Chapter 68

1 0 0
                                    

Feviane POV.

Dahan dahan na minulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang hindi pamilyar na lugar.

Nasan ako?

"*"Finally. Tumayo ka na diyan. Kailangan nating makaalis dito"*"Rinig ko sa kung sino na ikatingin ko don.

"*"Princ- Emperor Vamp?"*"

Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng bakal habang may parang hinahanap.

"*"Tumayo ka na diyan. Kailangan nating makaalis dito"*"Sabi niya kaya tumayo na ako at lumapit sakaniya.

"*"Nasan tayo?"*"Tanong ko ng magkibit balikat siya.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at tanging mga naglalakihang mga pader lang ang nakikita ko. Wala ng iba.

"*"Paano tayo makakaalis?"*"Tanong ko.

"*"Lumayo ka"*"Sabi niya na ikataka ko at aktong magtatanong ng tingnan niya ako na ikayuko ko at mabilis na lumayo.

N-nakakatakot siya.

Bigla niyang tinapat ang dalawang kamay niya sa pader at may biglang kung anong apoy nalang ang lumabas doon kasunod ay malakas na pagsabog na ikapikit at ikatakip ko sa tenga.

***
Fire POV.

Pagkamulat palang ng mata ko ay ang unang bumungad sakin ay ang mga nagtataasang mga puno at mga damo.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sina Water na nakatali sa puno.

"*"Earth? Gising"*"Sabi ni Water habang pilit na inaabot ang nakapikit na si Earth malapit sakaniya.

Napatingin naman ako kay Olivia ng bigla siyang magmulat kasabay ng pagtingin niya sa nakasandal at nakatali na si Heonic kagaya niya.

"*"Princess Air? Ayos ka lang ba?"*"-Chronis.

"*"OA"*"-Air.

"*"Nasan si Feviane? Sina Christine at Kristina?"*"Tanong ni Olivia na ikaalarma ko at aktong tatayo ng mapatigil ako at napatingin sa kabuuan ko at nalaman kong nakatali din pala ako.

"*"Earth. Kaya mo bang putulin itong mga nakatali satin gamit ang sanga?"*"Tanong ni Water kay Earth.

"*"Hindi pangkaraniwang tali ang itinali satin. Hindi ko kayang putulin ito gamit lang ang isang matulis na sanga"*"Sabi ni Earth.

"*"Air? May magagawa ka ba?"*"Tanong ni Water ng umiling si Air.

"*"Pagginawa ko ang naiisip ko ay baka madamay pa kayo kaya wag nalang"*"-Air.

"*"Chronis?"*"-Water.

"*"Huh?"*"Sabi ni Chronis at nakita ko nalang na napairap si Air at Olivia.

"*"Fire?"*"-Water.

"*"Kaya kong makawala dito kaso mababawasan ako ng malaking enerhiya"*"Sabi ko kaya napaisip sila.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now