Chapter 50

3 0 0
                                    

~***~

Nasa itaas ako ng puno habang nakaupo at hinihintay sina Feviane at ang Royals.

Kanina pa ako dito at tamang desisyon na nauna pa ako dito malapit sa gate.

Maganda ang tanawin rito at nakakaginhawa rin ang hangin.

Pumikit ako kasabay ng paglakas ng hangin at pag-ingay ng mga ibon.

"*"Bakit ka nandito?"*"

Napatigil ako ng may biglang nagsalita kaya nagmulat ako at hinanap ko kung sino at napadako ang tingin ko sa itaas.

Nakita ko ang isang nakaitim na lalaki at prenteng nakaupo habang nakatingin sa itaas.

"*"Sino ka?"*"Tanong ko nang dahan dahan siyang lumingon sakin.

"*"Vamp?"*"Sabi ko na ikangisi niya at muling tumingin sa itaas.

"*"Alam mo bang pwede kang maparusahan sa hindi mo pagtawag sakin na Prinsipe?"*"Sabi niya habang nakangisi at napangiwi nalang ako sa sinabi niya.

"*"Kanina ka pa ba diyan?"*"Tanong ko pero hindi man lang siya nag-abala na lumingon na ikakibit balikat ko at umiwas.

"*"Sa tingin mo?"*"Sagot niya kaya muli akong napangiwi.

"*"Bakit ka nandito?"*"Tanong ko ulit.

"*"Ikaw? Bakit ka nandito?"*"Tanong niya pabalik.

"*"Dahil naghihintay ako sainyo?"*"Patanong na sagot ko.

"*"Kaninang paglabas ng araw ka pa naghintay rito. Tama ba ako?"*"Sabi niya.

"*"Pano mo nalaman? Nauna ka pa ba sakin?"*"Tanong ko at hindi tumitingin sakaniya.

"*"Sabihin nalang natin na minsan ay dito ako natutulog"*"Sabi niya na ikatingin ko sakaniya.

"*"Ibig sabihin natulog ka dito?"*"Tanong ko at nakita ko naman siyang tumango.

Umiwas na ako at bumuntong hininga.

"Alam kong malandi kayo. Kaya landiin niyo ako"

Napatingin ako sa ibaba at nakita ko si Chronis na nakatayo sa harap ng nakakunot noo na dalawang estudyante.

"*"Umm...? Ayos ka pa po ba?"*"Tanong nong isang estudyante na ikatuwid ng Tayo ni Chronis.

"*"Wala. Sige. Umalis na kayo"*"Sabi ni Chronis at naglakad paalis na ikailing ko.

"*"Chronis! Ikaw talagang hinayupak ka!"*"Napatingin ako sa di kalayuan at nakita ko si Feviane na tumatakbong papunta sa deriksyon ni Chronis.

Nang makalapit ay bigla nalang tumalon si Feviane sa likod ni Chronis kaya nakasakay na siya ngayon sa likod ni Chronis.

"*"Aray Feviane! Hindi ako makahinga"*"Napatingin ako kay Chronis na ngayon ay sakal sakal ni Feviane.

Napatingin ulit ako sa di kalayuan at nakita ko si Olivia at Heonic na magkatabing naglalakad.

Pagtingin ko sa deriksyon ni Vamp ay saktong naglaho siya na ikakunot noo ko.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now