Chapter 56

1 0 0
                                    

~***~

Nasa itaas nanaman ako ng puno habang nakatingin kina Kristina at Christine na nagtutulungan na patibayin ang barrier nitong Academy.

Ngayon alam ko na kung bakit pinahanap ni Hm sina Kristina.

"*"You're here again"*"

Napatingin ako sa itaas ng puno at nakita ko si Vamp na nakaupong nakatingin sa itaas.

"*"Kanina ka pa dito?"*"Tanong ko.

"*"No. Kakadating ko lang"*"Sabi niya na ikatango ko at muling tumingin kina Christine na ngayon ay kakatapos lang na patibayin ang barrier.

"*"Anong nasa mukha mo at bakit hindi mo pinapakita?"*"Tanong niya na ikatigil ko pero kalaunan ay sumandal sa puno.

"*"Just mind your own business, Vamp"*"Sabi ko.

Bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko at kinulong ako sa mga kamay niya.

Tinitigan niya ako sa mata kaya tinitigan ko naman siya pabalik.

"*"Your eyes"*"-Vamp.

"*"Huh?"*"Sabi ko.

"*"Sobrang pamilyar. Your smell"*"-Vamp.

Bigla nalang niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko at inamoy ito.

Aktong itutulak ko siya ng mabilis na nahawakan niya ang kamay ko.

"Nasan na ba ang Shrika na yon?"

"Chronis? Nakita mo ba si Vamp?"

"Hindi ko nakita"

"Bakit ka pala nandito?"

"Hinahanap namin si Shrika. Nawala nanaman eh"

"Sige Princess Earth. Hahanapin ko na si Shrika. Baka makalbo pa ako ng tuluyan paghindi ko nahanap si Shrika"

Tuluyan ko na siyang natulak na ikalayo niya sakin.

Tumingin ako sa ibaba at nakita ko si Chronis na patingin tingin sa paligid.

Bumaba na ako ng puno at iniwan si Vamp don.

"*"Susmaryosep. Ano ba naman yan Shrika. Bakit ka ba biglang sumulpot? Atsaka san ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap"*"-Chronis.

"*"Bakit?"*"Tanong ko.

"*"Pinatawag ulit tayo ni Headmaster. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Headmaster"*"-Chronis.

Tumango ako at naunang naglakad.

"*"Hintayin-"*"-Chronis.

"*"Chronis? Chronis!"*"Napatigil ako sa paglalakad at ganun din si Chronis ng may biglang tumawag sakanya.

"*"Kristina?"*"-Chronis.

"*"Ako nga. Makikisabay na ako ha. Ayos lang ba sayo Shrika?"*"Sabi niya kaya tumango ako at nagsimulang maglakad at ganun din sila.

ZANYIER WORLDWhere stories live. Discover now