapit siya ay kinuha niya ang kamay ko sabay halik sa likuran nito at tumingin deritso sa mga mata ko.

'You're so beautiful today, Darling'

***
Chronis pov.

"*"Nandito na tayo"*"Biglang sabi nong drayber.

Sumilip ako at nakita ko ang isang School. Kung ikukumpara ko ang School nato sa Academy namin. Mas malaki pa yong amin.

"*"Hoy. Plano mo bang diyan nalang?"*"Napatingin ako kay Princess Air ng magsalita siya at ngayon ko nalang napansin na nasa labas na pala sila kaya agad na lumabas ako.

"*"Ang iksi ng palda nila dito. Ano bang naisip ni Tito at bakit ganito ang mga uniporme nila?"*"-Princess Air.

"*"Oo nga. Ang iksi na nga ng palda tapos apat lang ang botones ng damit pantaas"*"-Princess Earth.

Napatingin ako kay Prince Water at nagtaka ako ng mapansin kong nakatitig siya sa isang deriksyon kaya tiningnan ko ang tiningnan niya ng bigla ko nalang siyang nabatukan.

"*"Aray! Nong problema mo?"*"-Prince Water.

"*"Ano ba kasing tinitingnan mo?"*"Taong ko ng bigla nalang siyang napangisi at inakbayan ako.

"*"Tingnan mo yon. Haha"*"Sabi niya sabay nguso kaya tiningnan ko ang ibig niyang sabihin at nakita ko ang nagtitipon na babaeng naglalaro ng tinatawag nilang chinese garter.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now